Nine-year-old Mona Louise Rey inspires other diabetic patients

Nakakatakot daw gumawa ng horror film si Mona Louise Rey kahit na alam niyang shooting lang at props lang ang aswang. Sabi niya, “Nakakatakot po kasi, noong sinu-shoot po namin, malat na malat po ako at konti na lang ang boses ko sa kakasigaw. Natakot po talaga ko.”


Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang child actress na si Mona Louise Rey ay may sakit na diabetes.

Medyo nakakabahala ito dahil siyam na taon pa lang siya at nagtatrabaho na sa kanyang murang edad.

Paliwanag naman ni Mona Louise, “Hindi naman po mataas ang sugar ko, controlled naman po siya.

"Nasa 100 lang po, hindi naman po tumataas na 300.

"Mas madalas po mas mababa, kaya ngayon po, medyo tumataba ako, kasi nako-control po.”

SOURCE OF INSPIRATION. Palagi siyang natatanong tungkol sa kanyang sakit at marami rin ang nagugulat na kahit diabetic ay napaka-aktibo pa rin niya, lalo na sa pag-arte.

Nagiging inspirasyon tuloy siya hindi lamang ng mga batang may ganitong sakit kung hindi pati iyong may edad na diabetic din.

Sabi ni Mona Louise tungkol dito, “Siyempre po, hindi naman po porke’t may sakit, yung mga pangarap mo, hindi na matutuloy.

"Ako po, may sakit ako, pero yung pangarap ko, natupad ko pa rin.

"Kaya kung sino po yung may sakit na katulad ko, huwag po kayong mawawalan ng pag-asa.

“Kasi po, God is good.

“Hindi po natin alam, puwedeng isang araw, pagalingin niya tayo.

"At saka, hindi po hadlang ang sakit na ito para matupad ang mga pangarap natin, ang mga gusto nating maging.”

Naniniwala si Mona Louise na gagaling pa rin siya sa sakit niya.

Nakangiting sabi nga niya, “Palagi rin po akong nagpi-pray.

"Paggising ko, pagtulog, pagkakain.

"Lalo na po kapag sa Church namin, nagpi-pray ako na sana hindi tumaas ang sugar ko.

"Pag-check po namin, mababa lang."

IDOLIZES MARIAN. Si Mona Louise ang gumanap na young Marian Rivera sa primetime series ng Kapuso network na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.

Sabi niya, “Sobrang saya ko po!

"Kasi po, dream ko na makita si Ae Marian, sobrang ganda niya po.”

Kahit daw hindi sila magkasama sa eksena, nagkakasama raw sila sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang bait niya rin po,” sambit pa niya.

Unang beses daw niyang makasama si Marian sa isang programa at noon pa man, sinasabi na ni Mona Louise na idol niya ang Kapuso Primetime Queen.

Sabi pa niya, “Sobrang idol ko po siya.”

Mahilig magbigay ng mumunting bagaya si Marian sa mga nakakasama niya sa set. Sa kanya ba, mayroon itong ibinigay?

Kuwento ng child actress, “Ganito po ‘yan, binigyan ko po siya ng clock na may mga bling-bling.

"Alam niya na may sakit ako. Sabi niya, ’Ano ba kasi ang puwede sa ‘yo?’

"Binigyan niya po ako ng juice.”

May mga flashback scenes pa raw siya sa Carmela kaya posibleng mag-taping pa rin siya.

Wala pa raw alam si Mona na bagong seryeng gagawin niya pagkatapos ng guest appearance sa Carmela.

Ang Bukod Kang Pinagpala pa ang huli niyang teleserye.

Kapag walang trabaho ay nasa bahay lang daw siya at nag-aaral.

“Minsan po kasi, kapag puyat ako, sa bahay na lang ako nag-aaral.

"The next day na lang po ako papasok."

BASEMENT. Kasama rin si Mona Louise sa horror film na Basement, na nagbukas sa mga sinehan simula kahapon, February 12.

Ano ba ang karakter niya sa Basement?

Sabi niya, “May baby na bagong panganak, ililigtas ko, kasi kapatid ko po siya.

"Hanggang sa binuksan po ang basement, dinala kami papunta sa doctor.

"Kaso, kasama ko po ang manananggal.”

Ang manananggal naman sa Basement ay si Ellen Adarna.

Unang beses pa lang daw ni Mona Louise na gumawa ng horror movie.

Inamin ni Mona Louise na nakakatakot gumawa ng horror film, kahit na alam niyang shooting at props lang ang aswang.

Sabi niya, “Nakakatakot po kasi, noong sinu-shoot po namin, malat na malat po ako at konti na lang ang boses ko sa kakasigaw.

"Natakot po talaga ko.”

Ano ang mas mahirap sa kanya, mag-drama, magpatawa o manakot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Horror po!” mabilis niyang sagot.

Sa totoong buhay, hindi rin naman daw malakas ang loob niya na manood ng horror films.

“Ang ate ko po ang mahilig sa horror.

"Minsan po, sumisilip ako, pero kapag may lumabas, takbo na ako papunta sa labas.

"Kaya natakot po talaga ko sa Basement kaya yung iyak ko dun, totoo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN