Andi Eigenmann on DNA testing for Albie Casiño and her daughter: "It’s not necessary... I don’t even want them to be a part of my life."

Ito ang sagot ni Andi Eigenmann sa mga nagsasabing lumalaking kamukha ni Albie Casiño ang anak niyang si Ellie: "I received comments from people who were saying that, pero ako, hindi ko nakikita. Para sa akin, hindi niya kamukha... kamukha ko."


Itinanggi ni Andi Eigenmann ang balitang gusto na niyang ipakilala kay Albie Casiño ang kanyang magta-tatlong taong gulang na anak na babae, si Adriana Gabrielli Eigenmann—o si Ellie.

Nagtataka ang Kapamilya actress kung kanino at saan nagsimula ang balitang ito dahil malayo pa raw mangyari ito.

Saad ni Andi, "Legally ang technically, wala pang father si Ellie, kasi hindi pa ako married, wala pang nag-a-adopt sa kanya.

"At yung biological father naman niya, I don’t think he wants to meet her.

"Para po sa akin, I’m not gonna lie to my daughter and I’ll tell her the truth, I’m sorry.

"Wala akong itatago sa kanya pag lumalaki na siya, pero dadating yun kapag siya na ang may kailangan.

"So, yung pagre-ready na ipakilala siya sa kanyang daddy, it depends on her.

"I’ll be ready when she wants it, but I’m gonna make sure na hindi para sa kanyang ama—para sa kanya lang.

"Mahirap naman kasi yun, paano mo ipapakilala kung..."

Hindi na itinuloy ni Andi ang gusto niyang sabihin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaako ni Albie na siya ang ama ng anak ni Andi.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng media si Andi sa presscon ng ABNKKBSNPLAko? noong February 6.



FINANCIAL SUPPORT. Wala rin daw natatanggap na suporta si Andi para sa anak mula sa kampo ni Albie.

Mariing sabi ng Galema star, "Wala... wala.

"Walang anything na... walang kahit anong help or acknowledgement from their side.

"It’s perfectly fine ’coz I’m doing... kayang-kaya ko namang palakihin siya mag-isa.

“Marami namang nagmamahal sa akin."

Kaugnay nito, muling nabuksan ang isyu tungkol sa DNA test na matagal nang hamon sa kanya ng pamilyang Casiño.

Ang DNA o deoxyribonucleic acid test ay isang proseso na ginagawa para makakuha ng genetic information sa tao, animals, o maging sa tanim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa na ba siyang tanggapin ang challenge na ito sa puntong ito ng buhay nila ni Ellie?

Sagot ni Andi, "For me kasi, it’s not necessary, kasi naman I don’t even want them to be a part of my life.

"So, kung ayaw nila, di ’wag!

"Sa akin, there’s no need. I mean, pagkatapos ng mga ginawa nila sa akin?

"Yun nga, para sa akin, it doesn’t matter, ‘di ba?

"I’m happy with my life and, hello, I don’t need them!

“So, okay lang.

"And yun nga, makakahanap din ako ng isang taong mamahalin ako at si Ellie more than her real father.

"Okay lang yun sa akin.

"Alam ng tao kung ano ang totoo and you can’t change that.

"It shouldn’t be the way it’s written in the book, hindi naman sa ganoon."

Samantala, ayon sa mga nakakakita kay Ellie, kapansin-pansing lumalaki itong kamukha ni Albie.

Ano ang masasabi ni Andi rito?

"Oo nga!” natatawang pagsang-ayon naman niya.

"I received comments from people who were saying that, pero ako, hindi ko nakikita.

"Para sa akin, hindi niya kamukha... kamukha ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN