Joyce Ching exasperated by who-broke-up-with-whom issue

Hounded by issues that she and ex-boyfriend Kristoffer Martin have dismissed as moot, Joyce Ching’s explanations were terse. Did Kristoffer ask for the ring? "Basta po maayos na nasa kanya."


Nilinaw ni Joyce Ching ang isyu tungkol sa singsing na ibinigay sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Kristoffer Martin noong sila pa.

Na kay Kristoffer na muli ang singsing at ayon kay Joyce ay hindi ito binawi ng dating kasintahan.

Paliwanag ng young actress, “Napunta sa kanya yung singsing sa magandang paraan.

“Kasi yung lumabas sa mga write-ups, parang binawi niya dahil galit siya o dahil break na kami, ganun.

"Hindi po!"

Sa paanong “magandang paraan” naibalik kay Kristoffer ang singsing? Isinoli ni Joyce?

“Hindi ko… paano ba?” preno ng young actress sa sarili.

“Iyon na lang po, basta po nasa kanya at peaceful pong napunta sa kanya yung singsing na yun.

“Wala pong masamang dahilan, wala pong hard feelings, walang kahit ano.

“Basta po maayos na nasa kanya,” giit pa niya.

Suportado ni Joyce ang sinabi ni Kristoffer na hindi nito binawi ang singsing sa kanya?

“Hindi niya po binawi, hiningi. Kasi po…”

Hindi ba, ganun din yun?

“Iyon nga po, kaya nga po siya magulo. Parang we both agreed na siya, sa kanya yung singsing,” sabi ni Joyce.

Identical ang nabanggit na mga singsing, pero nawala ang singsing na hawak ni Kristoffer.

Nasaktan ba si Joyce nang nawala yung isa?

“Opo, siyempre na-hurt ako kasi nga nawala.

“Pero wala, ganun talaga, at saka nawala ko rin yung ibinigay niyang bracelet!” natawang sabi ni Joyce.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce sa presscon ng indie film na Sitio Camcam, noong February 9.



THE BREAKUP. Nilinaw rin namin kay Joyce ang tungkol sa sinabi niya na si Kristoffer ang nakipag-break, na itinanggi naman ng young actor.

Sagot ng dalaga, “Basta po, friends naman kami ngayon, so yung mga isyu na ‘yan, deadma na lang.”

Ano ang masasabi niya sa sinabi ni Kristoffer na hindi ito ang nakipag-break?

“A, e, di hindi po. Chos!” natawang sagot ni Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Kasi po, puwedeng sabay na lang kami, para hindi masyadong magulo?”

Mahal pa rin daw siya ni Kristoffer. Ano ang ang reaksiyon dito ni Joyce?

“Opo, sinabi nga niya po.”

Mahal pa ba niya si Kristoffer?

“Oo naman po, hindi naman siya parang bigla na lang nawawala,” pag-amin niya.



FIRST INDIE FILM. Unang indie film ni Joyce ang Sitio Camcam, kung saan kasama niya sina Allen Dizon, Charee Pineda, Jean Garcia, Sunshine Dizon, Lucho Ayala, at Elizabeth Oropesa.

Paano siya napapayag na gumawa ng indie film for the first time?

Saad ni Joyce, “Kasi po, ang sinabi po sa akin una ni Sir Joey Abacan from GMA, sabi niya tanggapin ko daw po yung role.

“Maganda daw po yung character na gagampanan ko. At saka si Direk Joel [Lamangan] din yung magdidirek.

“So, malaking privilege iyon para sa isang artista na makatrabaho si Direk Joel Lamangan.”

Kilala si Direk Joel na naninigaw ng artista kapag may nagawang hindi tama. Handa na ba siya kung sakali?

“A, huwag naman po sana!” tawa ni Joyce.

“Basta magpe-prepare po ako nang maige bago ako sumalang at bago ako magpakita sa kanya para iwas-sigaw o bulyaw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN