Vhong Navarro denies viral photo of abused sex organ is his

Vhong Navarro on support of the showbiz industry: “Una sa lahat, iba yung pakiramdam na mga kapwa natin sa industriya ay sinasabihan ako na, ’Susuportahan ka namin.’ Isa pa yun sa mga nagpalakas ng loob sa akin para harapin ko po ang lahat.”


Dalawang linggo pagkatapos ibunyag ni Vhong Navarro ang pambubugbog sa kanya, muling nagpaunlak ng panayam ang aktor kay Boy Abunda para sa Buzz Ng Bayan kahapon, February 9.

Kung noong una ay naka-confine pa sa ospital si Vhong at bakas pa ang grabeng pinsalang natamo niya mula sa pambubugbog, sa pagkakataong ito ay nakalabas na siya sa ospital bagamat may kaunting bakas pa rin ng tinamo niyang pinsala.

Binalikan ni Boy ang paulit-ulit na pahayag noon ni Vhong na: “Binaboy nila ako.”

Ano ang ibig sabihin ni Vhong sa mga salita niyang ito?

Tugon ng actor-TV host, “Mahirap, kasi ang ginawa sa akin, naka-tape, naka-duct tape ang kamay ko, at may pinapasabi sa ‘yo na ‘di mo ginawa.

“May nakatutok na baril sa ‘yo, ibinaba yung short pants mo.

“Parang, hindi mo gagawin yun sa isang tao.

“Hindi ko alam kung ano po ang pumasok sa isip nila para po gawin yun.

“Pero para po sa akin, isa pong pambababoy yun.”

THE MYSTERIOUS PHOTO. Sinunog ba ang ari niya?

“Hindi po,” tanggi ni Vhong.

Pinalo ba ito?

“Hindi po. Pero noong panahon na yun, naka-blindfold po ako.

“After two days, three days, may nakitang pasa dito sa tagiliran ko. Kaya pina-check po namin ulit lahat.

“Kasi that time, masyado nang lamog ang katawan ko, manhid na po.”

May umiikot sa Internet na larawan ng isang ari na parang may sunog, namamaga. Hindi ba sa kanya yun?

“Hindi po,” pagtanggi ni Vhong.

Nakita na niya ang larawan?

“Opo, pero hindi po talaga,” diin niya.

Noong January 17, nagkita sila ni Deniece Cornejo, ang modelong nag-aakusa ngayon kay Vhong ng rape.

Ayon kay Vhong, walang sexual intercourse, pero may nangyari sa kanila ni Deniece.

Bakit siya bumalik sa condo unit ni Deniece noong January 22?

Saad ni Vhong, “Kasi, malinis po ang intensiyon ko.

“Babalik ako, kasi sabi niya, gusto niyang mag-usap po kami. Kaya po ako bumalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, kung meron po akong ginawa sa kanya noong una na sinasabi niyang rape, hindi po ako babalik dun.

“Kasi [kung] guilty ako, bakit po ako babalik?

“Malinis po ang konsensiya ko kaya po ako bumalik.”



WHY HE KEPT HIS SILENCE. Ayon sa mga pulis na naka-duty sa Southern Police District (SPD), binigyan nila ng pagkakataon si Vhong na sabihin ang panig niya nang dinala siya roon ng grupo nina Deniece at Cedric Lee para magpa-blotter noong gabi ng January 22.

Bakit hindi siya nagsalita?

Paliwanag ni Vhong, “Natatakot po ako, e.

“Siyempre kung sasabihin ko… kasi ang gusto ko, umalis na ako.

“Makapunta ako sa sasakyan ko at makasibat na po ako dun.

“Kasi, ang hirap magsabi ng statement mo na nandoon po sila.

“Siyempre po, paano ko ipagtatanggol ang sarili ko, baka anytime, may gawin na naman sila sa akin doon.

“Basta ang sinasabi ko lang po, oo, oo sa kanila. Hindi po ako humihindi, e.”

Mula sa SPD, dinala si Vhong sa sasakyan niyang nakaparada sa Forbeswood Heights, kung saan naganap ang pambubugbog sa kanya.

Pero sa halip na dumiretso ng hospital ay umuwi siya ng bahay. Bakit?

“Sobrang takot po, sobrang takot,” sabi ni Vhong.

“Actually, hindi pa po ako umuwi ng bahay.

“Pinuntahan ko pa po ang mga kaibigan ko sa restaurant ng kaibigan ko.

“Kasi, sabi ko po, hintayin nila ako dahil saglit lang ako.”

Bakit hindi siya dumiretso na lang sa hospital sa nararamdaman niyang sakit?

“Yung sakit, hindi ko nararamdaman, puro takot po ang nararamdaman ko.

“Kaya that time, parang gusto kong ibigay ang gusto nila.”

Noong binalikan niya ang kanyang mga kaibigan, ano ang naging reaksiyon ng mga ito?

“Nagulat, nagulat siyempre sa hitsura ko.

“’Tapos, parang, ‘Paano nangyari ‘yan?’

“Nagkukuwento po ako unti-unti, pero ang sabi ko sa… ibibigay ko ang gusto nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ayokong magpaospital. Yelo lang ‘to.

“Walang pumapasok sa ano ko… Basta ang sabi ko, ibibigay ko ang gusto nila sa sobra pong takot.”



WITNESSES AGAINST HIM. May mga umiikot ding usap-usapan na diumano’y may mga babae pang lalabas para naman daw tumestigo laban sa kanya.

Mayroon ba siyang inagrabyadong babae sa buong buhay niya?

“Parang wala po akong maalala,” sagot ni Vhong.

Ngayon lang ba niya nalaman ang tungkol sa bagay na ito?

“Opo, may mga lumalabas, may mga naririnig, may mga bumubulong po sa akin, meron daw.

“Pero wala po akong magagawa, kanila po yun, e.

“Basta po ang sa akin, ito pong inilalaban namin ay ang ginawa po nila sa akin.

“Yun po ang sa akin.”

Sa mga naging pahayag ni Deniece, ginahasa raw niya ito. Ayon naman kay Cedric Lee, hindi raw siya extortionist.

Ang tanong ng iba: Bakit si Vhong ang dapat paniwalaan?

Tugon ng It’s Showtime host, “Humarap po ako, nagpa-interview po ako sa inyo.

“Hindi po ako nagsisinungaling at hindi po ako gagawa ng isang kuwento.

“Katunayan po, nang magkuwento po ako sa inyo, wala pa po kaming hawak na CCTV.

“Kaya ang laki ng pasasalamat namin nang makuha po namin after po na magsabi ako or kuwento ko po sa inyo.”

Ang tinutukoy ni Vhong ay ang closed-circuit television (CCTV) footage na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI), kung saan nagtugma ang mga salaysay ng aktor.



LANGIT O IMPIYERNO? Natawa naman si Vhong nang tanungin tungkol sa naging pahayag niya noong una siyang magsalita na, “Akala ko, oras ko na.”

Kung natuluyan siya, sa kanyang palagay, diretso siyang langit o impiyerno?

Sabi niya, “Hindi ko alam, kasi aminado naman ako, may pagkakamali ako sa girlfriend ko.

“So, hindi ko po alam kung saan ako pupunta.

“Basta ako, kung saan man ako, tatanggapin ko po yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga pinagdaanan niya sa buhay, naging malaking tulong kay Vhong ang “humor” niya.

Pero ayon kay Vhong, “Sa ngayon po, mahirap pa po. Kaya nga po ang hirap pang bumalik sa It’s Showtime.”

Pero babalik siya sa noontime show ng ABS-CBN?

“Opo, babalik po,” pagkumpirma niya.

“Babalik po ako. Hindi ko lang po alam ngayon kung kailan.

“Nami-miss ko po yung mga ginagawa kong pagpapasaya sa kanila. Pagpapatawa sa kanila.

“Feeling ko, kaya po ako nandito para magpasaya ng mga tao.

“Minsan po, ang mga komedyante, mas maraming dinadala ‘yan, pero mas masaya sila kung nagpapatawa sila.”



SUPPORT FROM THE SHOWBIZ INDUSTRY. Habang nangyayari itong sinasabi niyang trauma, paano niya nagagawang malagpasan ang mga ito?

Sagot ni Vhong, “Lakas lang po ng loob.

“Para po sa akin, ang problema, hindi puwedeng takbuhan. Kailangan ko pong harapin.

“E, ang nagbibigay po sa akin ng lakas ng loob, pamilya ko, mga anak ko, mga kaibigan ko, at yung mga hindi ko po kilala.”

Noong isang linggo ay naglabas ng manifesto kunsaan nagpapakita na nasa likod niya ang buong showbiz industriya.

Read: Showbiz industry leaders condemn mauling incident of Vhong Navarro

Noong malaman niya ito, ano ang kanyang naramdaman?

Pahayag ni Vhong, “Una sa lahat, iba yung pakiramdam na mga kapwa natin sa industriya ay sinasabihan ako na, ’Susuportahan ka namin.’

“Isa pa yun sa mga nagpalakas ng loob sa akin para harapin ko po ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN