Ayen Munji-Laurel gives birth to second child with husband Franco Laurel

Isang panibagong dagdag na naman sa lumalaking pamilya nina Franco Laurel at Ayen Munji-Laurel ang dumating nang magsilang si Ayen kaninang umaga, February 5, ng isang healthy baby girl. Sofia ang ibinigay na pangalan ng mag-asawa sa kanilang bagong silang na anak.


Isinilang na ni Ayen Munji-Laurel ang ikalawang anak nila ng mister niyang si Franco Laurel kaninang umaga, February 5, 2014.

Nagsilang si Ayen, via normal delivery, kaninang 10:10 a.m., sa Makati Medical Center.

Sofia ang piniling pangalan nina Ayen at Franco para sa kanilang bunsong anak.

May dalawang anak si Ayen mula sa una niyang pagpapakasal, at ngayon ay dalawa na rin ang anak nila ni Franco.

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas nang mag-post si Franco sa kanyang Instagram at Facebook account ng mensaheng ito: “Its time!!! @ayenlaurel21 is about to give birth any moment now! #blessing#happyfamily #happyhusband #happydaddy.”

Ang sumunod na post ni Franco ay ang mismong larawan na ng kanilang baby girl at may caption itong:

“Hello World! Meet #SofiaLaurel born on February 5, 2014 at 10:10AM Thank you Lord for a quick and easy delivery! #blessing #blessed #happydaddy #prouddaddy #happyfamily #babylove #baby Both@ayenlaurel21and Sofia are doing well!”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Franco, sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook, kung bakit Sofia ang napili nilang ipangalan sa kanilang anak ni Ayen.

Sagot ng singer-actor: “We chose Sofia because we love the name.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN