Raymond Bagatsing does not mind being second choice; won’t give up his green card

It’s no big deal to Raymond Bagatsing that he was second choice for his character in Carmela. He says, “Ang dami ko namang tinanggap na madalas last choice ako... walang isyu yun."


Dalawang buwang nagbakasyon si Raymond Bagatsing sa Amerika.

Pagbalik niya ay sinimulan naman ng aktor ang taping ng bagong primetime series ng GMA na kinabibilangan niya—ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Sa linggong ito papasok ang karakter ni Raymond bilang si Dante, na magkakaroon ng malaking kaugnayan sa karakter ni Marian Rivera bilang si Carmela.

Ito ang ikatlong teleserye na pinagsamahan nina Raymond at Marian.

Una ay sa Amaya (2011-2012), kung saan gumanap si Raymond bilang ama ni Marian.

Pangalawa ay sa Temptation of Wife (2013), kung saan gumanap si Raymond bilang father-in-law ni Marian.

Nakangiting pahayag ni Raymond sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nakakatuwa, kasi sa Amaya, anak ko siya. ’Tapos dito naman [sa Carmela], na-obsess ako sa kanya.

“Ako ang manggugulo sa kanilang dalawa ni Alden Richards.

“Hindi naman ako masama dito. Ang alam kong masama, iyong karakter ni Rochelle Pangilinan.

"Siya yung girlfriend ko na obsessed sa akin, ako naman ang na-obsess kay Carmela."



PERENNIAL SECOND CHOICE. Ang karakter na Dante sa Carmela ay balitang unang inalok kay Gabby Concepcion.

Pero balita ring masyado raw malaki ang hinihinging talent fee ng dating matinee idol kaya hindi natuloy ang paglabas nito sa teleserye.

Hindi naman daw isyu kay Raymond kung second choice siya sa ginagampanang karakter.

Saad niya, “Hindi, ang dami ko namang tinanggap na madalas last choice ako.

"Like yung Amaya. Sabi nila, ’Hindi tinanggap ni Phillip [Salvador], ready ka ba? Kaya lang, two weeks ka lang.’

“Yung Temptation of Wife, kay Christopher de Leon unang in-offer yun.

"Pang-father role talaga yun, pero tinanggap ko na rin para makita kung gaano ka ka-versatile, ‘di ba?”

Dugtong pa niya, “Yung Temptation of Wife, sabi ni Nanay Lolit [Solis, his manager], ’Umuwi ka na.’

"Kaya sa akin, walang isyu yun.

"Mabuti nga hindi nila tinanggap, napabuti pa, napunta sa akin.”




MORE PROJECTS. Masaya naman daw si Raymond dahil mula nang gumawa siya sa Kapuso network, dire-diretso at hindi siya nabakakante ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya talaga ako.

“Mula nang bumalik ako, siyempre ang worry ko, ’Mahihirapan kaya akong tanggapin ulit?’

"Sabi naman nila, ’Hindi naman, kahit paano, professional actor ka.’

"Tuluy-tuloy ako. Minsan, hindi pa tapos ang isang show.

“Yung Mga Basang Sisiw, yung Adarna in-offer sa akin, sabi lang ni Direk Ricky Davao.

"Pero sabi ko, ’Sayang, Direk, kailangan ko munang umalis at asikasuhin din ang green card ko.’”

GREEN CARD WOES. Isang buwan lang daw sana mananatili sa Amerika si Raymond, pero umabot siya ng dalawang buwan dahil hinintay niya ang kanyang re-entry permit.

Kuwento ng aktor, “Hinintay ko ang re-entry permit ko kasi kinukuha na nila ang green card ko.

"Sabi nila, ’Hindi ka naman nakatira rito, hindi ka naman resident.’

"Kasi mga three years na ako [sa Pilipinas] at mga ten days lang ako pag umuuwi [sa Amerika].

“Sabi nila, ’You’re not paying taxes, resident ang green card, hindi ka residente dito.’

"Pero siyempre, ayokong i-give up dahil pinaghirapan ko yun.”

Dahil sa kuwento ni Raymond, naalala tuloy namin ang Superstar na si Nora Aunor na napabalitang nag-give up ng kanyang green card.

Naging busy na ang Superstar sa Pilipinas at hindi na magawang magpabalik-balik palagi sa Amerika.

Ikinagulat ni Raymond ang balita.

Bulalas niya, “Ginib-up niya ang green card niya? Wow!

"Hindi ko igi-give up yun, kasi kapag nasa abroad ako, parang doon ko nahahanap ulit ang sarili ko.

“Normal ka, naglalakad ka lang.

"Ngayon kasi, may re-entry permit ako that will allow me to stay rito ng two years.

"Dapat iyon daw ang ginawa ko noon pa.

"Sabi kasi ng lawyer ko noon, okay lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN