Sunshine Dizon misses opportunity to work with Nora Aunor in a film

Sunshine Dizon is thankful that she does not have to sacrifice family time to fulfill her television and movie commitments.


Nanghihinayang si Sunshne Dizon na hindi siya makakasama sa indie film na pagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor, ang Dementia, na ididirek ng dating TV5 executive na si Perci Intalan.

Ayon kay Sunshine, unang pagkakataon niya sanang makatrabaho si Nora sa pelikula, dahil minsan na silang nagkasama sa isang programa sa telebisyon.

“Hindi nga kasi nag-fit sa schedule,” sabi ng Kapuso actress nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng indie movie na Sitio Camcam, noong Linggo, February 9.

Paliwanag pa niya, “Two weeks straight kasi ang hinihingi nila, e. Batanes kasi [ang location].

"They offered it to me just the other day lang, sayang.

"Nakakahinayang nga, e. That’s an experience of a lifetime.

"Heto kasing Sitio Camcam, it worked for me kasi sakto sila sa schedule ko.

"Yung Villa Quintana kasi, which I’m doing sa GMA, it’s three times a week, e.

“And as much as possible, I don’t work on Sundays talaga."

Pero naniniwala si Sunshine na makakatrabaho pa rin niya ang kanyang idolong aktres balang-araw.

"Well, ipag-pray natin na sana ay may dumating pa.

“Naka-work ko na siya sa TV noon, first time sana sa pelikula."

THANKFUL. Dahil sa magagandang opportunities na dumarating kay Sunshine sa kabila ng mahaba niyang bakasyon sa showbiz, naniniwala ba siyang mahal pa rin siya ng mga manonood?

Matatandaang mula nang mag-asawa at magkaroon ng dalawang anak si Sunshine ay nawala siya sa sirkulasyon.

Ngunit noong 2013 ay bumalik sa telebisyon si Sunshine sa pamamagitan ng hit primetime series na Mundo Mo’y Akin.

Sabi ng 30-year-old actress, “Yes, I feel very blessed

"Kasi, it’s not always na you leave for four years and then you come back na... I feel very blessed.

"I’m very thankful."

Malaki rin ang pasasalamat ni Sunshine sa Kapuso network na lagi siyang tinatanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "GMA has been very good to me, ang bait nila.

"You know, yung working schedules and everything, ang ganda."

WORKING SCHEDULE. Bigla tuloy naalala ni Sunshine ang mga panahong nagkakaroon siya ng problema dahil sa schedule.

"Noon naman kasi, uso ang walang tulugan!" halos napasigaw na sabi niya.

"Uso ang walang uwian, naku!"

Pero ngayon ay naayos na ito at mukhang meron na siyang cut-off sa kanyang working time sa ginagawa niyang teleserye sa GMA, ang Villa Quintana.

Kumpirma niya, "Meron.

"Ayaw kong sabihin, pero meron, baka kasi magkaisyu pa.

"Very considerate sila, yun lang.

"Pero minsan, nai-stress din ako sa role ko sa Villa, lalo na kapag umaga tapos ang eksena ay sobrang ang taas.

"Pag umaga, ang eksena namin ay mga talakan, sampalan na minsan ay hanggang gabi na yun, at ang feeling ko ay ubus na ubos na ako."

Kung ikukumpara noon, mas maganda raw ang working environment niya ngayon.

"Maganda po, maganda," sambit niya.

"Ako, I’m really blessed to be working with a lot of really good actors.

"’Tapos yung mga katrabaho mo pa, ang gaan-gaang katrabaho.

“’Tapos ang director mo pa ay isa ring magaling na artista [Gina Alajar].

"Iba talaga kapag ang director mo ay artista.

"Iba kapag ang director mo ay yung nagbibigay lang ng instructions.

"Minsan si Nanay [Gina], reading pa lang, siya mismo ay naiiyak na.

"Ang ganda, lalo na kapag masunurin ang mga artista mo at swak sa vision ng director, ang gandang lumalabas sa screen.

“Kung puwede nga lang kaming manalo sa ensemble acting, siguro hindi malayong mangyari."

PROSPEROUS 2014. Para kay Sunshine, isang masaganang taon ang 2014.

"Masaya, thank you, Lord!” bulalas niya.

"Like last year, naka-seven months ang Mundo Mo’y Akin.

“’Tapos itong Villa Quintana ay six months, where in fact ang kontrata ko sa GMA ay two projects per year lang, na usually ay three months lang ang takbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then now, they’re pushing for a three-year contract.

“At heto nga, may pelikula naman.”

Ang tinutukoy na pelikula ni Sunshine ay ang Sitio Camcam.

"Bukod sa tama sa sked ko ay maganda ang role ko.

“And it’s such a blessing working with good actors, like si Ms. Elizabeth Oropesa, si Ms. Jean [Garcia], then Charee [Pineda].

"I mean, you know, considering na wala naman akong manager, ‘di ba?

"I still have so much time for my family kaya medyo relax lang ako," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN