German Moreno reveals former GMA executive wanted him out of network; saddened by death of Mang Gerry

German Moreno on celebrities who easily switch networks: "Isipin naman nila, magiging ganyan ba ang laki ng pangalan niya kung hindi dahil dun sa istasyon na yun na pinanggalingan, di ba? So, nakakalungkot."


May mahihiling pa ba ang veteran TV host na si German "Kuya Germs" Moreno sa dami na rin ng achievements at mga narating niya sa buhay?

“Well, sa akin, maipagpatuloy ko pa itong ginagawa ko na kahit na hatinggabi, sige lamang,” pagtukoy niya sa Walang Tulugan With The Master Showman, na napapanood tuwing Sabado ng hatinggabi sa GMA.

Dagdag niya, “Kaya sa inyo [members of the press], ang pakiusap ko lang sa inyo, gisingin ninyo yung mga advertiser…

“Alam ninyo ba ang Walang Tulugan ay talagang maraming hindi natutulog dahil, unang-una, maraming problema ang iniisip ang mga tao.

“Kaya para ano… naaaliw sila kapag nanonood ng Walang Tulugan.”

May isa pa raw wish si Kuya Germs.

“Well, yung health mo siyempre, hinihiling natin sa ating Panginoon na idinadasal ko na ang katawan ko, ibinibigay ko sa kanya sa pagtatrabaho ko.

“Hindi ko iindahin ang pagod basta kung mas meron pa akong magagawa rito, dito na muna ako.

“Parang nararamdaman ko naman, ibinibigay Niya pa rin dahil binigyan niya ako ng anak.

“Meron akong apat na apo, siyempre gusto ko pang gabayan yung mga apo ko, ‘tsaka mga anak ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Germs sa presscon ng 18th anniversary ng Walang Tulugan With The Master Showman noong Martes, February 4, sa 17th floor ng GMA Network Center.



WHO IS GERMAN MORENO? Sa paglipas ng panahon, sa ngayon, sino si German Moreno?

“Si Kuya Germs pa rin!” bulalas niya.

“Iyon pa rin, walang pagbabago.

“Hindi umiiral sa akin yung nag-number one ka, kinilala ka, na kailangan mabago ang ano mo. Hindi ko iniisip yun.

“Ayokong makitaan ako na kahit na naging loyal ako sa GMA, kahit na marami akong naging problema, hanggang ngayon problema, hindi ko iniisip yung, ‘Ay, lumipat na lamang ako!’

“Dahil I consider na ako naman, para sa lahat, dahil naging Presidente ako ng Actors’ Guild, anim na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi ko puwedeng hindi balansehin ang aking pakikisama, pakikitungo.

“Kahit na taga-ibang istasyon e binibigyan ko ng pagkakataon.

“Kung may kailangang i-promote, i-promote nila kung ano yung gusto nilang i-promote.”



STAYING LOYAL. Tiyak na may mga sumubok na ibang istasyon na kunin siya. Ano ang isang dahilan kung bakit nananatili siyang loyal sa Kapuso network?

Saad ni Kuya Germs, “E, ano kasi, e, you want to prove something.

“Na yung pagiging loyal mo e hindi ka nakukuha naman sa ganung… which nangyari sa akin.

“Ako, ipinapaliwanag ko lagi talaga na… Pagpasensiyahan niyo na lang ako dahil sa nakikita ko, lalo na ngayon, iba ang takbo, ano?

“Nalulungkot ako dahil ang staying power mo, nasa sa iyo ‘yan, e.

“E, yung pinanggalingan mo, hindi mo puwedeng sabihin na wala kang utang na loob, ayokong makakarinig na ganun.

“E, sa ngayon, pag na-offer-an, ganito kaagad ang desisyon.

“At hindi ko naman masisi minsan yung mga artista.

“Minsan merong namamagitan, sila ang nag-aano.

“Pero isipin naman nila, magiging ganyan ba ang laki ng pangalan niya kung hindi dahil dun sa istasyon na yun na pinanggalingan, di ba?

“So, nakakalungkot.”

Ano ang maipapayo ni Kuya Germs sa mga ganitong artista na madaling masilaw?

“Pag-aralan naman nila. Pag-aralan nilang mabuti.

“Sapagkat, siyempre yung prinsipyo, yung karangalan, mahalaga pa rin dito.

“Magiging good example ka na mapakita mo sa mga dumarating ding mga kabataan na ganito ang dapat maging ugali natin. Okay?

“Ngayon, kung ang istasyon mismo, hindi ka na kailangan at bukas pa ang pintuan…

“Yun din ang sinabi ko noong araw, nung inaalok ako ng isang station na, ‘Kung hindi ko man matanggap ngayon, kung dumating ang panahon na hindi na ako kailangan ng istasyong pinaglilingkuran ko, at bukas pa yung pinto niyo, ako na ang kusang lalapit sa inyo kung kakailanganin niyo pa ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun lang.”

Pero hindi raw naramdaman ni Kuya Germs kahit kailan na hindi na siya kailangan ng GMA.

“Hindi. Naging straight naman ako, e.

“Nung tinanggal na ang mga shows ko nung unang management, na nawala lahat in one year yung aking mga shows, tinanong ko na.

“Nag-one-on-one ako sa Presidente namin, tinanong ko, ‘Kailangan niyo pa ba ako o hindi na?’

“Sabi niya, ‘A, hindi, dito ka pa rin!’

“Sabi ko, ‘E, wala na akong show.’

“‘A, hindi, gagawin ka naming consultant.’

“’E, personality pa rin ako e, kailangan may show pa rin ako.’

“So, iyon, sabi, ‘Sige, mag-isip ka.’

“Inisip ko yung Master Showman. So ayun, ginawa ko yung Master Showman.

“E, ang Master Showman nung araw, 10:30 ng gabi. So, dinumog pa rin ako ng maraming tao dahil live, e.

“E, guest ko sina Mareng Susan [Roces], Mareng Gloria [Romero].

“So, dinumog ako ng maraming tao, pinilahan pa rin ako sa Broadway [Centrum].

“After two weeks, inilagay na ako sa late hour, naging alas-dose.

“Dun na ako sumigaw ng ‘Walang tulugan!’

“So, nararamdaman ko, ‘Bakit ako ginaganito?’

“May isang tao talaga na nag-ano sa akin, yun bang gusto akong i-down.

“So, ayun yung tao na yun, siya ang nawala! Ako, nandito pa rin ako.”

Hindi na pinangalan ni Kuya Germs kung sino ang dating GMA executive na tinutukoy niya.

MANG GERRY. Nagbalik-tanaw naman si Kuya Germs noong nagsisimula pa lamang gumawa ng pangalan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at kasa-kasama nito ang yumaong amang si Gerardo “Mang Gerry” Velasquez.

Kuwento ni Kuya Germs, “Sabi ni Mang Gerry, ‘Alam niyo ba, nung araw, walang tumatanggap kay Regine na mag-guest na mga ano… si Kuya Germs lang ang tumanggap.’

“Iyon, sinabi niya yun.

“Si Regine, sinabi niya rin sa Araneta [Coliseum] nung mag-concert siya, ‘Ang Papa ko, dinadala ako sa mga iba-ibang ano, wala pong tumanggap. Si Kuya Germs lang ang tumanggap sa akin nung mga panahon na yun.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba pa ang pangalan niya noon.”

“Chona Velasquez” ang unang screen name ni Regine.

Kaya naman ikinalungkot ni Kuya Germs ang pagpanaw ni Mang Gerry noong February 3.

Read: Regine Velasquez’s father, Mang Gerry, dies at 76

Saad ng veteran TV host, “Oo nga, nung nalaman ko, nalungkot ako dahil yung respeto sa akin nung matanda na ayun, e, ano talaga…

“Iyon ang news namin sa radio. Tinatanong sa akin dahil lumabas daw sa Twitter na namatay na…

“So, inalam naming mabuti para bago mo iano ang pakikiramay, siyempre matiyak mo muna kung totoo ag balita.

“Totoo daw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN