Mark Herras misses StarStruck batchmate Rainier Castillo

Mark Herras on StarStruck batchmate Rainier Castillo: “Si Buboy, sa ngayon, alam ko he’s preparing for something big. I know meron siyang...inaayos niya ang sarili niya, hindi dahil nasira si Buboy, ha. Kumbaga nagpe-prepare siya for something na gusto niyang gawin for this year."


Nami-miss ni Mark Herras si Rainier Castillo.

Sa Rhodora X na primetime series ng GMA-7, bida sina Mark, Jennylyn Mercado, at Yasmien Kurdi.

Kaya si Rainier na lang ang kulang para mabuo silang apat bilang top winners sa pinaka-unang batch ng artista search na StarStruck.

Sina Mark at Jennylyn ang Ultimate Male at Female Survivors samantalang First Princess si Yasmien at First Prince si Rainier.

“Opo naman, siyempre po, parang si Buboy [palayaw ni Rainier] naman, ano yun e masyadong mahilig magpa-miss yung taong yun, e.

“Minsan pag sinabi mo, ‘O, Boy ’asan ka? Magkita tayo.’

“Magpapakita siya ’tapos biglang sobrang tagal na panahon naman, hindi siya magpaparamdam, ’di ba, so nakaka-miss talaga yung taong yun.”

Patuloy naman daw ang komunikasyon nila ni Rainier.

Samantala, pinabulaanan ni Mark ang balitang may asawa na si Rainier.

“Wala, wala pang asawa si Buboy. Wala pa rin siyang anak."

Sigurado siya?

“Yes, alam ko po yun,” mabilis niyang sabi.

RAINIER PREPARING FOR SOMETHING BIG? Ano ang pinagkakaabalahan ni Rainier?

“Si Buboy, sa ngayon, alam ko he’s preparing for something big. I know meron siyang... inaayos niya ang sarili niya, hindi dahil nasira si Buboy, ha. Kumbaga nagpe-prepare siya for something na gusto niyang gawin for this year.

“Kung ano yun, naku, malalaman at malalaman din ng mga tao yun. Pero naghahanda siya para sa isang bagay,” makahulugan niyang pahayag.

Ito ba ang noon pa nila plano na sabay silang rarampa nang hubad sa Cosmo Bash?

Tumawa lang si Mark at hindi nagdetalye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa surprise birthday lunch para kay Aicelle Santos kahapon, Biyernes, February 7, sa Primero Casa Filipino sa Sct. Torillo, Brgy. Scared Heart sa Quezon City.

Bukod kay Mark ay sinorpresa rin ni Maricris Garcia si Aicelle.

DEALING WITH A BASHER. Natanong naman si Mark tungkol sa isang basher sa Twitter na lagi siyang sinasabihang bobo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hayaan n’yo yun!” pakli niya.

Pinatulan raw niya ito nang isang beses.

“Hindi ko naman minura,” paliwanag niya.

Galit umano ang naturang basher kay Ynna Asistio na ex-girlfriend ni Mark.

Kuwento ni Mark, “Basta nag-start iyon yung sa amin ni Ynna, nagpunta ako kina Ynna nung Pasko, nung New Year, ’tapos nangingialam siya sa personal kong buhay.

“E, sabi ko naman sa kanya, kasi parang nakalagay dun, parang fan siya ng Mark-Jen loveteam.

“’Tapos sabi ko naman sa kanya, parang sinagot ko na, ‘Kung fan ka ng Mark and Jen, maraming salamat. Pero wala kang pakialam or wala kang karapatang pakialaman ang personal kong buhay. Kung sino yung gusto kong maging kaibigan or kung kaibigan ko man si Ynna, ano naman?’

“Hindi niya naman ako pinapalamon e hindi niya naman siya ang nagbibigay sa akin ng trabaho, ’di ba?”

Sumagot pa ba ang naturang basher?

Patuloy pa niya, “Ewan ko, naka-block na siya sa akin, e.

“Hindi ko na lang pinapansin, kumbaga ako, pumatol man ako sa mga ganun, parang isang beses lang, isang beses lang akong papatol ’tapos papabayaan ko na kung hindi pa rin tumigil.

“E, wala, wala naman tayong magagawa e kung marami talagang kupal sa mundo, ’di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN