Andi Eigenmann vows to prove that she deserves Jake Ejercito

"Friends" pa rin daw ang status ng relasyon ni Andi Eigenmann kay Jake Ejercito. Pero ayon kay Andi, “If ever man na may magbabago, siya [Jake] na lang po ang tanungin niyo, hindi ako. Kasi nga, babae naman po ako—babae lang ako. Maghihintay na lang po ako. I mean, ayokong magsalita in behalf of two people."


Ayon kay Andi Eigenmann, "friends" pa rin ang status nilang dalawa ni Jake Ejercito hanggang ngayon.

Hindi pa ba ito nagbabago lalo na’t malapit na ang Valentine’s Day?

Nangingiting pahayag ng Kapamilya actress, “If ever man na may magbabago, siya [Jake] na lang po ang tanungin niyo, hindi ako.

"Kasi nga, babae naman po ako—babae lang ako. Maghihintay na lang po ako.

"I mean, ayokong magsalita in behalf of two people."

Marami rin ang nais malaman kung naayos na ba ang problema sa pagitan nila ng ina ni Jake na si Laarni Enriquez.

May nakarating kasing kuwento na gusto raw mag-reach out ni Andi sa ina ni Jake, pero sabi naman daw ni Laarni ay “not now.”

Paglilinaw ni Andi, "Before pa po yun.

"You know, these things will happen at the right time.

"I just have to be patient.

"Yun nga, I was raised by my mother [Jaclyn Jose] to be respectful at may pinag-aralan naman po ako.

“At hindi ko binibitawan ang class na turo sa akin ng pamilya ko while growing up.

"So, yun, I understand completely these certain things are not in my hands.

"Hindi lahat ako ang masusunod, so I will wait.

"Pero sisiguraduhin ko po na I’ll do my part and prove na I don’t need to be disliked."

At deserve niya si Jake?

"Yes, I do," nakangiting sagot ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN