Aiza Seguerra and girlfriend Liza Diño are now engaged

Matapos ang isang taong relasyon, pormal nang hiniling ni Aiza Seguerra sa girlfriend na si Liza Diño ang kanyang kamay upang magpakasal. Ngayong araw, February 8, eksaktong isang taon at isang buwan na ang relasyon ng dalawa.


Pagkatapos ng kanilang isang taong anibersaryo noong January 8, 2014, nag-propose na si Aiza Seguerra sa girlfriend na si Liza Diño.

Naganap ang wedding proposal ng singer kagabi, February 7, sa gitna ng pagtatanghal nila ni Liza sa play na Kung Paano Maghiwalay sa Teatro Hermogenes Ylagan ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Sa isang feed na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nakasaad dito na wala raw kamalay-malay si Liza na sa gitna ng kanyang performance ay magpo-propose ang kanyang partner.

Ayon feed, “A very touching play turned into reality. Aiza proposed to her girlfriend Liza Dino.”

Inakala raw talaga ni Liza na isang play ang kanilang ginagawa. Sa gitna ng kanyang pagtatanghal, bigla raw nagtalumpati si Aiza ng kanyang marriage proposal.

Bahagi pa ng feed, “There were actors at the event just like a real play when Aiza entered on the scene with her proposal speech.”

“YOU MAKE ME THE HAPPIEST MY LOVE…” Last January 8, 2014, sa unang anibersaryo ng dalawa, nagpahayag si Aiza ng labis na pagmamahal sa nobya sa pamamagitan ng kanyang account sa photo-sharing website na Instagram (@cyseguerra).

Bahagi ng post niya, “I never thought seeing you again would change my life.

“How a simple ’catching up’ lunch would turn out to be the best thing that ever happened to me.

"I found you all over again and this time I’m never letting go.

"You make me the happiest, my love."

Read: Aiza Seguerra and girlfriend Liza Diño celebrate first anniversary

At kagabi, muling ipinaramdam ng 30-year-old singer sa girlfriend ang labis na pagmamahal sa pamamagitan ng isang proposal.

Ayon sa insta-video na ibinahagi ng kaibigan ng dalawa na si @iamtonico, tila hindi pa rin makapaniwala si Liza sa ginawa ni Aiza, pero sumagot naman daw ito kaagad ng "yes."

Sa kasunod niyang post, mahigpit na nagyakapan ang dalawa at naghalikan. May caption itong, “True Love.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang larawan, kasama nina Aiza at Liza ang kanilang mga magulang. Nakasaad sa caption nito, "Dito ako naiyak when i saw ur parents na proud & happy for both of you... Ano pa ba ang mahihiling mo diba? Love u @lizadino & @cyseguerra."

Sa huling post, masayang ipinakita ni Liza ang engagement ring mula sa partner.

Sa Twitter, nagpasalamat si Liza sa lahat ng kanilang mga kaibigan na naroon noong nag-propose si Aiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN