Aicelle Santos saddened by disbandment of La Diva; honored to headline Rak of Aegis

Aicelle Santos explains why her all-female singing group, La Diva, disbanded: “Parang time na kailangan naming mag-focus sa sari-sarili naming talent, like ako siguro, nadiskubre ko na puwede akong sumabak sa theater; Maricris naman is doing well sa soap; and si Jonalyn naman is with her album and concerts, di ba?”


Pangalawang musical play na ni Aicelle Santos ang Rak of Aegis.


Ang nauna niya ay ang Katy The Musical.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aicelle noong February 7, sa Primero Casa Filipino sa Sct. Torillo, Quezon City, sinabi ng Kapuso singer na kung ikukumpara niya ang dalawang stage plays, pareho lang ang hirap at pagsubok na pinagdaanan niya.

“Pareho pong very challenging kasi.

"Lalo noon sa Katy, baguhan ako, though nandun si Direk Nestor [Torre] para tutukan ako.

“With PETA kasi, parang you’re more... parang you’re on your own, wala talagang tumututok sa iyo.

"Parang, ‘Aktor ka, trabaho mo ’yan. Do your part.’

“Ganun ang PETA, e. So, ayun, actually parehong mahirap,” sabi ni Aicelle.

RAK OF AEGIS. Paglilinaw ni Aicelle, hindi tungkol sa buhay ng rock group na Aegis ang kanilang musical play.

“Hindi po, ginamit lang yung songs nila, ’tapos sumulat po sila ng kuwento,” paliwanag niya.

Malaking karangalan daw para kay Aicelle na nanood sa isa sa mga performances niya ang mga miyembro ng bandang Aegis.

“Parang nanikip po ang dibdib ko nung nakita ko sila!” natatawang sabi niya.

Ang kanyang pagsali sa isang musical play ay isang malaking karangalan din daw para kay Aicelle.

“Iba yung experience, kasi yung reaction ng audience mo, kaagad-agad and you learn from your audience, ’di ba?

"Kasi when they laugh, when they react na, ‘Ahhh…’

“Yung mga ganun, kitang-kita mo na effective ka kahit papaano,” saad niya.

EARLY HEADSTART IN THEATER. Bata pa lang si Aicelle ay may background na siya sa teatro.

“Nung high school, grade school, yung mga school presentation lang, but within the classroom.

"Yung The Sound of Music, I was Maria... high school, ganun.

“Pero Grade Two, ako si Helen Keller. O, ’di ba,” sabay tawa ni Aicelle.

“Pero mga short skits lang yun, yung mga ganun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman akalain na... ang alam ko po e marunong akong kumanta, pero yung pag-arte, sabi ko, ewan ko siguro nagkataon lang na na-cast ako, tapos may magaling na direktor na tinutukan po ako,” pagbabalik-tanaw niya.

Nagpapasalamat daw si Aicelle kina Isay Alvarez at Robert Seña na nakakita ng kanyang potensiyal bilang stage actress.

Ang mag-asawang sina Isay at Robert ay nakilala bilang world-class Filipino stage performers noong napili silang gumanap sa pinakaunang pagtatanghal ng Miss Saigon sa Theatre Royal, Drury Lane, London, noong September 20, 1989.

Sabi ni Aicelle, “Sa dami ng artista ngayon, sa dami ng gustong pumasok sa teatro, ang daming magaling, pero sila yung nagbigay ng chance.

“’Tapos from there, yun, tumutok na si Direk Nestor Torre sa acting, kaya yun po,” sabi pa niya.

BIRTHDAY WISH. Sa February 24 ay magdiriwang ng kanyang 29th birthday si Aicelle. Pero wala raw silang magiging selebrasyon.

“Ako, usually po with family, e.”

Ano naman ang birthday wish niya?

“Wish ko siyempre more projects, maraming proyektong darating, an album, a TV serye, concerts,” asam niya.

Nakalabas na siya sa mga teleserye dati tulad ng Love & Lies at Kakambal ni Eliana.

Kung papipiliin siya ng gusto niyang maging leading man, kung sakaling mabigyan siya ng launching na teleserye, sino ito?

“Alam kong malayo yun sa posibilidad!” natatawang sabi ni Aicelle. “Pero kasi, I’m a big fan of Dennis Trillo.”

Bakit naman malayo sa posibilidad?

“Napakahusay niya, ako nagsisimula pa lang.

"Ang galing-galing niya kasing umarte, lalo na sa My Husband’s Lover, ang galing niya,” pagpuri niya kay Dennis.

WAITING FOR LOVE. Base sa kanyang paghanga, nangangahulugan bang si Dennis ang tipo niyang maging boyfriend?

Ayon kay Aicelle, “Ako, honestly, pag tinatanong ako, ’Ano bang tipo mong lalaki?’ Wala pong partikular sa physical.

“Pero importante sa akin yung pagiging Kristiyano niya, may takot kay Lord, God-fearing, unang-una yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam kong napaka-cliché ng statement na yun, pero totoo kasi iyon, e.

“It follows, e.”

Gusto raw niya ng relasyon na God-centered.

“Kasi pag nandun na, magpu-flow na yun, magiging maayos lahat, magiging masaya kayo,” saad niya.

Dalawang taon nang walang karelasyon si Aicelle ngayon.

“May mga nagpaparamdam, may mga kaibigan.

"Sa showbiz, wala, puro kaibigan.

“Wala pa e, hindi pa dumarating, e!

“Kung dadating, dadating. Ang hirap naman pong ipilit yun, e.”

MISS SAIGON AUDITION. Isa sa mga nag-audition si Aicelle sa West End revival ng Miss Saigon, pero hindi siya pinalad na makuha sa final cast.

Aniya, “Shortlisted kami.”

Pero ang kasamahan niya sa Sunday All Stars na si Rachelle Ann Go ay napili upang gumanap bilang Gigi.

Hindi naman daw umiyak si Aicelle nang hindi siya napili.

Dagdag pa ng dalaga, “Sa totoo lang po, yung mga nangyayari sa buhay ko, lahat dinadasal ko, ‘Lord, kayo na ang bahala. Alam Ninyo yung gusto ng puso ko.’

“So, yung pagdating ng Katy, yung magagandang reviews, itong pagdating ng Rak Of Aegis...

"Actually, yung pagka-shortlist ko sa Miss Saigon, nagulat lang din po ako kasi biglaan lang din yung pag-audition ko.

“Biglaan lang talaga, wala akong preparation.

"Sila naka-3R picture, ako pinrint ko lang sa may 7-11 yung biodata ko. Seryoso po!

“Kaya sobrang nagulat po talaga ako, though sabi ko kung makakapasok ay napakalaking blessing!

“Kung hindi naman, ibig sabihin, e hindi yun para sa iyo, ’di ba? Ganun lang naman yun po, e.”

Mapapanood pa si Aicelle sa Rak of Aegis sa February 28 at March 5 to 9 sa PETA Theater sa New Manila.

LA DIVA DISBANDED. Samantala napag-usapan naman ang tungkol sa pagkaka-disband ng grupong La Diva, na kinabibilangan nina Aicelle, Maricris Garcia, at Jonalyn Viray.

“Well, as of now, we’re going separate ways,” medyo malungkot niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit?

“Parang ang [GMA] Artist Center po ang makakasagot niya!” at natawa si Aicelle.

Personal ba o professional ang dahilan? Hindi ba sila nag-away na tatlo?

“Hindi naman.

“Pareho po, it’s personal, meaning alam namin na parang it’s really time for each one, alam mo yun, career, solo career to bloom po,” pahabol niya.

Nalungkot si Aicelle sa pagkakahiwalay ng grupo.

“Ako nami-miss ko kasi iba rin yung pag nagpe-perform kami onstage, masaya,” sabi niya.

Kaninong desisyon na maghiwalay na sila as a group?

“Nag-usap-usap po kami.”

Tungkol daw sa pagbibigay prayoridad sa kani-kanilang mga career ang dahilan kung bakit sila naghiwa-hiwalay.

“Yun nga, parang time na kailangan naming mag-focus sa sari-sarili naming talent.

"Like, ako siguro, nadiskubre ko na puwede akong sumabak sa theater.

"Maricris naman is doing well sa soap, and si Jonalyn naman is with her album and concerts, ’di ba?

“Kasi may kanya-kanya namang husay sa tingin ko, may talent naman bawat isa, e.

“But in time, ako, I also wish na we get together for a concert or an album kasi proud ako sa grupo namin kasi kami lang yun. Magbubuhat na ako ng bangko,” at muling tumawa si Aicelle.

Last year pa raw disbanded ang La Diva.

Sino sa palagay niya sa kanilang tatlo ang pinakamahusay bilang performer?

Sagot ni Aicelle, “May kanya-kanyang galing.

"Ako, naniniwala ako na magaling ako sa parteng ito, si Maricris may galing dito, si Jonalyn...

“Iba-iba kasi ang boses namin, e.

"Kung biritan, isabak mo si Jona.

"Kung gusto mo ng siguro parang lalaking malaki boses, ako yun.

"Kung gusto mo naman ngang sarap lang sa tenga, si Maricris yun.

“May kanya-kanya, e.

"Bilib ako, bilib ako kay Maricris, bilib ako kay Jona.

"Kaya mayabang ako pag La Diva, ’di ba?” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN