Louise delos Reyes admits boyfriend Enzo Pineda sometimes gets jealous of her leading men

Louise delos Reyes is in a unique position of being pitted against ABS-CBN stars Anne Curtis and Toni Gonzaga. Her movie Basement has the same playdate as Toni’s Starting Over Again. And her role as mermaid in GMA’s Kambal Sirena has counterpart in Kapamilya’s Dyesebel that Anne will lead.


Umamin si Louise delos Reyes na nag-e-effort siyang lampasan o tapatan man lang ang ginawang pagganap ni Marian Rivera bilang sirena sa teleseryeng Dyesebel ng GMA noong 2008.

Pagbibidahan ni Louise ang Kambal Sirena, kung saan gaganap din siya bilang isang sirena.

Pahayag ng young actress, “Sinabihan din ako ni Ate Yan [Marian], ‘O, alam mo na, sirena ka ngayon, ako nung nag-Dyesebel ako, all-out ako.

"’Talaganag ibinigay ko yung 101 percent ko sa project na yun. Kaya dapat ikaw din.’

“’Tapos, sabi ko, ‘Oo naman, Ate Yan, nagmana ako sa iyo, e!’

“Marami pa siyang sinabi, pero bala ko na yun!”

JEALOUSY. Si Aljur Abrenica ang leading man ni Louse sa Kambal Sirena.

Sabi niya tungkol sa kapareha, “Excited akong malaman kung sino ba si Aljur sa set, sino ba si Aljur kapag umaarte.

"May kanya-kanyang work ethics, e.

“Kasi the whole time naman ang kasama ko si Alden [Richards], so sanay na sanay na ako sa kanya.”

In an interview, umamin ang boyfriend ni Louise na si Enzo Pineda na may kaunti itong selos kay Aljur, pero mas higit ang selos nito kay Alden.

Paano niya ina-assure si Enzo?’

Sagot niya, “Si Aljur, may Kylie [Padilla] naman, so wala naman siyang dapat ikabahala dun.

"Si Alden single kaya siguro nagseselos siya, may panaka-nakang tendency na ganun.

“Pero wala, wala talaga.”

BASEMENT VS. STARTING OVER AGAIN. Tinanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise tungkol sa kanyang pelikula na Basement, na nagkaroon ng premiere night noong February 9, sa Podium.

Ang Basement ay isang horror movie na ipapalabas sa February 12, kasabay ng romantic movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na Starting Over Again.

Ano ang masasabi ni Louise sa tapatan ng mga pelikula nila?

Tugon niya, "May mga tao na gusto talagang romance yung papanoorin kapag Valentine’s day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron namang [naghahanap ng] something new.

"Actually, kahit ako, iba naman.



“Horror naman para mapayakap talaga nang mahigpit!”

May pressure ba sa kanya ito dahil siya ang bidang babae sa Basement, bukod kay Sarah Lahbati?

Saad ni Louise, “Ano naman po ito, group effort talaga.

"Siguro kung meron akong mga scenes na ako lang mag-isa, piling-pili lang.

"’Tsaka si Direk Topel [Lee], ibinigay niya talaga yung lahat niya para sa movie na ito.”

Hindi ba nahirapan si Louise dahil tatlo silang aktres na may malaking papel sa Basement, pero siya lang ang nakakapag-promote ng pelikulang ito ng GMA Films?

Hindi nagpo-promote ng Basement si Sarah, at si Ellen Adarna naman na gumaganap na manananggal sa pelikula ay nasa ABS-CBN na.

Pero dumalo naman si Ellen sa premiere night ng pelikula.

“Oo nga, ‘no? Hindi ko naramdaman, e. Choz! Ang sama!” natatawang biro ni Louise.

Si Sarah daw ay maraming beses niyang nakaeksena sa pelikula.

“Actually, halos kalahati yata ng movie.”

Hindi raw sila masyadong nagkaroon ng chance ni Sarah na mag-bonding.

“Tahimik lang siya, nagbabasa ng libro. Kung minsan, nawawala, umaalis.

"Sa standby area siyempre sama-sama kami, minsan wala siya, lumalabas, siguro naiinitan sa basement,” pagbibiro niya.

Bukod kina Louise, Ellen at Sarah, nasa Basement din sina Enzo Pineda, Kristoffer Martin, Dion Ignacio, Mona Louise Rey, Chynna Ortaleza, Betong Sumaya, Teejay Marquez, Jan Manual, RJ Padilla, Alvin Aragon, at Pilita Corrales.


GHOST STORY. Since tungkol sa manananggal ang pelikula, sa tunay na buhay, saan takot si Louise?

“Sa lahat! Matatakutin po talaga kasi ako, e. Ipis, ahas, multo, bayawak...”


Nakakita na raw si Louise ng multo dati sa taping ng Alakdana.

Nakita niya ang isang nakaputing lalaki na akala niya ay taga-ayos ng ilaw sa set.

“’Tapos narinig ko yung lighting director namin, ‘Oy, tauhan ninyo yung ilaw sa taas.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Kuya, may umakyat na sa taas, meron akong nakita.’

“’Tapos sabi niya, wala pa daw.

"Alam ko walang nakatira sa bahay na yun, ’tapos sabi nila nagpapakita raw yung dating may-ari.”

Kapag nadapuan naman daw siya ng ipis ay talagang nagpi-freak out si Louise.

TAPATAN QUEEN. Tila reyna si Louise ng tapatan dahil bukod sa pagtatapat ng mga pelikula nila nina Piolo at Toni, mukhang makakatapat naman ng teleserye niyang Kambal Sirena ang Dyesebel ni Anne Curtis sa ABS-CBN.

Pag-amin ng Kapuso star, “Siguro ano, napi-pressure ako in a way dahil Anne Curtis na yun.

"Gagalingan ko kasi dapat ma-meet ko yung expectations ng mga tao sa akin at expectations ko sa sarili ko.

“Palagi namang may competition, may comparison.

"Basta gawin mo lang yung best mo sa lahat para wala kang regrets.”

Noong bata raw siya, tulad ng ibang batang babae, ay nag-i-imagine na isa siyang sirena.

“Pinangarap kong maging sirena, maging ibon, marami,” sabi niya.

Nag-look test na raw siya na nakabuntot ng sirena, pero hindi pa siya nakakapag-shoot ng underwater scenes sa Kambal Sirena.

May kaba ba siya na sa actual underwater scenes ay makitaan siya ng boobs bilang sirena?

“Siguro ano, may konting kaba na siyempre first time ko kasing gagawin ’yon.

"Pero iniisip ko na lang na hindi naman siguro din ako papabayaan ng production.

"Ibinigay na sa akin itong project na ito, ayokong magre-regret ako na hindi ko ginawa yung mga bagay na dapat ginawa ko nang walang takot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN