Kevin Santos breaks out from stereotyped gay roles in The Borrowed Wife

Kevin Santos reveals how his gay fans react when they find out that he’s really a straight guy in real life: “Hindi naman ako nau-offend pag may ganoon, kasi nga dahil dun sa MHL, effective yung role ko, so hindi ako nau-offend. Kumbaga, natutuwa ako kasi effective siya.”


Sa The Borrowed Wife ay gumaganap na playboy bike rider si Kevin Santos.

Malayung-malayo ito sa papel niya noon sa My Husband’s Lover (MHL) bilang si Danny na gay best friend ni Eric, na ginampanan ni Dennis Trillo.

“Ang ugali niya parang barumbadong matino, parang ganun si Jorel,” paglalarawan ni Kevin sa kanyang bagong role.

FROM GAY TO MACHO. Hindi ba siya nahirapan sa malaking transition niya mula sa pagiging bading na pinag-usapan nang husto at ngayon nama’y bilang isang barakong biker sa The Borrowed Wife?

Pag-amin ni Kevin, “Oo, medyo mahirap.

"Pero hindi ko naman nadala yung role ko bilang Danny sa The Borrowed Wife kasi may bakasyon naman po ng ilang months kaya nakapag-adjust.

“Yun nga lang, parang nasanay ako na sa My Husband’s Lover ganun yung ginagawa ko.

"Pero pagdating sa The Borrowed Wife, parang medyo na-apply ko siya ng konti kaya sabi ko, ‘Wait lang, wait lang, wait lang!’

“So minsan, nagka-cut ako kasi minsan pag pinapanood ko yung preview, parang naaano ko yung Danny sa MHL.


"So, kinakausap ko si Direk Gil [Tejada Jr.], sabi ko sa kanya, ‘Direk, medyo hindi maganda, puwede po bang ulitin natin?’

“Kasi parang may mga anggulo ako na alam mo na, parang Danny, hindi yung lalaking-lalaki.

"So, pag nakikita ko siya, sabi ko, ‘Wait lang, ulitin natin.’

GAY FANS. Dumami ang gay fans ni Kevin dahil sa role niya dati sa My Husband’s Lover.

"Marami, dumami!" bulalas niya.

"Actually pag kunyari, for example nasa mall, sinasabi nila sa akin na, ‘Ay, lalaki ka pala talaga!’

“Hindi naman ako nau-offend pag may ganoon, kasi nga dahil dun sa MHL effective yung role ko, so hindi ako nau-offend.

"Kumbaga, natutuwa ako kasi effective siya,” sabi niya.

Sa pelikula naman na Basement, lalaki rin ang role niya bilang truck driver na si Mario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipapalabas na ito sa mga sinehan ngayong February 12 sa direksiyon ni Topel Lee.

TYPECAST. Aminado naman si Kevin na na-typecast siya bilang gay.

“Kasi pang-ilang gay role ko na iyon, e.

"Sa Faithfully, My Only Love, I Heart U Pare, gay role ko na iyon, e.

"Pero dun sa My Husband’s Lover, dun yung talagang nakilala ako sa gay role."

Tatanggap ba siya ulit ng gay role?

Sagot ni Kevin, “Wala namang problema sa akin kung magkaroon po ulit ng panibagong gay role.

"Actually, ine-enjoy ko na lang po yung trabaho ko, kung magkaroon po ulit ng ganun."

Dahil medyo “malusog” si Kevin, natanong namin siya kung naisyuhan na ba siya ng fat memo ng GMA. Ito ay paalala sa pagbabawas ng timbang para na rin sa kapakanan ng isang artista.

Mabilis niyang tanggi, “A, hindi naman po, hindi naman po.

"Kumbaga, kasi ngayon lang namang December ito, kasi nag-Christmas.

"Pumayat ako nung Danny ako, ’tapos talagang ang dami kong ginawa

“Hindi ako nakapag-gym. Kasi pag wala akong shooting, kapag wala akong taping, meron akong business na inaasikaso.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN