Former aide of ex-President Joseph Estrada reveals delivering PDAF kickback to Senators Juan Ponce Enrile and Jinggoy Estrada

Ruby Tuason (main photo) says she volunteered to become a state witness in the controversial pork-barrel scam for her own peace of mind. Nevertheless, she claims that it was a tall order to implicate people whom she considers as "close friends."

Earlier today, February 7, Tuason submitted a sworn affidavit to DOJ, claiming that she acted as middle person between alleged pork-barrel mastermind Janet Lim Napoles and Senators Juan Ponce Enrile (upper inset)


Inamin ni Ruby Tuason na siya ang nagsilbing tagapamagitan nina Senator Juan Ponce Enrile at Senator Jinggoy Estrada kay Janet-Lim Napoles kaugnay ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), o mas kilala bilang pork barrel.

Si Tuason ay dating social secretary ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Si Napoles naman ang itinuturong utak sa pagtayo ng 20 fake non-government organizations (NGOs) na diumano’y tumatanggap ng pera mula sa PDAF.

Ayon sa ulat ng GMA News online ngayong araw, February 7, kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima na nagsumite si Tuason ng labinlimang pahinang sinumpaang salaysay sa tanggapan ng ahensiya kaninang madaling-araw.

Dito ay idinetalye ni Tuason na siya ang personal na nag-aabot ng kickback diumano nina Senator Enrile at Senator Estrada mula sa ghost projects ng NGOs na nauugnay kay Napoles.

Ibinunyag din ni Tuason na siya ang nagpakilala kay Napoles sa mga nabanggit na mambabatas.

Pahayag ni Secretary De Lima, “Her testimony is about the turnover of funds, she personally delivered the money.

“Her testimony is more than corroborating Benhur Luy’s testimony… we can call this a slam dunk evidence.”

Sa hiwalay na ulat ng News To Go, nagbigay ng pahayag ang legal counsel ni Tuason na si Atty. Dennis Manalo tungkol sa desisyon ng kanyang kliyenteng ibunyag ang lahat ng nalalaman nito tungkol sa kontrobersiyal na pork-barrel scam.

Sabi ng abugado, “Doon po sa sinumpaang salaysay niya, nagsasabi po ‘yan ng katotohanan—ng mga detalye ng partisipasyon niya sa PDAF o ng pork barrel scam at yun pong Malampaya fund scam.

“Determinado po si Mrs. Ruby Tuason sa kanyang hangad na maglahad ng katotohanan.”

STATE WITNESS. Matatandaang sinampahan ng kasong plunder sina Senator Enrile, Senator Estrada, at Senator Bong Revilla ng DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of The Ombudsman noong September 16, 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama si Tuason sa 34 pang indibidwal na nahaharap sa kasong plunder, dahil sa pagkakasangkot nila sa diumano’y maanomalyang paggamit ng pork barrel.

Ngunit bago pa man naihain ang pormal na reklamo kay Tuason ay napag-alamang nakaalis ito ng bansa noong August 26, 2013.

Pagkatapos ng ilang buwang pagtatago, boluntaryong nakipag-ugnayan si Tuason sa DOJ upang ihayag ang kanyang kooperasyon sa awtoridad.

Kapalit nito ay sumailalim si Tuason sa Witness Protection Program (WPD) ng DOJ, dahil aminado siya sa peligrong dulot ng mga impormasyong ibinunyag niya kaugnay ng pork barrel scam.

Ngunit sa ngayon ay nasa “provisional status” ang pagiging state witness ni Tuason.

Ito ay sa kadahilanang kailangan muna niyang matupad ang kundisyong hinihingi sa kanya ng DOJ.

Isa na rito ang pagbalik ng “referral fee” na tinanggap ni Tuason mula sa diumano’y pakikipagtransaksiyon niya kay Napoles.

Kailangan din umanong magtugma ang pahayag niya sa iba pang testigo kaugnay ng pork barrel scam.

Paliwanag ni Atty. Manalo ukol dito, “Right now, we are in the process of formalizing and legalizing the documentation, particularly the sworn statement that has already been executed by Mrs. Ruby Tuazon.

“The formalization will happen today.

"Particularly, this process of making sure that her statement is voluntary and under oath.”



“I WANTED PEACE.” Ganunpaman, mismong mga tauhan ng WPD ang sumundo kay Tuason mula sa San Francisco, USA, pabalik ng Pilipinas.

Pasado alas-tres ng umaga kanina nang dumating si Tuason sa NAIA Terminal 2.

Kabilang sa convoy ng may 11 sasakyan na sumundo kay Tuason ay mga tauhan ng NBI at isang truck na lulan ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Mula sa airport ay dumiretso na si Tuason sa tanggapan ng DOJ upang maghain ng kanyang sinumpaang salaysay, kaugnay ng mga nalalaman niya tungkol sa maanomalyang paggamit ng PDAF ng mga sangkot na mambabatas.

Sa panayam ng news correspondent ng Balitanghali at iba pang media, sinabi ni Tuason na inusig siya ng kanyang konsensiya at nais niyang mamuhay nang mapayapa kaya siya nagpasyang lumantad sa pulisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Tuason, “I wanted peace. The truth will set you free, sabi nga nila.

"So, I decided to tell the truth para wala na akong kinakatakutan. I don’t have to hide.

“It was a very big sacrifice on my part because these are very close friends of mine.

"It really pains me that I had to do this.”

Ngunit nang direktang tanungin si Tuason kung sinu-sino ang mga tinukoy niyang mambabatas na sangkot sa pork-barrel scam ay tumanggi muna itong magbigay ng karagdagang pahayag, base na rin umano sa payo ng kanyang abugado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN