Mark Herras admits that the Vhong Navarro mauling incident is an eye-opener

Mark Herras on Vhong Navarro mauling incident: “Kung meron man siyang nagawang hindi tama, kahit papaano, hindi pa rin tama na ginawa kay Vhong yun, ’di ba? Kung sakaling sa tingin ng tao, sa tingin nung kabilang panig na mali yung ginawa ni Vhong, hindi nila dapat binugbog si Vhong or hindi nila dapat binaboy o ginawan ng story, ’di ba?"


Itinuturing na isang malaking aral para sa mga lalaki, hindi lamang sa mga artista, ang sinapit ng aktor na si Vhong Navarro.

Kaya naman naututuon ang atensiyon ngayon sa mga artistang lalaki na may reputasyon din sa pagiging malapit sa mga babae.

Isa na rito ang Kapuso actor na si Mark Herras.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung ano ang masasabi niya sa sinapit ni Vhong.

Sagot niya, “Siyempre, hindi ko naman alam yung totoong story.

"I mean, alam natin na lumabas na yung totoo, with the CCTV.

"’Tapos yung mga interviews ng kabilang panig, ’di ba, na parang hindi sila consistent, e, ’di ba?

“Ako naman, siyempre ako, kilala ko naman si Vhong, so kahit papaano, nakakasama ko rin yung tao.

"Kung anuman siguro yung nagawa nung tao, parang hindi naman din tama na ganun yung ginawa sa kanya.

“Parang kung meron man siyang nagawa na hindi tama... well, hindi ko alam kung meron siyang nagawa o wala, ha?

“Kung meron man siyang nagawang hindi tama, kahit papaano, hindi pa rin tama na ginawa kay Vhong yun, ’di ba?

“Kung sakaling sa tingin ng tao, sa tingin nung kabilang panig na mali yung ginawa ni Vhong, hindi nila dapat binugbog si Vhong or hindi nila dapat binaboy o ginawan ng story, ’di ba?"

Patuloy ni Mark, “Siguro dapat, alam mo yun, parang kahit kanino man, kahit anong nangyari, siguro okay lang kung nag-one-on-one sila or at least lalaki sa lalaki yung nangyari.

“Pero yun, ang dami, e!

"Para namang ang laki din ng katawan ni Vhong. Payat din naman si Vhong, ’di ba?

“So, ’yon, sana hindi na lang nila ginawa yun kay Vhong, kasi parang hindi din naman sila yung batas para magdesisyon na iyon yung nararapat kay Vhong.

“So, parang siguro next time na lang, or kung kanino man, kahit kanino man, sana huwag na ring mangyari yung nangyari kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, huwag silang magdesisyon na, ‘Ito yung gagawin natin sa taong ganito.’

“Kasi, hindi, hindi tama yun.”

EYE-OPENER. Naging eye-opener ba iyon kay Mark, na umiwas makipagkilala sa mga babae at makipag-date sa bagong kakilala?

Tugon niya, “Well, actually nakakatakot yung nangyari, ’di ba?

“Hindi naman naging maingat, pero hindi rin naman kasi ako yung tipo ng tao na pupunta ng bar, ’tapos...

"Well, makipagkilala man ako, pero iba, e.

"Kasi ako usually, never pa akong nakipag-date sa non-showbiz or hindi ko kakilalang tao.

“More on ma-showbiz akong tao e. Alam ng lahat ’yan!” at tumawa si Mark.

Paano niya hina-handle, halimbawang may nakikilala siya?

“Actually, sa ngayon kasi, hindi ko na siya naa-appreciate ngayon.

"Kasi sa totoo lang, well, nung panahon namin ni Rainier [Castillo], yun yung panahon na talagang gimik kami dito, gimik kami doon, makakakilala kami ng ganito, makakakilala kami ng ganyan.

“Siguro ano na lang, ano ba? Hindi ko alam, kasi never din akong lumabas mag-isa, e.

"Usually ako, pag gumigimik ako or pumupunta ako sa bar, lagi kong kasama mga pinsan ko, kapatid ko.”

Si Vhong hindi naman ay bar ang pinuntahan kundi condo.

“Oo nga, pero I don’t go pa rin to places na alone, e," sabi ni Mark.

"Kumbaga, parang hindi naman sa takot, pero hindi lang din talaga ako sanay mag-isa lumalakad.

"So, ’yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN