Gardo Versoza shares insights on Vhong Navarro mauling incident: “I’m a lover, not a fighter.”

Gardo Versoza explains how he handled issues involving his past relationships with women: “I’m a lover, not a fighter. And a passionate lover at that! I deal with it with passion!”


“Ay, ayokong nakikisawsaw sa issue!” natatawang sambit ni Gardo Versoza nang hingan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa patuloy na napapag-usapang mga isyu kaugnay kina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, at Cedric Lee.

May kinalaman ang isyu sa pambubugbog diumano ng grupo ni Cedric kay Vhong nang dumalaw ang huli sa tinutuluyang condo unit ni Deniece, dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sa ngayon, patuloy pa ring bukambibig ang isyu at laman pa rin ng balita ang mga naturang personalidad, na nagsipaghain na ng kani-kanilang mga demanda at kontra-demanda sa korte.

Sa kanyang edad na 44 anyos, masasabing nalampasan na ni Gardo ang panahon ng iba’t ibang gulo, kabilang na ang ilang kaugnay sa kanyang mga babaeng nakarelasyon.

OLDER AND WISER. Nagpapasalamat naman si Gardo na hindi siya napasuong noon sa matinding gulo.

“A, oo... Kumbaga kasi, I don’t beat around the bush. I deal with it head-on,” sabi ni Gardo, na kasalukuyang kabilang sa cast ng GMA primetime drama series na Rhodora X.

Patuloy niya, “Ang pinaka-close... marami akong close encounters [with girls].

"Kaya nga lang, kasi siyempre, pag clear ang scenario, mahirap din silang mag-retaliate, e.

“First and foremost, klaro naman sa kanila yung sitwasyon.

“So, definitely, alam nila na magba-backfire sa kanila yun.”

Para kay Gardo, malinaw ang mga sitwasyong pinapasukan niya, ugnay sa pakikipagrelasyon—seryoso man o simpleng fling.

“Of course, oo,” pagkumpirma niya.

“Saka kung meron mang hindi malinaw, yun yung masasabi natin na nagbibigay ng kulay.”

Sa ilang “makukulay” na yugto ng buhay pag-ibig ni Gardo—bago niya nakarelasyon ang kasalukuyang partner of eight years na si Ivy Vicencio with whom he has a lovechild—hindi raw naiwasang maapektuhan ang iba niyang ex-girlfriends sa naging hiwalayan nila.

“Yung mga past, siyempre as much as possible, gusto mo friends mo sila,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakiusap at minabuti na lang ni Gardo na huwag nang banggitin ang mga pangalan ng mga taong tinutukoy niya, alang-alang daw sa pagrespeto sa privacy ng mga ito.

“Pero kumbaga, kung nagawa mo na naman yung mga efforts mo, and then hindi naman nagma-materialize, what’s the point, ’di ba?

“At least, you did your part. Ipagpasa-Diyos mo na lang,” sabi pa niya.

I’M A LOVER, NOT A FIGHTER.” Tinanong namin si Gardo kung humantong na ba siya sa puntong nagkaroon siya ng matinding galit sa babae na nauwi sa pananakit niya dito.

Nangiti uli ang morenong aktor at saka sinabing, “I’m a lover, not a fighter!

“And a passionate lover at that!

“I deal with it with passion!”

Kung mayroon man daw siyang masasabi patungkol sa naging sitwasyon o kaso ni Vhong Navarro, sabi ni Gardo, “Siyempre, yung sa kanya, he has his reasons. Kanya-kanya naman yun, e.”

Idiniin naman ni Gardo na ayaw na niyang magpahayag pa ng kanyang saloobin ukol sa isyu nina Vhong at Deniece.

“Siyempre, kung ano man yung sasabihin mo, makakaapekto pa ’yon,” sabi niya.

FATHERHOOD. Samantala, aliw na aliw magkuwento si Gardo tungkol sa pagiging hands-on daddy niya sa tatlong buwang anak na lalaki, si Diety Uziel.

Laging nasa Facebook ang mga litrato at short videos ni Baby Uziel, na kuha mismo ng mag-partner.

Sa dami ng nagla-Like dito, masasabing puwedeng mag-artista ang bata, na magiliw nilang tinatawag na "Baby Machete," hango sa ginampanang karakter ni Gardo noon sa kanyang sumikat na pelikula sa Seiko Films.

“Naku, depende ’yan sa magiging hilig niya paglaki,” komento ni Gardo tungkol sa posibleng sundang yapak ng kanilang supling.

Sa ngayon, ine-enjoy lang muna ng aktor ang pag-aalaga kay Uziel.

Masaya niyang kuwento, “Ngayon, bago ako magpunta sa work, nakikipag-usap pa siya, nakikipaglaro.

“So minsan, gustung-gusto mo nang umalis, pero minsan ang dating, parang pinipigilan ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa!”

Inamin ni Gardo na ngayon lang niyang naranasan ang pagiging isang hands-on daddy, bagamat nabalita na rin noon na nagkaroon siya ng mga anak out of wedlock.

“Oo, ito yung [pagiging father] na talagang from the day na-conceive hanggang sa delivery, nandoon ako.

“Nire-review ko nga yung mga pictures, natutuwa ako,” saad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN