Vin Abrenica hopes that his passion for singing will find fulfillment in a solo album

Vin Abrenica describes his role in Beki Boxer: “I play the role of Atong, isang probinsiyano na may pangarap maging isang magaling na boksingero. Kababata ko dito si Alwyn who plays Rocky. Pero hindi alam ng character ko na may lihim na gusto sa akin si Rocky. Marami kaming ‘kilig’ scenes dito ni Alwyn... Sinabi nga sa akin na baka maglaban din kaming dalawa sa boxing ring ni Alwyn."


Pinaghahandaan na ng Artista Academy winner na si Vin Abrenica ang dalawang TV shows na sisimulan niya para sa TV5.

Kuwento ng nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica sa programang News 5, makakasama niya si Jasmine Curtis-Smith sa drama show nitong Jasmine at magiging love interest naman siya ni Alwyn Uytingco sa teleserye na Beki Boxer.

Parehong eere ang dalawang shows ngayong summer 2014.

Matagal napahinga si Vin sa paggawa ng teleserye at naging busy lang siya sa gag show na Tropa Mo ‘Ko Unli.

“Yung last na ginawa ko was Misibis Bay pa.

“Kaya natuwa naman ako to start with not just one but two projects kaagad.”

Sa Jasmine, gaganap si Vin bilang isang matinee idol.

“I play Alexis Vergara, the primetime prince and love interest of Jasmine.

"Dito, nag-aagawan kami nina Matt Padilla and Gerald Sison kay Jasmine.

“Yung story kasi ay tungkol sa isang stalker na tinatakot at ginugulo si Jasmine.

"May pagka-suspense thriller ang story na ito kaya exciting na gawin,” sabi ni Vin.


LOVE OBJECT. Excited din ang Kapatid leading man sa role niya sa Beki Boxer.

Hindi na raw niya kailangan mag-ensayo sa Muay Thai, at magiging love interest pa siya ni Alwyn na gaganap bilang isang bading.

“I play the role of Atong, isang probinsiyano na may pangarap maging isang magaling na boksingero.

"Kababata ko dito si Alwyn who plays Rocky.

“Pero hindi alam ng character ko na may lihim na gusto sa akin si Rocky.

“Marami kaming ‘kilig’ scenes dito ni Alwyn na wala lang para sa karakter ko, pero may meaning pala sa character niya.

“Sinabi nga sa akin na baka maglaban din kaming dalawa sa boxing ring ni Alwyn.

“Kaya abangan nila ito kasi iba siya at matutuwa sila kay Alwyn dito,” saad niya.

SOPHIE ALBERT. Okey lang daw kay Vin na mapaghiwalay muna sila ng kanyang ka-loveteam na si Sophie Albert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan pa nga lang nagkasama ang dalawa sa teleserye na Never Say Goodbye.

“Magkasama pa rin naman kami ni Sophie sa Tropa Mo Ko Unli.

“Busy siya doing the Pinoy version of Pretty Little Liars.

"Magkahiwalay muna kami ng trabaho.

“Pero who knows na after ng dalawang shows ko ay magtambal ulit kami.

"Nasa management naman ng TV5 ang desisyon.”


PASSION FOR MUSIC. Bukod sa pagiging artista, isa pang hilig ni Vin ay ang musika.

At tulad ng kanyang Kuya Aljur, gusto rin niyang i-explore ang kanyang talent pagdating sa musika.

“Music is one of my passions.

“Kapag wala akong masyadong trabaho, hilig ko ang tumugtog sa gitara at kumanta.

“Pareho kami ni Kuya na mahilig sa kantahan dahil minana namin ‘yan sa daddy namin.”

Isa ring pangarap ni Vin ang magkaroon ng sarili niyang album.

Sabi niya, “Sana matupad din ang dream kong ito.

“Gusto ko ring magkaroon ng sarili kong album balang-araw.

“Noong nasa Artista Academy pa ako, nakita naman nila na isa sa mga talents ko ay ang kumanta.

“Ipinagdarasal ko na matupad naman ang dream kong maging isang singer.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN