Vhong Navarro grateful to girlfriend for not leaving despite his infidelity

Vhong Navarro on girlfriend Tanya Winona Bautista: "In-admit ko ang kasalanan ko sa kanya dahil totoo naman po, e—nagkasala ako sa kanya. Paiba-iba pa siya ng isip. Naguguluhan pa siya. But right now, mas lalong lumalalim ang aming pagsasama at pagmamahalan. Mas naiisip niya na mahal pa rin niya ako kahit sa nagawa kong ito sa kanya."


Dalawang importanteng bagay raw ang natutunan ni Vhong Navarro sa nangyaring pambubugbog sa kanya.

Una ay tiwala.

Saad ni Vhong, sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan, “Ako po kasi, napaka-friendly ko.

“Kumbaga, wala akong pinipili kahit na sino. Kapag alam ko na ang taong ito ay masarap kausap, nakakatuwa, o may natutunan tayo o wala man, basta ang bilis ko pong makapalagayan ng loob.

“Kaya lang, sa nangyari, ngayon, parang may trauma ako sa nangyari.

“Parang hindi siguro ako magtiwala muna.

“Siguro, alamin ko muna kung ano ang pagkatao niya.”

Pangalawa raw na natutunan niya ay ang pagiging faithful.

“Sabi ko nga, ito yung napaka-down ng buhay ko na pinagdaanan.

“Pero until now, nandiyan pa rin siya.

“At talagang dapat yata hindi na mauulit, hinding-hindi na mauulit na may gawin pa akong ganun ulit.

“Kaya dapat maging faithful akong talaga.”



VHONG’S GIRLFRIEND. Ang tinutukoy ni Vhong ay ang pagiging faithful niya sa kanyang girlfriend na si Tanya Winona Bautista.

Halos anim na taon na ang relasyon nina Vhong at Tanya, na nagsimula sa set ng pelikulang My Only U (2008).

Si Tanya ang sumulat ng script ng pelikulang ito ni Vhong katambal si Toni Gonzaga.

Pagkatapos ng mga nangyari, maiintindihan niya ba kung iiwan siya ni Tanya?

Sagot ni Vhong, “Opo, sobrang maiintindihan ko.

“Isa po yun sa mga ipinagdarasal ko na sana, sa lahat ng nangyayari ngayon sa akin, huwag akong iwan.

“Siyempre, napaka-selfish pa rin na huwag akong iwan ni Tanya or ng girlfriend ko.”

Kapag silang dalawa lang ni Tanya, ano ang pinag-uusapan nila?

“Masaya kami ngayon, e.

“Iba, iba ang aming samahan. Mas lumalim.”

Noong malaman ni Tanya ang nangyari, paano siya nagpaliwanag?

“Sabi ko, huwag na muna niya akong iwan sa mga panahon na ‘to dahil alam kong masakit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sinasabi niya, huwag ko munang intindihin yun. Ang intindihin ko muna ay ang ikaw.

“Kaya ako, in-admit ko ang kasalanan ko sa kanya dahil totoo naman po, e—nagkasala ako sa kanya.

“Paiba-iba pa siya ng isip. Naguguluhan pa siya.

“But right now, mas lalong lumalalim ang aming pagsasama at pagmamahalan.

“Mas naiisip niya na mahal pa rin niya ako kahit sa nagawa kong ito sa kanya.”

Tinanong ba niya ang girlfriend kung mahal pa siya nito?

Sabi ni Vhong, “Opo, palagi ko namang tinatanong.

“Kasi, noong unang tinatanong ko siya, parang hindi raw niya masabi. Naiintindihan ko po yun.

“’Tapos, nakausap ko ang mommy niya at mga kapatid niya, humingi rin po ako ng tawad. Na sana patawarin po ako.

“E, siyempre, pinagbibigyan po nila ako, parang second chance.”

Napag-uusapan na nila ang kasal?

“E, siyempre, ayoko namang pag-usapan ngayon yun.

“Baka dahil dun po… gusto ko po yung naka-ready po kami.”



VHONG’S CHILDREN. Naluha naman si Vhong nang tanungin tungkol sa dalawa niyang anak, at kung gaano ang hiyang nararamdaman niya para sa mga ito.

Saad ng actor-TV host, “Nakakahiya, kasi alam kong nagkamali ako doon nga sa girlfriend ko.

“Siyempre, ipinaliliwanag ko sa kanila ang ginawa ko na huwag nilang gayahin.

“Baka paglaki nila, may mag-isip sa kanila na okay palang magloko sa girlfriend.

“Nahihiya ako kasi nagawa ko yun at ayokong gawin nila yun.

“Yun ang palagi kong ipinapaliwanag sa kanila.”

Noong nasa hospital pa siya, sinabi ni Vhong na ayaw niyang papuntahin ang kanyang ama.

Ano ang sinabi ni Vhong sa tatay niya?

“Kasi, ilang araw na ang nakalilipas na nasa hospital ako na hindi ko siya pinapupunta.

“May sakit ang daddy ko, e.

“Siyempre, kapag nakita niyang ganoon ang hitsura ko, parang hindi mo papayagan ang anak mo na ganoon ang hitsura.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko pong magtanim siya ng galit.

“Kahit sa mga anak ko, ayoko pong ipakita dahil ayoko silang magtanim ng galit.

“Dahil ang lahat ng ito ay puwede namang hustisya.”

Naintindihan ng tatay niya?

Sagot ni Vhong, “Noong una, hindi po niya naiintindihan.

“Nagagalit na siya sa akin dahil bakit daw ang ibang mga kaibigan mo, nandiyan.”

Kumusta ang kanyang nanay, kapatid, mga kapitbahay sa Pasay?

“Sobrang ang sarap ng pakiramdam na yung lahat ng kaibigan ko, mga nag-text, dumalaw, talagang nakasuporta sila sa akin.

“Sabi nga ng doctor ko, yung psychologist, gusto niyang magpahinga ako.

“Pero iba po kasi ang pagpapahinga ko na hindi ako makatulog.

“Iba po yung nandiyan sila, nakakatulong sa akin.

“Panandalian, nakakalimutan ko ang mga pinagdadaanan ko, yung mga trauma na nararamdaman ko.

“So, mas gusto ko po yung nandoon sila. Kahit paano, nabibigyan ako ng ngiti, ng saya.”

Nakakatulog na siya?

Sagot ni Vhong, “May ilang araw po na humihingi po ako ng pampatulog at inoobliga nilang ibigay sa akin, kasi kailangan ko raw po.

“Siguro, mga three to four nights ako na binibigyan.

“Parang sinabi ko na rin na try ko na huwag, try ko.”



UNTIL JUSTICE IS SERVED. Hanggang saan ang laban na ito?

Sagot ni Vhong, “Hanggang magkaroon po tayo ng hustisya. Hindi po tayo aatras.

“Nangyari po sa akin, puwede pong mangyari sa mga kapwa ko Filipino at puwede pong maulit-ulit.”

Lalaban siya hanggang makuha niya ang hustisya, kahit mawalan siya ng career?

“Sa ngayon po, mahirap po ang pinagdadaanan ko.

“Sa paglabas ko po, lahat, alam ko po na meron pong magsasakripisyo, alam ko po yun.”

Natatakot ba siyang bumalik sa It’s Showtime at hindi siya matanggap nang buo?

“Meron pong ganun, meron po,” pag-amin ni Vhong.

“Kasi, ang tao, may kanya-kanya pong opinyon at paniniwala, hindi ko po kayang kontrolin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ako po, malinis po ang konsensiya ko.”

Paano siya nabago ng lahat ng ito?

“Duwag ako… duwag akong mag-isa.

“Pero sa lahat ng ito, nagkaroon ako ng lakas ng loob na harapin ang lahat.

“Pagbaba ko pa lang ng St. Luke’s, meron po dun na mga babae, mga nanay, sabi nila, ‘Vhong, hindi mo lang ‘to laban, laban natin ‘to.’

“Gusto kong maiyak that time.”

Sa palagay niya, bakit siya binuhay ng Diyos?

“Alam ko po, naging instrument Niya po ako. Meron po Siyang ipinapagawa sa akin.

“Na medyo kailangan ko lang pahirapan nang konti para po magising, at the same time, meron pong managot sa pangyayari pong ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN