Derrick Monasterio surprises viewers and himself by going topless in Sunday All Stars

Sa puntong ito ng kanyang career, naniniwala si Derrick Monasterio na kailangan pa rin niya ang mayroong ka-loveteam. Saad niya, "Yung sa amin ni Barbie [Forteza], malaking bagay, kasi nakikita niyo naman ang reaction nila kapag magkasama kami, ‘di ba? I mean, kaming dalawa pa rin ang hinahanap-hanap kahit may kanya-kanya kaming fans."


Marami ang naseksihan kay Derrick Monasterio nang minsan itong lumabas na walang pang-itaas sa isang production number sa musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Sabi ng ilan, kung ipagpapatuloy ni Derrick na pagandahin ang kanyang pangangatawan, hindi malayong bigyan siya ng title role, gaya ng Machete na simbolo ng isang tunay na barako.

Si Gardo Versoza ang orihinal na gumanap sa role na ito, na sinundan naman ng isa sa mga iniidolo ng mga kakabaihan ngayon, si Aljur Abrenica.

Ano ang masasabi ni Derrick dito?

Sagot ng 18-year-old Kapuso actor, "Kaya nga mas lalo ko pang pinagbubutihan, nagwu-workshop, kasi parang kami na nga ang next in line, ‘di ba?

"Kaya nga yung first topless ko in public, marami talaga ang nagulat.

"Ako rin, nagulat rin ako sa sarili ko, e.

"Pero kailangan talaga sa production number kaya bilang artist, kailangan kong maging professional."

Ayon pa kay Derrick, maraming nag-react sa Twitter account niya matapos siyang makita na naka-topless sa episode na iyon ng Sunday All Stars.

Natatawang kuwento niya, "Nagtu-tweet sila sa akin na parang gulat na gulat.

"Sana, sana ay napansin namin.

"Pero sa ngayon, hanggang dun muna ako.

"Actually, hindi ko talaga gagawin yun, pero andun na, e. Napilitan na ako.

"Pero kung na-surprise sila, mas masu-surprise sila sa gagawin ko.

“Yun nga lang, sa matagal pang panahon yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor sa Dating Game with Derrick Monasterio, sa SM Pampanga, noong February 9.



BARBIE’S REACTION. Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang ka-loveteam na si Barbie Forteza sa ginawa niya?

"Hindi niya po ako kinausap!" natatawang sagot ni Derrick.

"Pero ano naman... feeling ko ay nagulat din naman siya, kasi tinutukso nila sa Twitter at Instagram.

"Siguro nagulat talaga siya na sa sobrang gulat ay hindi nakapagsalita."

Paano kung sa kanya nga i-offer ang role na Machete, kung sakaling gawan ito ulit ng remake? Tatanggapin ba niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa mga nagha-handle na ng career ko ’yan," pasubali niya.

"Siguro, tatanungin ko rin ang mom ko [former actress Tina Monasterio].

"At dapat din tingnan ko ang katawan ko kung puwede na talaga.

"Kasi major role nga yun, kaya dapat paghandaan.

"Kung sa palagay ko ay ready na ako at walang problema sa pamilya ko at sa GMA, siguro oo.

"Why not, ‘di ba?"



HEIGHT IS MIGHT. Para naman kay Derrick, advantage sa kanya ang pagiging malaking bulas, na kahit teenager pa lang siya, ang tingin sa kanya ay developed na physically.

Sabi niya tungkol dito, “Nagpapasalamat ako, pero hindi pa naman nagma-mature talaga ang katawan ko.

"Marami pa talagang taon ang kailangan kong gugulin para maabot ko yung peak.

"Yung mga maskulado natin, sobrang hirap na at disiplna nila para ma-achieve nila yung six packs or more pa na abs, ‘di ba?

"Pero kung ano’ng tingin nila sa akin, positive pa rin yun, e.

“Kasi, nagugustuhan nila, e.

"Ayun, thankful ako sa kanila, thank you sa mga nagugustuhan ako, kahit ako mismo ay walang tiwala sa katawan ko."

Paano kung iba na ang tingin sa kanya, na tipong meron nang pagnanasa dahil sa imahe na nabuo sa pagsasayaw niya na walang T-shirt?

Mabilis niyang sagot, "Doon ko po masasabi na nakawala na ako sa sinasabing tween image.

"So, ang ibig sabihin noon ay kaya ko nang gawin ang nagagawa ng ibang artista.

"Yung parang nagma-mature na nga."

Ibig ba nitong sabihin ay gusto na rin talaga niyang makawala sa tween image na naging daan kung nasaan man siya ngayon, career wise?

"Sana," asam ng Kapuso teen actor.

"Pero nasa GMA pa rin po yun kung ano ang gusto nilang gawin sa akin.

"Kung gusto na nilang magsolo ako, nasa kanila na po yun kung sa tingin nila ay kaya ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako nagra-rush, basta merong opportunities, okay ako."



LOVETEAM. Sa puntong ito ng kanyang career, sa tingin ba ni Derrick ay kailangan pa rin niya ng ka-loveteam?

Sagot niya, "Sa palagay ko, oo po.

“Kasi sa ngayon, yun ang inaabangan ng mga tao, e.

"Excited pa rin sila sa loveteam-loveteam.

"Yung sa amin ni Barbie, malaking bagay, kasi nakikita niyo naman ang reaction nila kapag magkasama kami, ‘di ba?

"I mean, kaming dalawa pa rin ang hinahanap-hanap kahit may kanya-kanya kaming fans."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN