Charee Pineda dares to do sexy role in Joel Lamangan movie

Charee Pineda defends her decision to accept a sexy role in her new movie Sitio Camcam: "Yes, councilor ako, pero hindi naman puwedeng mag-suffer ang isang trabaho dahil sa isang trabaho. So, bina-balance ko rin kung saan puwede. Basta ang usapan namin, walang masyadong makikita pero definitely ay may kissing scenes."


Handa na raw ang actress-politician na si Charee Pineda na sumabak sa sexy scenes para sa latest movie niya, ang Sitio Camcam ng BG Productions International.

Nag-"yes" daw siya kaagad sa offer nang malaman niyang ang premyado at award-winning direktor na si Joel Lamangan ang magpapagalaw ng pelikula.

Hindi pa rin raw makapaniwala ang Kapuso actress sa pagbabagong ito ng kanyang image.

"’Tapos, saka nag-sink sa akin yung mga intimate scenes, pero nag-meet namin kami [ni Direk Joel] and I was assured na iingatan naman ako.

"I don’t think na iri-risk niya ang pangalan niya sa isang pelikulang hindi maganda ang pagkaka-execute ng mga eksena," pahayag ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang eklusibong panayam na ito ng PEP kay Charee sa Starbucks, Victoria Tower, Timog, Quezon City, bago nagsimula ang press conference ng pelikula na ginanap naman sa R Bistro sa may Timog Avenue rin.

Patuloy niya, "Siguro, yun ang panghahawakan ko, importante na tiwala ka sa director mo.

"Sino naman sa mga katulad ko na ayaw makatrabaho si Direk, ’di ba?

"Lahat namang artista ay gusto siyang makatrabaho siya, kasi kilala siya sa atin bilang magaling at award-wnning director."

EVOLVING IMAGE. Ayon pa kay Charee, bahagi ito ng ebolusyon ng isang artista—ang magsimula sa supporting roles, ’tapos ay maging isang drama actress, hanggang maging isa ito sa mga kinikilalang character actresses ng kanyang henerasyon.

Paliwanag niya, "Siguro dahil sa nagma-mature na rin tayo.

"At saka hindi naman talaga yung sexy kundi maganda yung story ng pelikula.

"Kung hindi ko in-expect dati [yung pagpapa-sexy] dahil siguro sa age na rin… ginagawa ko yung alam ko na kaya ko at sakto na age ko.

"Twenty-three na ako, ano naman ang mangyayari kung puro pa-tweetums ako?

"Part na nga ito ng paggu-grow bilang artista."

LIMITATION. Pumayag man gumawa ng sexy scenes sa Sitio Camcam, ipinaalam ni Charee na merong limitasyon ang puwede niyang ipakita sa puting telon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiniling daw niya na kailangang "hindi bastos ang kalalabasan ng mga eksena.

"Basta ang usapan namin, walang masyadong makikita, pero definitely ay may kissing scenes.

"Siguro may shots na parang [suggestive]… pero wala nang sosobra pa dun."

Isa nga raw sa mga kunsiderasyon ay ang pagiging isang konsehala niya ng Valenzuela.

Hindi ba maapektuhan ng bagong pelikula niya ang pagiging konsehala niya?

Depensa ni Charee, "They are always proud of me.

"Mismong mga taga-Valenzuela ang nagsasabi, noong ’di ako tumatanggap ng show, na nami-miss na nila ako sa telebisyon.

"’Tapos, ibang field naman ito, ibang trabaho.

"Yes, councilor ako, pero hindi naman puwedeng mag-suffer ang isang trabaho dahil sa isang trabaho.

"So, bina-balance ko rin kung saan puwede.

"Kahit naman sa kontrabida roles ko, sila [constituents] rin ang natutuwa, puring-puri nila ako.

"Kaya sa palagay ko, naiintindihan nila ang mga ginagagawa ko."

SELLING POINT. Aware din daw si Charee na ang pagiging sexy niya ang maaaring gawing pinaka-selling point ng pelikula.

Sambit niya, "Yes, yes, okay lang sa akin.

"Sexy movie ito, part yun ng promotions.

"Sa akin, bahala na sila basta naaayon naman sa aming mga pinag-usapan."

Nabanggit din ni Charee na matagal na siyang gumawa ng indie film at ngayon lang ulit nagkapelikula kung saan isa siya sa lead stars.

Masasabi ba niyang ang role niya sa Sitio Camcam ay magbibigay muli sa kanya ng acting award?

Tumanggap ng Best Actress award si Charee mula sa Cinema One Originals para sa pelikulang Alon noong 2008.

Aniya, "Hindi ko naman iniisip yung award.

"Ang nasa isip ko ay makagawa ng magandang pelikula na panonoorin ng mga tao.

"Very challenging ang role ko dito, kasi isa nga akong parang prostitute at pangatlong asawa ni Allen [Dizon, lead actor sa pelikula].

"Makaka-aktingan ko sina Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Elizabeth Oropesa na magagaling lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, proud ako na sila ang mga kasama ko.

"Alam ko na marami akong maidadagdag na kaalaman sa kung ano’ng meron ako sa ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN