Max Collins sees Pancho Magno as boyfriend material; says her mom approves of him

Max Collins on real score with Pancho Magno: “We’ve been going out. Hindi ko alam kung gaano katagal na. Paminsan-minsan lang. Hindi naman siya yung tuloy-tuloy. But he knows that I’m here for him and he’s there for me.”


Inamin ni Max Collins na si Pancho Magno ang pinakamalapit na lalaki sa kanya ngayon.

Ngunit hindi raw sila nagmamadali na pumasok sa isang relasyon dahil abala sila sa kani-kanilang proyekto sa GMA Network.

Malapit nang magsimula ang bagong teleserye ni Max, ang Innamorata, habang si Pancho naman ay bahagi ng February 8 episode ng Magpakailanman.

Sabi ni Max, “Wala namang official [na kami]. Kasi we’re friends.

“Minsan nagde-date kami, pero pina-prioritize namin yung careers namin.

"May show siya, may show rin ako.” bungad na sabi ni Max.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters ang Kapuso actress pagkatapos ng presscon ng Innamorata noong February 7.

Nilinaw rin ni Max, 21, na hindi pa sila exclusively dating ni Pancho, 27, at walang halong pressure ang kanilang pagkakamabutihan.

“We’ve been going out. Hindi ko alam kung gaano katagal na.

"Paminsan-minsan lang. Hindi naman siya yung tuluy-tuloy.

"But he knows that I’m here for him and he’s there for me.”



VALENTINE’S DAY DATE. Niyaya na ba siya ni Pancho na mag-date sa darating na Valentine’s Day?

Sagot ni Max, “Oo. Sabi niya, if I have nothing to do daw, labas kami.

"Dinner or movie lang.”

Hindi raw umaasa ang Innamorata star na gumawa ng grand gesture si Pancho upang iparamdam sa kanya kung gaano siya kaespesyal.

Lalo pa raw na nagsisimula pa lang sila bilang magkaibigan.

“Nagkakilala kami maybe half a year ago.

"Hindi naman siya yung typical na suitor.

"And dating kami, pero parang friends lang kami, ‘Let’s hang out.’ Nagkakayayaan pag may free time.

“Wala pa kami sa ganung stage na ligaw, as in magdadala ng food or whatever.

"Maybe sa mga susunod na araw, mararamdaman ko ‘yan,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Ganunpaman, inamin ni Max na boyfriend material si Pancho at malaki ang pag-asang sagutin niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro kasi ang aktres na tila may reputasyong playboy ang hunk model-actor—bagay na agad pinabulaanan ng Kapuso actress.

“Hindi siya playboy.

"Kasi ang pagkakaalam ko, ang narinig ko naman, nakasama siyang lumabas ng iba kong kakilala.

"Hindi naman daw siya player. So, may chance,” pagtatanggol ni Max kay Pancho.

MOM’S APPROVAL. Pagdating sa kanyang lovelife, aminado si Max na hindi siya basta-basta nagpapaligaw, lalo na kung hindi boto ang kanyang ina.

Paano kung mahal niya, pero ayaw ng nanay niya?

Sagot ni Max, “Kung ayaw, ayaw. Hindi ko na ipinaglalaban kapag ayaw niya.

"Kasi sobrang close ng family namin. It’s only me, my mom, and my brother.”

Kaya naman malaking bagay kay Max na boto ang kanyang ina na makipag-date siya kay Pancho.

Sabi ni Max, “Gusto naman niya [mom] kasi mabait.

"Kapag may work ako, minsan sumasama sa akin yung mom ko, kaya nag-meet na sila.”


HIS MOM, HER BOSS. Sa kabilang banda, hindi alintana ni Max kahit na maituturing niyang boss ang ina ni Pancho na si Redgie Magno, ang vice president for Drama ng GMA Network.

Sa katunayan, kasama si Ms. Redgie sa GMA Network executives na dumalo sa grand presscon ng Innamorata noong February 7.

Ayon pa kay Max, walang dahilan para ma-conscious siya kapag nakakasama niya ang ina ni Pancho sa social functions.

Sabi ni Max tungkol dito, “As much as possible, hindi ko iniisip yun. I don’t think of their relation.

"I don’t think of her as his mom. Parang nagustuhan ko siya [Pancho] as a person. Yun lang.”

FIRST LEAD ROLE. Samantala, masaya si Max dahil sa loob ng pitong taon niya sa showbiz ay ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sarili niyang teleserye.

Gagampanan ni Max ang papel bilang Esperanza, isang babaeng madalas kutyain ng ibang tao dahil sa sakit niyang porphyria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang porphyria ay isang hereditary skin disease na mas lumalala kapag nasisinagan ng araw ang isang taong mayroon nito.

Sabi niya, “It’s worth the wait.

"But in all those years, I was just working and enjoying everything.

"Kasi mahal ko ang craft ko, ang pag-arte.

“I never thought I’d be given such a big role. It’s more of a pleasant surprise.”

Ngayon pa lang ay kinakabahan na rin ang Kapuso star dahil mas lalong kailangan niyang paghusayan ang kanyang trabaho.

“Sobrang kabado ako. Gusto ko rin mag-rate yung show. Sana magustuhan ng mga tao.”

Unang nakilala si Max bilang Isabel Abiera nang siya ay nasa poder pa ng Kapamilya network.

Nagsimula ang kanyang showbiz career sa teen series na Star Magic Presents: Abt Ur Luv Ur Lyf 2 noong 2007.

Lumipat siya sa Kapuso network noong 2012 at naging bahagi ng iba’t ibang teleserye tulad ng Coffee Prince (2012), Pahiram Ng Sandali (2013), at With A Smile (2013).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN