Kris Aquino okays Bimby-James Yap bonding on her ex-husband’s birthday

“Pumayag naman si Bimb. So it’s really up to James. By all means, walang problema sa akin,” says Kris Aquino about Bimby spending quality time with his father, James Yap.


Maaaring makasama ni James Yap ang kanyang anak na si Bimby sa kanyang kaarawan sa February 15.

Ito ang inihayag ng dating asawa ni James na si Kris Aquino sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News sa photo shoot para sa kanyang bagong programa, ang Aquino & Abunda Tonight.

Ayon kay Kris, gusto niyang maging “positive” ngayong 2014 kaya papayagan niya si Bimby na makasama ang kanyang ama.

“Hindi naman kasalanan ng bata ’yon, hindi ko din kasalanan.

“Kasi hindi naman nakasaad sa batas.

“Walang legal o personal na dahilan to prevent him from visiting Bimb sa school.”

Dagdag pa ni Kris, “I realized na 2014, let’s be positive.

“So I asked Bimb, sabi ko, kasi birthday ni James [sa] February 15, so sabi ko, ‘Honey, do you want to see your Papa and celebrate his birthday with him?’

“Pumayag naman si Bimb.

"So, it’s really up to James. By all means, walang problema sa akin.”

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James kamakailan, sinabi ng kilalang basketball player na limang buwan na niyang hindi nakikita ang anak nila ni Kris.

“Matagal ko na siyang hindi nakita. Sana makita ko siya soon,” sabi ni James.

Read: James Yap complains about not seeing son Bimby for five months now

Ikinasal sina Kris at James noong July 2005. Ngunit naideklara itong “null and void” ng korte noong February 2013.

Sa kabila ng paghihiwalay, maayos namang napag-usapan ng dating mag-asawa ang visitation rights na hinihingi ni James para kay Bimby.

Subalit hindi magawang madalaw o makita ni James si Bimby dahil sa permanent protection order (PPO) na hiniling ni Kris laban sa dating asawa.

Nakasaad sa PPO na hindi maaaring lumapit si James kay Kris “at such safe distance but not less than 100 meters and from the residence and employment of petitioner Kris.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN