Martin Escudero on courting Ritz Azul: “Kung manliligaw ulit ako, siyempre siya na yung number one sa listahan.”

Martin Escudero on his admiration for Ritz Azul: “Sa ganda niyang yun, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? ’Tapos ang bait pa at mapagmahal sa pamilya. Basta pag magkasama kami, ipinaparamdam ko sa kanya na importante siya. Ayoko yung sinasabi sa kanya na type ko siya. Mahirap na baka may umasa, masaktan o ano.”


Ilang taon na ring walang girlfriend si Martin Escudero.

Ang huli niya pang nakarelasyong si Jennica Garcia ay matagal nang may boyfriend, sa katauhan ni Alwyn Uytingco.

Personal choice daw ni Martin na hindi muna magkaroon ng karelasyon.

Saad pa niya, “Isinantabi muna natin at nag-concentrate tayo sa trabaho.

“Choice ko iyon, kasi nagdadaan naman tayo doon sa tinatawag na maturity na hindi puwedeng lovelife lang.

"Siyempre iisipin mo rin ang kinabukasan natin, yung pamilya natin.

“Siguro mas nauna lang sa akin ang pag-ibig noon kaya hindi ko siya hinahanap-hanap. Marunong din naman akong tumingin ng sitwasyon.

“Siguro naging process na lang ng utak ko, ng pagkatao ko na ganun, siyempre sa payo rin ng mga magulang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa pocket interview na inihanda ng TV5 para sa kanila ni Bianca King for Obsession sa Kimono Ken restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong Biyernes, Pebrero 7.

RITZ AZUL. Noong 2012, nabalita na balak umanong ligawan ni Martin ang Kapatid Princess na si Ritz Azul.

Nagkatrabaho ang dalawa sa Glamorosa at Kapitan Awesome.

Ano ang nangyari at hindi niya itinuloy ang panliligaw?

Paliwanag ni Martin, “Kasi parang gusto ko muna siyang enjoy-in niya yung kung anuman ang nararating niya at kung ano ang meron siya ngayon, e. Dahil bata pa rin naman siya.”

Pero nandoon talaga ang pagkagusto niya kay Ritz?

“Sa ganda niyang yun, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? ’Tapos ang bait pa at mapagmahal sa pamilya.

“Pero siguro, alam ko na kung maging kami man nung oras na iyon, hindi ko rin magagampanan nang tama [ang pagiging boyfriend niya].

“Pareho kaming busy. At saka bago rin naman siya sa mundong ito, e [showbiz], kaya baka maguluhan lang siya.”

Natutuwa nga raw si Martin para kay Ritz dahil nakikita niya ang growth patungo sa pagiging magaling na artista ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, malaki na talaga ang improvement niya. Nag-mature na siya.”

Ano ang reaksiyon niya na may kissing scenes at love scenes na si Ritz sa mga teleryeng ginagawa nito, lalo na sa natapos nang serye nitong For Love or Money?

“Ayokong panoorin!” sabay tawa ni Martin.

“Nakikita ko na tama yung tinatahak niya na landas. Maganda yung pag-build up sa kanya ng TV5.

"Ang inaantay ko na lang ay yung magkasama ulit kami sa trabaho.”

TO PURSUE OR NOT? Kung sakaling magkasama ulit sila sa trabaho, posible kayang ituloy na niya ang panliligaw sa dalaga?

Sagot ni Martin, “Mahirap magsalita nang tapos, ’di ba?

"At saka mo ako ulit tanungin pag dumating na ang time na yun.

"’Ika nga, I’ll cross the bridge when I get there."

Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi ba nawala ang pagkagusto niya kay Ritz?

“Hindi naman, nandoon pa rin naman ang paghanga ko sa kanya.”

Gusto pa lang ba o mahal na?

“Mahal ko siya bilang kaibigan.

"Siyempre nandoon yung pagkalinga natin sa kanya, yung care nandoon.

"Pero doon naman lahat nag-uumpisa yun, ’di ba, yung sa pagiging magkaibigan nga.”

Nasabi niya ba kay Ritz na gusto niya ito?

Ayon kay Martin, “Basta pag magkasama kami, ipinaparamdam ko sa kanya na importante siya.

"Ayoko yung sinasabi sa kanya na type ko siya. Mahirap na baka may umasa, masaktan o ano.”

Nagsabi na ba siya ng “I love you” kay Ritz?

“Hindi pa. ’I love you, friend,’ ganun lang,” biro niya.

SHOWBIZ OR NON-SHOWBIZ? Kung sakaling handa na siyang magkarelasyon ulit, mas gusto niya ba talaga ng taga-showbiz ulit o baka gusto niyang mag-try naman ng non-showbiz na girlfriend?

“A, sa ngayon kasi, parang kung ako ang tatanungin, kung maggi-girlfriend man ako, kung magrerelasyon man ako, sa tingin ko mas maigi kung hindi muna showbiz—sa ngayon, ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi base sa mga experience ko noon, at kung gusto ko ulit magkarelasyon, maiba naman, alam mo yun?

"Yung bagong experience naman, bagong atmosphere.

“Kasi mahirap pag showbiz ang girlfriend mo.

"Siyempre pag konting tampuhan lang, hindi kami makapagtrabaho nang maayos.

"Pero mahirap pa rin magsalita nang tapos.”

Ang dahilan ba niyang sinabi ang iniisip niya kaya hindi pa niya maituloy ang panliligaw sana kay Ritz?

Sabi ni Martin, “Oo, baka hindi namin kayang i-handle.

"Baka hindi siya makapagtrabaho nang maayos.

"Ako ang pagagalitan ng tatay niya na very close sa akin.”

So, close na talaga siya sa tatay ni Ritz?

“Oo, sa magulang naman niya, okay naman. Lagi kaming nag-uusap.”

Nakapunta na ba siya sa hometown ni Ritz sa Pampanga?

“Hindi pa. Maraming beses ko nang plinano, wala hindi natutuloy, e. Kasi yun nga, busy rin siya.”

Sabi niya ay open siya sa non-showbiz girlfriend, pero kung magkakaroon siya ng girlfriend na taga-showbiz, si Ritz ba ang first priority niya?

“Kung manliligaw ulit ako [ng taga-showbiz], siyempre siya na yung number one sa listahan,” pag-amin ni Martin.



VALENTINE DATE. Hindi naman masyadong busy si Ritz ngayon dahil katatapos nga lang ng For Love Or Money. Posible kayang yayain niya for a date ang dalaga sa Valentine’s Day?

Sagot ni Martin, “Puwede, puwede, ’di ba? Kasi minsan lang naman ang Valentine’s Day.”

At saka sabi niya nga, close naman siya sa tatay ni Ritz kaya kahit mag-chaperone ito sa date ay okay lang naman, di ba?

“Puwede, oo nga puwede. Buti binigyan mo ako ng idea.

"At malapit na ha! Alamin na natin ang schedule niya,” excited na sabi niya.

Wala rin naman daw trabaho si Martin sa February 14, dahil ang susunod pa nilang taping para sa Obsession ay sa February 17 pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN