Lucho Ayala flattered to be tagged leading-man material

Is Lucho Ayala the next Dennis Trillo? His reaction: “Parang plus point sa akin yun, e. So I’m happy, I’m happy. Pero siyempre, I want [to be appreciated for] my own style, my own character or personality."


May mga nagsasabi na si Lucho Ayala ang susunod na Dennis Trillo.

Sa hitsura kasi ay malaki ang pagkakahawig ng dalawang aktor na ito ng Kapuso network.

Pero double edge ang ganyang klase na papuri, puwedeng positibo at puwede ring negatibo.

Ano ang reaksiyon ni Lucho tungkol dito?

Aniya, "I know that Dennis Trillo is an acclaimed actor, as in madami na siyang napanalunang awards.

“And gusto siya ng tao kasi he’s good at acting, ganyan.

“Parang plus point sa akin yun, e.

“So I’m happy, I’m happy.

"Pero siyempre, I want [to be appreciated for] my own style, my own character or personality."

THIRD MOVIE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lucho sa presscon ng indie film na Sitio Camcam noong Linggo, February 9, sa R Bistro, sa Timog Avenue, Quezon City.

Nag-umpisa sa stage si Lucho bilang theater actor sa University of the Philippines noong nag-aaral pa siya. Pero aminado siyang marami pa siyang kakaining bigas bago siya maging kasinghusay ni Dennis.

“I mean, acting is a learning experience.

“You learn every day, sa mga taping days, especially when you’re working with veteran actors.

“You learn from them, ‘di ba?

“So, iyon nga, I’m constantly learning to improve my acting.”

Pangatlong pelikula na raw ni Lucho ang Sitio Camcam ng BG Productions International.

May guest apperance siya noon sa Mamarazzi (2010), starring Eugene Domingo.

Sinundan ito ng indie movie na Agawan Base (2012), na idinirek ng manager ni Lucho na si Cesar Buendia.

Tinanggap daw ni Lucho ang Sitio Camcam dahil sa direktor nitong si Joel Lamangan.

Bagamat si Joel din ang nagdirek ng Mamarazzi, guest lamang doon si Lucho. Kaya ito ang unang pelikulang maididirek siya talaga ng award-winning director.

“I’m excited to work with him, kasi nga first time ko siyang maging director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang siya yata yung newly-appointed chairman or president ng DGPI [Directors’ Guild of the Philippines Inc.], right?"



LEADING-MAN MATERIAL. May mga nagsasabi raw kay Lucho na puwede siyang maging leading man.

Pero ayon na rin sa GMA talent, wala namang inihahandang malaking project ang network para sa kanya.

“Yun nga, I’m hearing people saying na parang I’m this material, this leading-man material, blah-blah-blah.

“Ako naman, I’m taking it as a motivation for me to push harder talaga.”

Wala pa rin raw kasi siya sa posisyon upang mag-demand na bigyan siya ng network ng launching project.

Saad niya, “Kasi, kailangan justifiable naman yung demand ko, e

“Siguro malalaman ko this year if I’m at that point na, ’Okay, I’m willing, I’m able to demand.’

“Kasi, [right now] I’m humble to say, I don’t think I’m ready to demand.

“Pero probably this year, I dunno, we have yet to find out.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN