Robin Padilla on BB Gandanghari entering same-sex marriage: "Oh my goodness!"

Robin Padilla is known to do movies to make a point. The film he is starting with sibling BB Gandanghari will tackle gay rights: "Naniniwala ako na ang gay ay may karapatan. Tao ’yan, ang lahat ng tao ay dapat may equal rights, ’di ba? Yun yung gusto ko lang makita sa Sweden, kasi dun kasi nag-umpisa ang gay marriages... gusto kong ma-educate."


Kinumpirma ni Robin Padilla na sisimulan na ang gagawin niyang pelikula kasama ang nakakatanda niyang kapatid na si BB Gandanghari.

Ibinalita ng action superstar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pupunta silang magkapatid sa Sweden para makita ang lugar sa Stockholm na pagsisimulan ng kuwento ng pelikula nila.

Kuwento niya, "Pupunta nga kami ngayong February sa Sweden.

"Kasi titingnan namin yung sinkhole doon para sa uumpisahan naming pelikula ni BB.

"Hindi kasi matuluy-tuloy. Tuwing mag-uumpisa kami ay hindi matuluy-tuloy.

"Sabi ko, ’Ano kaya ito? Kailangan na kaya nito ang divine intervention dito?’

"Kasi yung plot nung pelikula namin ay tungkol sa gay marriage.

"Yung nangyari sa Stockholm ay parang may kinalaman din yun.

"So, parang pilgrimage na din na... tingnan natin kung ano ang sasabihin sa atin ng Diyos."

PRO-GAY. Dahil tungkol sa gay marriage ang tema ng bagong pelikula ni Robin, ibig bang sabihin nito ay pabor siya sa same-sex marriage?

Paliwanag niya, "Kasi ako, naniniwala ako na ang gay ay may karapatan.

"Tao ’yan, ang lahat ng tao ay dapat may equal rights, ’di ba?

"Yun yung gusto ko lang makita sa Sweden, kasi dun kasi nag-umpisa ang gay marriages.

"Gusto kong makita, gusto kong ma-educate."

Dugtong pa niya, "Kasi pangalawang beses na ’to... hindi kami natutuloy. Ano bang...?

"Yung unang project kasi with BB, hindi rin yun natuloy, siya yung kontrabida dun, e.

"Ngayon, bida at tungkol sa gay ano nga, e.

"Umalis [si BB] kaya hindi na naman natuloy."

Kahit lalaking-lalaki si Robin, bukas ang kanyang puso at isip sa gay marriages.

Sagot ng 44-year old actor, "Oo, kasi yun ang plot ng story namin.

"Kasi ganito ’yan, may dalawang gay marriages—may isang sa simbahan at meron tayong tinatawag na sa judge lang.

"Heto, yung sa man’s law lang. Yung sa akin kasi, gusto kong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung nangyari kasi sa Stockholm, yun yung mga ikinasal sa simbahan, pagdaan nila, kinain sila ng sinkhole.

"Medyo ano... ano ba ang wisdom nun?

"Kasi siyempre... hindi naman curse, huwag nating sabihing curse, kasi tao din naman ang mga yun, di ba?

"Gusto ko lang balansehin.

"Gusto ko lang na... yung misyon ko ba ay ipaglalaban ko ba ang gay rights dahil may kapatid akong gay? Hanggang saan ba ang boundary nun?

"Kailangan may boundary ako na kailangan bang sakupan ko yung ipinag-uutos ng Diyos?

"Kaya ko ba yun? Hanggang dito lang kami sa sinasabing batas ng tao."

Sabi pa niya, "Kasi, kailangan pag may konsepto ka, kailangan alam mo kung ano ang gusto mong itawid.

"Ang itatawid ba namin ni BB ay yung gay marriage sa usapin ng tao at ’wag na nating saklawan pa yung batas ng Diyos?"

GAY MARRIAGE FOR BB. Sa puntong ito ay inalam ng PEP kay Robin kung napagkikinita niya na darating ang araw na puwedeng ikasal si BB sa isang lalaki.

Natatawang pagkontra ng asawa ng TV host-actress na si Mariel Rodriquez, "Hindi ko nakikita yun!

"Oh my goodness, gracious great...

"Siguro sa pelikula, pero kasi dapat kaming magkasundo.

"Ang relationship, progressive dapat ’yan, e.

"Sa tingin namin ngayon kay BB, bata, e.

"Kasi kailan lang naman siya nag-ano [nagladlad], ’di ba? Nabibigla kami.

"Kaya huwag niya kaming biglain, kasi kami, iniintindi namin ng paunti-unti.

"Kaya nga nakarating na kami dun sa ipaglalaban namin siya kasi pamilya namin siya.

"Pero unti-untiin naman, huwag naman kaming...

"Siguro kung lumaki siyang ganun, siguro ay hindi na kami masasaktan, pero hindi, e."

Taong 2009 nang ideklara ni BB on national television na: "Rustom is dead."

Si Rustom Padilla ang dating katauhan ni BB.

Paano nga kung isang araw ay may ipakilalang boyfriend sa kanila si BB, kaya na ba niyang tanggapin ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Baka kami ang hindi matanggap ng ipapakilala niya. Baka sabihin niyang, ’Ano bang pamilyang ’to?’" natatawang sagot ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN