Phoemela Baranda insists she did not lie about Anne Curtis slapping incident: "Ano naman ang makukuha ko kung magla-lie ako?"

Inamin ni Phoemela Baranda na nasaktan siya sa natamong pambabatikos mula sa publiko. Kaugnay ito ng bar incident na kinasangkutan nila ni Anne Curtis at ibang showbiz personalities noong November 2013. Taliwas kasi ang bersiyon ng kuwento ni Phoemela sa naunang pahayag ng isa sa mga kasama niya.

“Sana matigil na rin yung cyberbullying. Kasi I think some people doesn’t know the thin line between stating your opinion and cyberbullying. Kasi masakit


Nilinaw ni Phoemela Baranda na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Anne Curtis sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nila sa Privé Luxury Bar noong November 23, 2013.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all in the same day

Sa katunayan, nagbeso pa ang dalawa nang magkita sila sa media launch ng partnership ng Viva Films-PBO (Philippine Box Office) cable channel at Skycable sa Platinum Cinema, Gateway Mall, noong February 5.

NO BIG DEAL. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang reporters, sinabi ni Phoemela na walang rason para magkailangan sila ng co-Viva artist niyang si Anne.

Paliwanag niya, “Matagal na yun. Last year pa yun, ‘di ba?

"Even the day after the incident, wala na kasing nangyari.

“Naayos na namin. It wasn’t a big deal for us.

“It’s just that lumaki nang lumaki na hindi namin namalayan na may nag-uusap pa about it.”

Hindi rin daw pinagsisisihan ng model-host ang desisyon niyang ipagtanggol si Anne noong kasagsagan ng isyu.

Read: Phoemela Baranda clears Anne Curis’s name: "She did not point her finger at me nor did she dismiss my presence."

“No, wala naman. Kasi I didn’t do anything bad.

"I didn’t lie. Hindi ako nagsinungaling.

“Whatever they say, opinion nila yun. I hope they respect my side din.

“No regrets, kasi yun naman talaga ang totoo.

"Ano naman ang makukuha ko kung magla-lie ako?"

Kung taliwas man ang bersiyon ng kanyang kuwento kumpara sa pahayag ng isa sa mga kasama niya noong gabing iyon ay hindi na raw mahalaga ngayon.

Sabi ni Phoemela, “Naku! Kalimutan na natin yun.

"Kasi move on na kaming lahat. I even forgot about that incident.

“Ang naalala ko na lang ngayon, yung mga comments sa FHM ko. Bago na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to talk about it [bar incident], kasi super move on na lahat.

"Chinese New Year, baka ‘di maganda sa feng shui.”

Aminado si Phoemela na umani siya ng pambabatikos mula sa social media networks dahil sa pagkakadawit niya sa naturang kontrobersiya.

Bagamat naiintindihan niyang may kanya-kanya talagang opinyon ang bawat tao, iginiit ng model-host na dapat sana’y matutong maging mas responsable ang ibang Netizens na todo kung makapanira ng artista.

“Sana matigil na rin yung cyberbullying.

"Kasi, I think, some people doesn’t know the thin line between stating your opinion and cyberbullying.

“Kasi masakit din yung [ibang sinasabi nila]. Kaya kahit yung ibang artista, kawawa rin,” saad ni Phoemela.

LOOKING FORWARD TO A BETTER YEAR. Samantala, maganda ang pasok ng Chinese New Year para kay Phoemela, na napiling February cover girl ng FHM Philippines.

“This is my third already and the gap was ten years.

"Our photographer Doc Marlon made sure na okay siya. I trust him.

"So okay naman. Maganda naman ang kinalabasan."

Bukod dito, excited si Phoemela na magkaroon ng panibagong acting project pagkatapos niyang mapasama sa teleseryeng Maria Mercedes, na nagtapos noong nakaraang buwan.

“Na-inspire lang ako with Ms. Alice Dixon’s roles na very sophisticated but sexy.

"Yun ang parang peg ko. Ang sarap gampanan.

“If given the chance, I won’t say no to blessings. Opportunity ‘yan.”

Sa ngayon, magiging abala si Phoemela sa isang showbiz-oriented talk show na ipalalabas sa Viva Channel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN