Bea Binene receives flowers and letter from Xian Lim

"I was surprised when I saw this when I got home. Thankyou, @xianlimm! You don’t need to give me these, but still, you did. God bless you! :)," Bea Binene wrote on the caption of the photo of the flowers and letter she posted on Instagram yesterday, February 10.


Bouquet of flowers na may kasamang liham ang ibinigay ni Xian Lim kay Bea Binene bilang paumanhin sa nagawa ng Kapamilya actor noong Chinese New Year.

Nai-post ng Kapuso young actress ang larawan ng mga ito sa kanyang Instagram account (baebinene) kahapon, February 10.

Sa liham, sinabi ni Xian na hindi niya intensiyon na mang-insulto nang banggitin niya ang pangalan ni Bea sa special episode ng Banana Nite noong January 30.

Narito ang kabuuan ng liham ng Kapamilya actor:

“Hi Bea!

“I just want to apologize for what happened during Chinese New Year. I want you to know na I didn’t mean it as an insult noong banggitin ko ang pangalan mo. Thanks po for understanding & sorry for everything.

“Xian Lim”

Sa caption naman ng post ni Bea sa Instagram, sinabi niya: “I was surprised when I saw this when I got home. Thankyou, @xianlimm! You don’t need to give me these, but still, you did. God bless you! :)”

Nadawit ang pangalan ni Bea sa isyung kinasangkutan ni Xian at ng isang "Kim Chiu lookalike" na nangngangalang Charmae Viking.

Si Charmae ay sumali sa "Kalokalike" segment ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong 2013.

Si Kim Chiu naman ay ang loveteam partner ni Xian.

Sa Chinese New Year celebration ng Banana Nite ay naging guest si Xian.

Habang kumakanta on stage si Xian, lumabas ang “Kalokalike” ni Kim na si Charmae.

Pagkatapos ng kanyang song number, nakaharap ni Xian si Charmae at natatawa niyang sinabi: "Ano’ng ginagawa ni Bea Binene dito?"

Umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga manonood, lalo na sa Netizens, ang naging asal ni Xian noong gabing iyon.

Pero agad din namang humingi ng paumanhin ang young actor.

Read: Xian Lim refers to Kim Chiu impersonator as Bea Binene; he apologizes for his behavior on Banana Nite

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Bea naman ay hindi minasama ang nangyari, bagkus ay pinasalamatan pa niya si Xian sa pagkukumpara sa kanya sa ka-lookalike ni Kim.

Read: Bea Binene thanks Xian Lim for comparing her to Kim Chiu look-alike


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN