Rap Fernandez on marriage: "I’m against it. I think it’s a bad idea."

Rap Fernandez on working with mom Lorna Tolentino and brother Renz Fernandez in one project: “That would be very interesting for me. At saka ano, I actually rehearse with them, sa house. So, yung mga eksena namin, nire-rehearse na namin sa bahay before shooting. Kapag maagang napadala yung script. So, parang I already worked with them.”


Hindi maitago ni Rap Fernandez ang kaligayahan nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang anak na si Lyla Victoria, na ngayon ay dalawang taong gulang na.

Kuwento niya, “Sobrang kamukha ko!

“At saka, isang tingin lang sa kanya, haping-happy ako.

“Para siyang gripo ng ligaya. Kapag binuksan mo, umaagos na ang saya.

“Parang punung-puno ang puso mo at puwede nang sumabog sa saya.

“Hindi ko nga alam kung paano nangyari yun. Ang saya, happy!”

Yun nga lang, tuwing weekend lang daw niya nakikita ang anak. Hindi raw kasi niya kasama sa bahay ang anak at ang ina nito.

“Nakatira ang mom with her parents and I live with my mom.”

Hiwalay na ba sila ng ina ng anak niya?

Paglilinaw ni Rap, “No, we never lived together.

“We have a relationship, yes, I’d like to think so.

“Pero hindi namin nililinaw, kasi baka magkagulo.

“Hindi namin kinu-complicate ang relationship by talking. We just go with the flow.”

NO TO MARRIAGE. Paano niya ilalarawan ang set-up nila ng ina ng kanyang anak?

Sagot ni Rap, “Ano lang, pure love lang.

“Parang nagpo-focus ka lang, yung pag-ibig mo, sa pagmamahal sa bata.”

Dagdag pa niya, “I’m a single father but I’m exclusive.

“Parang I don’t believe in romance.

“Ayoko ng lovelife, gusto ko ng worklife.

“Happy na ko sa isang bata, so hindi na ako gagawa ulit.”

Wala sa isipan niya ang magpakasal?

Pag-amin ni Rap, “Actually, I’m against it. I think it’s a bad idea.

"Most of them are delusional, fooled by romantic notion na ang akala nila, it’s real love, but it’s just some sort of infatuation.

“Ang tunay na pag-ibig, yung pag-ibig ko sa anak ko.

“May commitment kami sa bata at sa isa’t isa rin.”

Nakausap ng PEP si Rap sa presscon ng GMA afternoon soap na Innamorata noong February 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCLUSIVE KAPUSO STARS. Exclusive contract ang pinirmahan ni Rap at ng bunso niyang kapatid na si Renz Fernandez sa GMA Network.

“So, I’ll be with you until then and, hopefully, I’ll get renewed… I hope,” asam ni Rap.

Bago pumirma ng exclusive contract sa GMA ay lumabas muna sa ABS-CBN sina Rap at Renz, kung saan naging talents din sila ng Star Magic.

Bakit ang Kapuso network ang napili nilang maging tahanan sa loob ng tatlong taon?

Sagot ni Rap, “Kasi nandito si Mama at saka para maiba naman.

“At saka si Papa, para sa akin, mas mahal ng GMA kesa… kasi, iba yung mas dito siya talaga. Mas GMA si Papa.

“So, yung alaala niya, buhay pa rin sa puso ng lahat ng mga taga-GMA.

“So, nararamdaman ko ang pagmamahal nila, nake-carry over rin sa akin pag minsan.”

Sina Rap at Renz ay anak ng award-winning actress na si Lorna Tolentino at ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.

Nang nabubuhay pa si Rudy ay gumawa siya ng ilang programa sa GMA: Kasangga (1999-200), Daboy en Da Girl (2002-2004), Twin Hearts (2003), Now and Forever (2006), at Atlantika (2007).

Pumanaw si Rudy noong June 7, 2008, sa edad na 56, pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa periampullary cancer.



CHARACTER ROLES. Hindi pa masagot ni Rap kung ano ang plano ng GMA pagdating sa career niya.

Ngunit madalas ay character roles ang ginagampanan niya, gaya ng papel niya bilang best friend ni Luis Alandy sa Innamorata.

Ayon kay Rap, sa totoong buhay ay mahilig din siyang magbigay ng payo sa mga kaibigan niya.

“Mahilig talaga akong magpayo when it comes to those things.

“I think I have wisdom when it comes to these sort of things, kasi marami na akong pinagdaanan.

“So, kung nakikinig ang tao, may mapupulot naman siguro sila kapag nagtanong sila with regards to matters of the heart.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay naman sa kanya yun?

“Actually, yung ninong ko is one of the greatest character actors in the Philippines—si Johnny Delgado.

“His memory and his life and time na magkasama kami, yung mga aral na nai-impart niya sa akin, I feel like I can apply it to my work and my everyday life, especially with my art.”

Si Johnnny Delgado ay ang yumaong aktor at asawa ng director-actress na si Laurice Guillen.

Ano ang natatandaan niyang sinasabi sa kanya ng Ninong Johnny niya?

Lahad ni Rap, “Sinasabi niya sa akin na hindi naman kailangang ikaw palagi ang lead. It’s a combination.

“Parang yung combination, paghalu-halo ng lahat ng artista ang nagpapaganda ng trabaho. Hindi naman yung isang tao lang.”

Hindi importante sa kanya na dapat bida siya?

“Basta maganda ang kuwento, actually. Happy na ako ma-involve,” sagot niya.

Bukod sa pagiging artista, kung minsan ay nagtatrabaho rin si Rap behind the scenes.



KAPUSO FAMILY. Dahil nasa GMA din ang ina niyang si Lorna at kapatid na si Renz, posible kaya silang magsama-sama sa iisang proyekto?

Sagot ni Rap, “That would be very interesting for me.

“At saka ano, I actually rehearse with them, sa house.

“So, yung mga eksena namin, nire-rehearse na namin sa bahay before shooting. Kapag maagang napadala yung script.

“So, parang I already worked with them.”

Sino ang mas magaling umarte sa kanila ni Renz?

“Mas magaling na siya sa akin ngayon!” natatawang sagot ni Rap.

“Dati, ang feeling ko, mas magaling ako sa kanya.

“Pero ngayon, mas magaling na siya sa akin. Mas hasa siya, e.

“Kakatapos lang ng soap niya, so mas ensayado siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN