NBI: No damages in Deniece Cornejo’s condo unit

Ayon sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), wala silang nakitang sirang gamit sa condo unit sa Forbeswood Heights na tinutuluyan ni Deniece Cornejo. Sa naunang pahayag, sinabi ni Cedric Lee na nag-volunteer si Vhong na magbayad dahil sa damages sa unit.


Walang nakitang mga sirang gamit nang pasukin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang condo unit ni Deniece Cornejo noong February 3, Lunes, sa Forbeswood Heights sa The Fort.

Ito ay taliwas sa sinabi ni Cedric Lee, sa isang panayam, na nag-volunteer si Vhong na magbayad ng P1 million para sa mga nasirang gamit sa condo unit.

Kinailangan ng NBI na sirain ang kandado ng nasabing condo unit dahil hawak umano ni Deniece ang susi, ayon sa report ng GMA News.

Sa isang press briefing naman noon ding Lunes, February 3, inilahad ni Atty. Rommel Ramirez ng Special Investigation ng NBI-NCR, ang ginawa nila sa condo unit na tinutuluyan ni Deniece.

“Sinukat lang namin yung dimension nung room.

“At the same time, nag-observe lang kami sa mga gamit na nandun at ni-record lang namin through pictures and videos.

“At the same time, wala naman kaming kinuhang gamit do’n.”

Ani Ramirez, iuugnay nila ang kanilang ginawang imbestigasyon sa testimonya ni Vhong Navarro upang malaman kung ito ay tugma sa lugar kung saan nangyari ang pambubugbog sa kanya, at ang diumano’y tangkang panghahalay na inaakusa ni Deniece sa actor-TV host.

Makikita sa mga nakuhang videos at larawan na ipinakita ng NBI na walang mga nasirang gamit at maayos na nakapuwesto ang mga gamit ni Deniece.

Ipinakita rin sa video na naroon pa ang supot ng pagkain na dinala ni Vhong noong gabi ng January 22.



DROPS OF BLOOD. Napansin ng mga awtoridad ang mga natuyong patak ng dugo sa sofa at ang bahid ng dugo sa buckle ng bag na nasa sofa rin.

Sa press briefing, sinabi ng NBI na hindi pa nila matukoy kung kanino ang nasabing dugo dahil wala silang kasamang forensic personnel noong isagawa ang imbestigasyon sa condo unit.

Sabi ni Vicente de Guzman III, assistant regional director ng NBI-NCR, “Wala po kaming kasamang forensic at that time, so we’ll have it examined by our forensic examiner.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO DAMAGES. Samantala, ang nais busisiin ngayon ng NBI ay ang taliwas na pahayag ni Cedric sa nakita nila sa condo unit.

Ani Ramirez, “Nakita po namin, maayos naman. Wala naman kaming nakitang puwede naming sabihin na sira.”

Matatandaang pinasinungalingan ni Cedric ang sinabi ni Vhong na hiningan daw siya ng hanggang P2 million ng grupo ng negosyante.

Sa panayam kay Cedric ng GMA News noong January 27, sinabi nitong ang hiningi lang daw nila kay Vhong ay P1 million bilang kabayaran sa mga nasirang gamit sa condo unit.

“Siya [Vhong] ang nag-offer kay Deniece na babayaran niya lahat ng na-damage.

“I texted him, sabi ko sa kanya, ‘Vhong, yung na-damage dito, nasa almost P800,000 plus, pero i-roundup mo na sa P1 million, including other moral damages and etcetera.”

Natanong din sa NBI officials kung posible bang pagpasok ni Vhong sa condo unit ay may dalawang lalaki nang nasa loob.

Sa panayam kasi ni Vhong sa Buzz ng Bayan noong January 27, sinabi niyang noong nasa loob siya ng condo unit ay may dalawang lalaking tinutukan siya ng baril.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Ani De Guzman, “I think it’s in the statement of Vhong Navarro na when they got in, silang dalawa ni Miss Deniece Cornejo, after a while lumabas si Miss Deniece, lumabas yung dalawang mama sa loob nung room ni Miss Deniece.

“Wala pong pinto ito [or] lock… just curtain.

“So, paglabas, mayroong isa, nakatutok… nakatutok na yung baril sa kanya [Vhong].”


AFFIDAVIT OF BINUNUS. Ang hinihintay naman ngayon ay ang paglabas ng isinumiteng affidavit ni Greg Binunus, isang Malaysian national na nagrerenta ng condo unit na tinutuluyan ni Deniece.

Ang tunay na may-ari naman ng Forbeswood Heights condo unit ay si Soledad Ramos at pinaparenta niya ito kay Binunus.

Ayon sa pahayag ng NBI, nagkakilala sina Binunus at Deniece sa isang party sa isang exclusive club noong December 2013, at pumayag na tumira si Deniece sa kanyang nirerentahang condo unit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad pa ni De Guzman, “I think this January 15, when she got in [the condo] 17 [January], she arrived night time with Mr. Vhong Navarro.

“So practically [January] 15-17, two days pa lang siya roon [when] she was accompanied by Mr. Vhong Navarro.”

Matatandaang sa salaysay ni Vhong, sinabi niyang una siyang nakapunta sa condo unit ni Deniece noong January 17, limang araw bago mangyari ang insidente ng pambubugbog sa kanya noong January 22.

Nang magpunta raw si Binunus sa NBI noong February 2, Linggo, sinabi nitong hindi niya kilala si Cedric.

Ani De Guzman, “I asked them the same question even to Mrs. Ramos, hindi niya kilala nor the [Malaysian si Binunus], di niya kilala si Cedric.

“Ang kilala lang niya, si Miss Deniece.”

Dagdag pa ni De Guzman, sa oras na matapos sila sa kanilang mga imbestigasyon ay isusumite nila ito sa Department of Justice at sa Prosecutor’s Office “to determine whether our evidence gathered are sufficient to stand in court.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN