Jericho Rosales and fiancee Kim Jones set wedding for May 1

Instead of feeling nervous, Jericho Rosales is actually excited about his beach wedding on May 1: “Just because start na yun of spending the rest of my life with Kim.”


Posibleng ang pelikulang ABNKKBSNPLAko?! (Aba Nakakabasa Na Pala Ako?!) ang magiging huling pelikula ni Jericho Rosales bilang isang binata.

Ang nasabing movie ng VIVA Films na hango sa aklat ni Bob Ong ay ipapalabas na sa mga sinehan sa February 19.

Natutuwa ang aktor sa latest project niya na nagkaroon ng special screening sa University of the Philippines, Diliman Campus.

Kuwento niya, “Tawa nang tawa ang mga estudyante. I wanna thank the students of U.P. for attending, punung-puno ang sinehan.”

WEDDING DATE. Simula nung nabalita ang proposal ni Jericho sa girlfriend na si Kim Jones sa mismong Sunday service nila sa Victory Christian Fellowship, marami na ang nag-aabang kung kelan ang petsa ng kanilang pagpapakasal.

Una nang nabanggit ni Jericho na mangyayari ito sa May.

Pero sa huling interview namin, nasabi niya rin na ang kasal ay sa May 1, ang pagdiriwang ng Labor Day.

Bakit nga ba May ang napili nilang buwan ng kanilang kasal?

Sa press conference ng ABNKKBSNPLAko?! sa City Best Restaurant sa Tomas Morato Avenue noong February 6, sagot ni Jericho, “We’ve just decided. I think, noong nag-propose ako sa kanya, we’ve decided, I think, wala pang isang linggo. We’ve decided we have a date, May 1.”

Ang pelikulang ito na nga ba ang huling movie niya bilang binata?

“Yeah and my project after I get married, I’m still waiting,” natatawang sabi niya.

“You know, parang everybody has been saying, after you get married, ganyan-ganyan…parang it’s the end of the world.

"Parang for me, it’s the beginning of great things.

“I have projects lined up and mas energized ako to work.”

EXCITED TO GET MARRIED. May mga wedding jitters na ba siyang nararamdaman?

“No,” nakangiti niyang sagot.

“Excited ako.”

Anong part siya excited?

“Maraming part,” natawang sabi niya.

“Just because start na yun of spending the rest of my life with Kim.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-stress na rin ba sila ni Kim sa paghahanda?

Sabi ni Echo, “Siya [Kim], siya yung medyo stressed. But it’s not the kind of stress na medyo nababaliw na kami. It’s a good kind of stress. Check and balance naman kami.

“’Okay, Babes, stress ka ng konti, okay, relax muna tayo, date tayo, go.’”

DREW-IYA WEDDING. Noong isang Linggo lang ay sina Drew Arellano at Iya Villania ang ikinasal at marami ang natuwa at na-inspire na ang siyam na taon nilang relasyon ay nauwi rin sa kasalan.

Na-inspire din ba sila ni Kim sa kasal nina Drew at Iya?

Pagsang-ayon ni Jericho, “Yeah, you know, we’ve attended weddings before, marami na rin kaming na-attendan and last week was one of the most beautiful weddings.

“It’s the wedding of our pastor. That was really beautiful. Mga ideas lang, ganyan.

“But we’re really cool. Kami ni Kim, relax na relax lang kami.”

May mga ninong at ninang na ba sila mula sa showbiz?

“Meron na, but I don’t want to announce muna. We’ve opted not to announce anything yet, in terms of attendance, just so everything’s quiet for now and the guests won’t get pressured or stressed or anything,” paliwanag niya.

Kasing-intimate lang din ba ng kasal nina Drew at Iya ang sa kanila?

“Hindi kasi ako naka-attend, si Kim ang naka-attend. Nagti-taping kasi kami no’n. Pero siyempre, gusto namin na very simple lang. Pero hindi mo maiiwasan, malaki yung extended family,” saad niya.

Wala pa raw silang plano kung saan ang magiging honeymoon nila.

“After the wedding, back to work din agad,” natatawang sabi niya.

BEACH WEDDING? May kasabihan ang ilan na kapag sa beach daw ang kasal, madalas na nauuwi sa hiwalayan.

Pero sabi ni Jericho, sila ni Kim ay parehong hindi naniniwala sa mga kasabihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi kami naniniwala sa pamahiin, e. Parang our life defends on pamahiin, that’s not true or I mean, that’s not right, ‘di ba? It depends on how you handle the relationship.”

Larawan talaga si Jericho ng kasiyahan dahil sa papasuking panibagong buhay, hindi tulad ng ilang guys na tila wala naman sa bokabularyo ang kasal.

Saad ni Jericho, “Because God is the God of unity and it’s just a relationship that was united by God. Blessed by Him and I believe in one woman for my life, for me."

WILLING TO BE INTERVIEWED BY HEART? Samantala, sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Heart Evangelista, nabanggit ng Startalk host na kung meron man itong gustong ma-interview, ito ay ang mga dating boyfriend niya.

Isa si Jericho sa mga naging ex-boyfriend ni Heart.

Ano ang reaksiyon niya sa kagustuhan ni Heart?

Halatang nagulat si Jericho sa tanong pero habang nakangiti, sabi nito, “It’s a very awkward situation. I mean, it’s kind of funny, parang hindi naman yata... pero I mean, okay lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN