Kiko Estrada laughs off rumored romance with Kim Rodriguez

Kiko Estrada is excited about his first indie film, Chasing Boulevards: “Makikita nila ang kakaibang Kiko Estrada sa pelikulang ito. Ibang-iba sa mga napapanood nila sa mga soap ko sa TV."


Mariing pinabulaanan ng Kapamilya young actor na si Kiko Estrada ang balitang may namamagitan daw sa kanila ng Kapuso young actress na si Kim Rodriguez.

Malimit daw kasi silang makita na magkasama sa mga lakaran.

Saad ni Kiko, “Katulad ng sinabi ni Kim sa mga interview niya, friends lang kami.

"Natatawa nga kami kasi marami ang nagtatanong pag magkasama kami, kung totoo iyong nabasa nila sa diyaryo. Kung kami na nga ba.

“Yung iba, parang hindi naniniwala pag sinasabi namin na sobrang close lang kami talaga.

"Pareho naman kasi kami ni Kim na mas priority ang career."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko nang pasyalan nito ang kanyang ninong na si German Moreno sa dzBB 594, radio station ng GMA, noong Miyerkules ng hapon, February 5.

BESTFRIENDS. Ayon kay Kiko, naging close sila ni Kim sa shooting ng indie film na Chasing Boulevards. Pati na ang co-star nila sa pelikula na si Teejay Marquez.

Saad ng Annaliza actor, “After naming gawin yung pelikula, naging mas bonded at close kaming tatlo, parang pamilya na kami.

“Silang dalawa [Kim at Teejay] ang itinuturing kong best friends sa loob at labas ng showbiz.

“Nasasabi namin yung mga personal na bagay sa isa’t isa. We talk about a lot of things—our family, work...

"Nag-uusap din kami ng mga secrets namin na kami lang ang nakakaalam.

"Nasasabi namin sa bawat isa yung mga problema namin."

Madalas nga raw na lumalabas silang tatlo, at ang turing niya kay Kim ay kabarkada.

Ayon kay Kiko, “Si Kim kasi very sweet at sincere na kaibigan ’yan.

"Kaya siguro naging close ako sa kanya, kumbaga, barkada kami.

“Naa-appreciate ko yung friendship na ibinibigay niya sa akin.

"At sinusuklian ko din yun bilang isang mabuting kaibigan."

Pareho rin daw sila ng pananaw pagdating sa trabaho.

“Mas gusto naming mag-concentrate sa work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Work comes first bago yung pagkakaroon ng karelasyon.

“Sayang naman kasi yung magagandang break na ibibigay sa amin,.

"Like si Kim, nagbibida na sa mga soap ng GMA .

“Ako naman, mas gusto ko munang magtrabaho at gumanda pa yung takbo ng career ko.

“Kaya yung sinasabi nilang ligawan, walang ganun, best friend lang talaga.

“Nami-misinterpret lang siguro nila yung closeness naming dalawa, pero walang malisya yun."

Dagdag niya, “Basta ako, si Teejay at Kim, we’re really close friends.

"Ipagtatanggol namin ang isa’t isa pag may mang-aaway sa amin.

"At masaya ako na nakatagpo ako ng tunay na kaibigan sa kanilang dalawa."



DEADMA. Napag-uusapan ba nina Kiko at Kim ang balita tungkol sa kanilang dalawa?

Sagot ni Kiko, “Oo, pero siyempre deadma kasi hindi naman totoo.

“Nung sinabi nga ni Kim sa akin na, ’Uy, nabasa mo yung nakalagay sa diyaryo na tayo daw?’ Natawa lang kami."

Hindi rin daw naapektuhan ng mga balita yung friendship nilang dalawa.

"Kasi hindi naman namin siniseryoso yun.

“Tsaka, hindi naman namin sisirain yung friendship namin nang dahil lang sa tsismis. Parang napakababaw nun.

“Minsan nga, nakakatulong yung mga tsismis na ganun, kasi may napag-uusapan kami.

“Imbes na maging seryoso, nagiging joke na lang sa amin yun."



EASY TO LOVE. Pero may posibilidad bang ligawan ni Kiko si Kim at maging sila?

Sagot ni Kiko, “I don’t wanna say no, kasi baka mamaya mangyari na ligawan ko o maging kami ni Kim, parang kinain ko yung sinabi ko.

“Let’s see, kasi hindi naman mahirap na mahalin o magustuhan si Kim.

"Bukod sa maganda na mabait pa at sweet. Kahit naman sinong lalaki na makikilala siya, magkakagusto sa kanya.

"Pero sa ngayon kasi, hanggang friendship lang ang puwede naming ibigay sa isa’t isa."

CHASING BOULEVARDS. Ayon kay Kiko, baka sa March na mapapanood ang Chasing Boulevards, ang kauna-unahang indie film niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, "Ang alam ko, dapat ngayong February ipapalabas na, pero nagkaroon lang ng konting problema, kaya baka by March na siya maipapalabas.

“And I`m really excited kasi dugo’t pawis yung pinuhunan namin sa movie.

"Group effort talaga ito.

“This is my first indie film kaya ganun na lang ang excitement na nararamdaman ko,

“Maganda yung film namin, ’yan ang ipinapangako ko sa mga manonood nito.

“Ayoko kasing mapahiya sa aming mga fans, kaibigan, pamilya.

“Makikita nila ang kakaibang Kiko Estrada sa pelikulang ito

"Ibang-iba sa mga napapanood nila sa mga soap ko sa TV."

Si Kiko ay anak ng actor-politician na si Gary Estrada sa dating aktres na si Cheska Diaz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN