Nash Aguas denies he and LUV U co-star Alexa Ilacad are an item

Nash Aguas on Alexa Ilacad: "Nung umpisa pa lang ng LUV U, close na kami, ’tapos nung pinartner na kami, mas naging close na kami. Kasi halos araw-araw na kaming magkasama, ’tapos mas nakikilala ko pa siyang mabuti. Hilig ko, hilig din pala niya, kaya naging close kami."


Itinanggi ni Nash Aguas na mag-on na sila ng ka-loveteam niyang si Alexa Ilacad.

Magkasama ang dalawa sa LUV U, ang hit Sunday afternoon youth-oriented show ng Kapamilya network.

Saad ni Nash, "Bata pa naman po kami.

"Ano po, sobrang close na kami.

"Nung umpisa pa lang ng LUV U, close na kami, ’tapos nung pinartner na kami, mas naging close na kami.

"Kasi halos araw-araw na kaming magkasama, ’tapos mas nakikilala ko pa siyang mabuti.

"Hilig ko, hilig din pala niya, kaya naging close kami.

"Ngayon po, mas gusto namin na enjoy-enjoy lang.

"Siguro eventually po."

Kailan niya planong ligawan si Alexa?

Sagot ng dating child actor, "Puwede naman po, kaya lang nasa show po kami.

"Siyempre yung career, unahin ko po muna."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nash sa presscon ng comedy shows ng ABS-CBN noong Huwebes, February 6.



MOST POPULAR. Ano ang reaksiyon ni Nash sa opinyon ng marami na siya raw ang pinakasikat sa cast ng LUV U?

"Hindi ko po masasabi yun," nakangiti niyang sagot.

Sikat pa rin siya ngayong nagbibinata na siya at bihirang mangyari ito sa mga naging popular child stars. Ano ang feeling niya?

Sabi ng 15-year-old actor, "Nararamdaman ko po kapag yung mga fans ko, gusto nila ako. Kaya sobrang love ko rin sila.

"Natutuwa ako kasi mahal ko rin sila. Parang give and take."



GIMME FIVE. Member din si Nash ng sikat na grupo na Gimme Five.

Kasama niya rito sina John Bermundo, Brix Arquiza, Joaquin Reyes, at ang anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez.

Paano ba nabuo ang grupo nila?

Kuwento ni Nash, "Si Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic chairman emeritus] po ang nakaisip noon.

"Wala po akong alam… basta ipinatawag po ako sa office.

"Kinabahan ako nang husto, kasi akala ko pagagalitan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos nandun na yung mga kagrupo ko, apat silang nandun sa office ni Mr. M nung dumating ako.

"First time naming magkakilala.

"Sabi ni Mr. M sa amin, ’Gusto niyo bang sumali sa isang grupo? Bumuo ng grupo, boy band?’

"Siyempre tuwang-tuwa ako!

"So, yun, ni-launch po kami sa ASAP, nagtuluy-tuloy na po yun."

Hindi raw in-expect ni Nash ang pagdami agad ng fans ng Gimme Five.

"Hindi po. Nung una, talagang kinakabahan ako.

"First time ko kasi na sumama sa isang boy band.

"Sing and dance, nagagawa ko po, pero iba pa rin kapag grupo talaga at nag-a-ASAP na kayo.

"Pero nung na-launch na kami, masaya naman kasi nag-trending agad.

"Ang dami agad ang response ng tao."

Papasok din ba ang ibang members ng Gimme Five sa LUV U?

Sagot ni Nash, "Ewan ko lang po, pero parang ang alam ko, gusto nila sa ASAP kami.

"Yung huwag muna mag-acting, puro shows muna, which is good naman.

"Kasi nga, para may alternative. Acting sa LUV U, ’tapos sing and dance sa ASAP."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN