Direk Edgar Mortiz on Xian Lim’s Banana Nite booboo: “Nag-sorry naman siya.”

Isa sa mga goals ni Direk Bobot Mortiz: “Marami, marami pa kaming plano. Magkakaroon pa kami ng iba’t ibang sitcoms, sana bumalik yung mga sitcoms para ’di puro drama lang tayo."


Tumanggap ng mga negatibong komento mula sa Netizens ang naging reaksiyon ni Xian Lim sa look-alike ni Kim Chiu nitong nakaraang Chinese New Year celebration ng Banana Nite, last January 30.

Imbes na tawaging Kim ay tinawag niya itong Bea Binene, sabay tanong kung ano ang show nito sa kabilang istasyon.

Ang biro ay umani ng mga batikos.

Sa presscon ng mga comedy shows ng ABS-CBN noong February 6, 2014, na ginanap sa Dolphy Theater, siniguro naman ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz na sa kabila ng nangyaring insidente, kukunin pa rin nila si Xian para mag-guest sa Banana Nite.

NAG-SORRY NAMAN SIYA.” Ang mahalaga raw, ani Direk Bobot, “nag-apologize naman siya."

Sa kanyang pagpapatuloy, “Siyempre ang mga tao naman, tao lang ‘yan nagkakamali.

"’Di naman dahil nagkamali ka na e habambuhay mo nang dala-dala ang pagkakamali mong yun.

“Ang masama naman nung nagkamali siya, ’di man lang siya nag-sorry. Hiningi niya yung number nung look-alike ni Kim, I’m sure tumawag siya para mag-sorry saka sa Twitter niya.

“Alam mo pag nagsu-sorry ka, sign of humility yun so dapat tanggapin natin. Bihira ang taong nagsu-sorry, ’di ba?”

Aminado si Direk Bobot na maging siya ay hindi inaasahan ang nangyari.

“Nagulat ako sa naging reaksiyon niya, medyo mali din siya dahil nagsalita siya ng pangalan ng ibang artista.

“Naiintindihan ko naman din siya, nag-sorry naman siya so sana maintindihan din siya ng ibang tao. Live kasi yun, ’di mo mai-edit."

KAPAMILYA COMEDY SHOWS. Sa nasabing presscon, masayang-masaya si Direk Bobot dahil sa tagumpay na natatangap sa ngayon ng mga ABS-CBN comedy shows, lalo na ang Goin’ Bulilit.

“Well, natutuwa ako kasi yung mga na-create ko, maski maliliit na shows lang, tumagal naman.

“So yun, proud na proud ako lalo na yung Goin’ Bulilit, wala kaming superstars, mga bata lang sila tapos ’tumagal nang ganitong katagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Natutuwa ako ’tapos ang nangyari dahil sa ginawa kong show, dito nanggagaling yung mga stars ng ABS, so nakakatuwa.”

Ayon kay Direk Bobot ay marami pa silang plano sa comedy line-up ng ABS-CBN.

Ang goal daw niya ay tangkilikin din ng publiko ang komedya katulad ng mainit na pagtanggap nila sa mga drama programs ng istasyon.

Masaya niyang kuwento, “Marami, marami pa kaming plano. Magkakaroon pa kami ng iba’t ibang sitcoms, sana bumalik yung mga sitcoms para ’di puro drama lang tayo.

"Sana bumalik, marami kaming plano, sana matuloy yun.

“Sana tangkilikin nila ang comedy, hindi lang puro drama. Maganda rin naman ang drama pero siyempre paminsan-minsan, maganda rin ang tumatawa tayo.

“Kaya ang mga problema, tawanan na lang natin kaysa damdamin natin.”

PASSING THE TORCH. Nagdidirek na rin sa mga comedy shows ng ABS-CBN ang dalawang anak ni Direk Bobot na sila Frasco at Badjie Mortiz.

Tini-train na niya ang dalawa dahil tanggap na rin naman ni Direk Bobot na hindi na siya bumabata at kailangan na rin niyang maipasa ang kanyang kaalaman sa mga anak.

“Actually, ako lahat ang nagsisimula, pag nakuha na nila yung gusto ko na. Siyempre may edad na rin tayo, ’di na tayo bumabata, pinapasa ko na sa kanila, so yun.

“Reliable naman sila pero ako pa rin ang may say. Sa shows, ako pa rin ang nag-e-edit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN