Anne Curtis denies that she’s quitting It’s Showtime in favor of Dyesebel

Nagbigay ng pahayag si Anne Curtis kaugnay ng mga balitang posibleng tumigil siyang mag-host sa It’s Showtime upang makapag-focus siya sa Dyesebel.

“...ayaw din naman nilang mawala ako sa Showtime. Of course, they also have to give time to Dyesebel. So, they were able to work it out,” paliwanag ni Anne.


Nitong linggo lang lumabas ang balita sa mga pahayagan at entertainment websites na posibleng itigil ni Anne Curtis ang paghu-host sa daily variety show na It’s Showtime.

Ito ay sa kadahilanang gusto umano ng ABS-CBN management na mag-focus muna ang aktres sa pagbibidahan niyang teleserye, ang Dyesebel.

Ngunit pinabulaanan ni Anne ang naturang balita at sinabing hindi niya iiwan ang It’s Showtime, lalo pa’t parang tunay na kapamilya ang turingan nila sa naturang programa.

“It’s all coming out nga, e. So just to clarify, I’m not leaving Showtime.

“Of course, there may be a day or two in the week na absent ako. Pero the days I’m not taping, I’ll be in Showtime,” paglilinaw ni Anne.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa launch ng partnership ng Viva Films-PBO cable channel at Skycable na ginanap sa Platinum Cinema sa Gateway Mall, noong February 5.

Ayon pa sa actress-host, mismong ABS-CBN management na ang nag-ayos ng mga detalyeng may kinalaman sa kanyang mga ongoing projects. Kaya’t hindi na raw niya kailangang pormal na kausapin ang mga namamahala ng It’s Showtime kaugnay ng posibleng conflict sa kanyang schedule.

“Ang nag-decide naman kasi nun is management. They hold both shows. So, kung ano man ang bilin ng kaitaasan, I just follow.

“Of course, ayaw din naman nilang mawala ako sa Showtime. Of course, they also have to give time to Dyesebel. So, they were able to work it out.”

Kamakailan, nagtungo si Anne pati ang co-stars niyang sina Sam Milby at Gerald Anderson sa Palawan para sa pictorial at paunang taping.

Bukod dito, nag-shoot din si Anne para sa pelikulang The Gifted, kung saan makakasama niya sina Sam Milby at Cristine Reyes.

Paano niya mina-manage ang kanyang hectic schedule?

Natatawang sagot ni Anne, “I know! Kakayanin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag may Dyesebel taping, I know for a fact that absent ako sa Showtime for one whole day.

"But for The Gifted, it will be shooting-Showtime-shooting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN