Kuya Germs reveals sentiments about proposal to make Quezon City the "City of Stars"

German Moreno on why he will never enter politics: "Yung dumi ng pulitika, imbes na tumulong, nagsisiraan sila-sila, ‘di ba? Papaano ba yun? E, kung nandidiyan ka rin lamang, pag nakakagawa ka ng maganda, sinisira ka, iyan ang masama rito sa atin. Na imbes na magsuportahan para maganda ang takbo, ‘di ba? E, hindi, naiinggit, sisiraan ka, ida-down ka."


Sa kabila ng kasikatan at achievements ni German Moreno, isang bagay ang hinding-hindi niya raw gagawin—ang pasukin ang pulitika.

“Marami ang nag-uudyok sa akin, marami ang nag-ano, pero ayoko, e, sa gulo ng pulitika natin,” paliwanag ni Kuya Germs.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Germs sa presscon para sa 18th anniversary ng Walang Tulugan With The Master Showman noong nakaraang linggo.

Sabi pa ng veteran TV host, kahit minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang pumasok sa pulitika.

“Hindi, nakakatulong ka rin naman kahit nasa showbiz ka.

“Kung gusto mo naman talaga para sa bansa, puwede rin namang nandidiyan ka din.

“Katulad nga niyang Quezon City, ang tagal mo nang ipinaglalaban na idugtong na ‘Quezon City: The City of Stars,’ na matulad sa Hollywood.

“Kaya nga crineate [created] ko ang Walk of Fame Philippines para mapakita mo na kailangan nilang pagpahalagahan ang mga artista.

“Dahil ang laki ng income na pinapasok sa tax ng mga artista, ng mga producer...

“So, ano ba itong konsuwelo na ito na malagay mo na pareho sa Hollywood, na nirerespeto mo ang mga artista, nilagyan ng ganyang pagpaparangal?

“So, ipinaglaban namin ni Dingdong Avanzado at nakapasa naman sa Konseho.

“So, inaantay ko ngayon.

“Pinagparada pa kami, successful yung parada.”



MAYOR HERBERT. Matagal na raw naaprubahan ang panukala na idugtong sa Quezon City ang "The City of Stars," pero bakit hindi pa ito naisasakatuparan?

Saad ni Kuya Germs, “E, iyon nga ang tinatanong ko kay Herbert [Bautista, Quezon City mayor], bakit hanggang ngayon hindi niya ginagawa.

“Hindi raw na-implement. Pero it was approved.

“Ano bang difference ng implementation at saka yung approved ng Konseho?

“Makakasama ba sa Quezon City na idugtong mo… ikaw, taga-showbiz ka rin, hindi ba?’”

Masama ba ang loob niya kay Mayor Herbert?

Sagot ni Kuya Germs, “Siyempre, nandun din yung sentimyento ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil ano naman, e, nandiyan naman siya.

“Nakita niya naman, taga-showbiz din siya.

“Ang star naman, sabi ko, ipinaliwanag ko, hindi naman para sa artista lang ang star, e.

“Para sa ina ng tahanan, star ng tahanan ‘yan. Ama ng tahanan, star ‘yan.

“May anak kang de campanilla na abogado, star ‘yan ng tahanan.

“So, bakit hindi gawin na tumulad tayo sa Hollywood?”



NO TO POLITICS. Kahit ano ang mangyari ay hindi siya papasok sa pulitika?

“Ayoko,” diin ni Kuya Germs.

Hindi kaya kapag senador na siya, halimbawa, ay mas mapabilis ang pagpapatupad ng mga nais niya para sa showbiz?

“Oo nga, pero may mga tao namang mga taga-showbiz na nandiyan na sa Senado.

“Naging Presidente na nga yung ano natin, ‘di ba?” pagtukoy niya kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Nagbigay pa ng mga dahilan si Kuya Germs kung bakit ayaw niyang pasukin ang pulitika.

“Yung dumi ng pulitika, imbes na tumulong, nagsisiraan sila-sila, ‘di ba? Papaano ba yun?

“E, kung nandidiyan ka rin lamang, pag nakakagawa ka ng maganda, sinisira ka, iyan ang masama rito sa atin.

“Na imbes na magsuportahan para maganda ang takbo, ‘di ba? E, hindi, naiinggit, sisiraan ka, ida-down ka.

“Ganun din sa showbiz, dina-down ka pag angat ka.”

Pero si Kuya Germs ay nanatiling nakatayo hanggang ngayon.

“Well, bahala na lang si Lord.

“Si Lord na lang siguro ang ano natin, na sasabihin ko, na sa dasal ko, na kung mas meron pa akong magagawa dito, dito na muna ako dahil gusto ko pang maipagpatuloy yung legacy na ibinigay Niya sa akin.”



FAVORITE ALAGAS. Sa dami ng mga naging alaga at anak-anakan niya sa showbiz, na sa kanya nagsimula sa pag-aartista, sino ang mga ipinagmamalaki niya hanggang ngayon?

Tugon ni Kuya Germs, “Well, lahat naman sila.

“Siguro naman, hindi ko na kailangang mag-mention ng pangalan dahil tingnan mo lahat ang networks, ‘di ba? May kontribusyon na nagawa ang isang Kuya Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Juday [Judy Ann Santos], nasa ABS; si Piolo [Pascual], nasa ABS, ano?

“Si Sharon [Cuneta], nasa TV5.

“Si Billy [Crawford], ABS.

“Dito sa GMA, nandidiyan din ang ating mga alaga.

“So, ano pa naman ang dapat mong patunayan?

“So, sa akin, e, nagpapasalamat din ako nirerespeto nila ako.

“Nung nag-fifty years [showbiz anniversary] ako, nandun sina Dawn Zulueta…

“Iyan, si Dawn Zulueta, isa sa mga hindi ko makakalimutan talaga dahil right then and there, sinasabi niya na, ‘Without Kuya Germs, there’s no Dawn Zulueta. Sa kanya ako natutong magsalita, mag-host.’

“Talagang I was crying nung sinasabi niya yun.

“Si Zsa Zsa Padila; si Isko Moreno, nasa pulitika naman. Si Lea Salonga…”

May mga alaga raw siya na hanggang ngayon ay hindi nakakalimot mag-text at mangumusta.

“Basta may time, si Billy, si Isko, ayan...

"Si Rachel Anne Wolfe, kahit nasa Amerika, nag-aano ‘yan.”

Isa si Rachel Anne sa dating female co-hosts ni Kuya Germs sa GMA Supershow.

“Ano naman, talagang nalulungkot ka lang kung minsan, nung may mga… huwag namang magalit, may manager na sa iyo naman nanggaling [yung artista], bakit naman hindi ka minsan pagbigyan na ayun bang…

“Mas nakakatuwa kung sila na mismo na makaalala sa iyo na bumisita paminsan-minsan, ano?

“Dahil isipin mo, sino ba ang nagsimula na mag-promo ng mga pelikula? Si Kuya Germs.

“Sa show mo, inilalagay mo, launching ng mga album ng mga recording stars, sa show ko binuksan ko ang pintuan.

“Until now, ganyan pa rin.”



EIGHTEEN YEARS. Labinwalong taon na sa ere ang nag-iisang show ngayon ni Kuya Germs sa GMA, ang Walang Tulugan With The Master Showman.

Sa pagkakataong ito, ano ang pumapasok sa isip ni Kuya Germs?

Saad niya, “Lahat ng mga show na ginawa ko ay bumilang ng taon.

“From Superstar sa amin ni Nora Aunor, hanggang sa nagkaroon ako ng sarili kong show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, proven na ang tao, hindi ka iniiwanan.

“At ang maganda pa, hindi lamang dito, pati sa abroad, ikaw pa rin ang number one, ganun.”

Sa ibang bansa, tulad sa Amerika, marami ang nanonood ng show ni Kuya Germs dahil ang airing nito ay oras ng pananghalian.

“At saka nire-replay pa.

“Nakakatuwa yung mga Pilipinong nagtatrabaho ng daytime, nagreklamo, sabi nila, ‘Aba, kailangang mapanood din namin sa hatinggabi, kahit na hatinggabi.’

“So, ganun ang nangyari, replay sa hatinggabi.

“So, siyempre, pag ako nagpupunta doon, napi-feel ko talaga na pag nakita ka sa mall, sumisigaw sila ng ‘Walang tulugan!’

“Mga ganun, ano.

“So, bihira sa isang television show na yung title itself, nagmamarka sa iyo.

“Na hindi tinatawag ang pangalan mo, kundi yung title ng show mo.

“Kahit na dito, mapa-mayaman na mall, halimbawa sa Shangri-La ano, o mapunta ka sa Divisoria, sumisigaw sila ng ‘Walang tulugan!’

“’Tapos, lalapitan ka ng Kastila o nag-i-Ingles, ‘Hey, I’m so happy that... I enjoy your show every Saturday!’

“Mga ganun, ano, so nakakatuwa na yung wala kang pipiliin na audience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN