Karylle to tie the knot with boyfriend Yael Yuzon in March

Hindi man tuwirang inamin nina Karylle at Yael Yuzon ang relasyon nila sa publiko, marami ang naniniwalang matagal nang may namamagitan sa dalawa. Noong Sabado, February 8, mismong si Karylle ang nagkumpirma sa progmang It’s Showtime, kung saan sinabi niyang tatlong taon at kalahati na silang magkarelasyon ng Spongecola vocalist. Sa Marso ang kasal ng dalawa.


Inanunsiyo ni Karylle ang pagpapakasal ng bokalista ng Spongecola na si Yael Yuzon sa Marso.

Ginawa ni Karylle ang announcement sa kinabibilangan niyang noontime show sa ABS-CBN, ang It’s Showtime, noong Sabado, February 8.

Ito ay sa kabila na hindi nila kailanman direktang inamin ang tungkol sa kanilang relasyon.

Noong isang taon pa usap-usapan ang engagement nina Karylle at Yael, ngunit tuwing tinatanong sila tungkol dito ay parehong tikom ang kanilang mga bibig.

Pero sa wakas ay inamin na nga ni Karylle na tatlong taon at kalahati na ang relasyon nila ni Yael, at malapit na silang ikasal.

Mangiyak-ngiyak na panimula ng 32-year-old singer-actress, “Not a lot of people know, some three and a half years ago, a new chapter in my life started—the happiest and most exciting one yet.

“I started as a hurado here in Showtime and I became part of the Showtime family.

"At kakambal po nito, dumating si Yael sa buhay ko.

"It was a sunny afternoon... actually, guest pa ako dati sa Pilipinas Win Na Win.

"And kumain kami sa Mister Kebab, kasi mahilig po ako sa kanin. And after that, we had coffee.

“And yun, sinagot ko siya.”

Ang Pilipinas Win Na Win ay ang defunt noontime show ng ABS-CBN hosted by Kris Aquino and Robin Padilla.

Ito ang pumalit sa binakanteng timeslot ng Wowowee ni Willie Revillame. Matapos lamang ang limang buwan, namaalam ito sa ere noong December 31, 2010.



“MY LIFE STARTED TO CHANGE…” Inisa-isa rin ni Karylle na pasalamatan ang mga kasamahan sa It’s Showtime, na itinuturing niyang nagpabago sa kanyang buhay at pagkatao.

Aniya, "Little by little, my life started to change.

"Ryan [Bang], he taught me how to be a hurado para hindi ako ma-vote out ng madlang people.

“I started to dream bigger because of Anne [Curtis].

"I learned how to share sawsawan because of Vhong [Navarro].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I learned na si Billy [Crawford] lang ang pinaka-game sa malabo kong trip na abangan ang sunrise, because he’s ready to be a friend, anytime and anywhere.

“Teddy [Corpuz] showed me how fun it is to have a growing family.

"Jugs [Jugueta] showed me that he loves me even though he finds that I’m the weirdest in the Showtime group.

"Jhong [Hilario] taught me to be more attentive and respectful.

"Coleen [Garcia] taught me that younger people have wisdom, and Eric [Tai] showed me that boys with muscles have big, big hearts.”

Pinasalamatan din niya si Vice Ganda, kahit absent ito noong Sabado, dahil tinuruan daw siya nito kung paano tumawa nang “hindi yung parang dalagang Pilipina na mahinhing tumatawa.”

Patuloy pa niya, "Most importantly, Kuya Kim [Atienza] told me that I’m a good friend, but I’m a high-maintenance girlfriend.

"So, tuwing inaaway ko si Yael, parang konsensiya si Kuya Kim na naririnig ko dun.

"And I just kept his words in mind and I tried to be a better person."

Matapos nito, isa-isa nang kinantahan ng mga kasamahan niya sa show si Karylle.

LAST PEP INTERVIEW. Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Karylle, na lumabas noong December 17, 2013, hindi nito itinanggi o kinumpirma ang nauna nang napabalitang pagpapakasal nila ni Yael sa taong 2014.

Sabi niya, “Kailan ba naman ako nag-confirm or nag-deny?”

Read: Karylle on rumored wedding with boyfriend Yael Yuzon in 2014: "Kailan ba naman ako nag-confirm or nag-deny?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN