PEP EXCLUSIVE. PSC denies not giving financial aid to Filipino figure skater Michael Christian Martinez

Itinanggi ni Philippine Sports Commission Chairman Ricardo R. Garcia na wala silang ibinigay na financial support sa Winter Olympics ice skater na Michael Christian Martinez. Kasunod ito ng pahayag ng nanay ng atleta sa isang report na wala raw umanong suportang pinansiyal na ibinigay sa kanila ang gobyerno at kinailangan pa umano nilang isangla ang kanilang bahay.

In this photo: Michael (left) and mom Maria Teresa


Maingay ngayon ang pangalan ni Michael Christian Martinez, ang 17-anyos na figure skater at nag-iisang kinatawan ng Pilipinas sa 2014 Sochi Winter Olympics na ginaganap ngayon sa Russia.

Si Michael ang kauna-unahang Pinoy figure skater na nakapasok sa Winter Olympics.

Ang Filipino figure skater ay naging gold medalist sa Crystal Skate senior competition sa Romania noong 2012, at bronze medalist sa New Year’s Cup senior level sa Slovakia noong 2013.

Noong nakaraang taon din ay naging panglima si Michael sa World Junior Figure Skating Championships.

Nakaagaw ng atensiyon ang binata dahil sa husay niya sa nasabing sport, kahit wala namang winter season sa Pilipinas upang makapag-train nang husto.

Pero mas naging malaking balita ang tungkol sa kawalan ng suportang pinansiyal mula sa gobyerno.

Isinanla pa nga raw ng pamilya ni Michael ang kanilang bahay para lang masuportahan ang pagsali nito sa Sochi Winter Olympics.

NO SUPPORT FROM THE GOVERNMENT. Maraming Netizens ang nag-react sa report na lumabas sa catholicregister.org, kung saan inilahad ng ina ni Michael na si Maria Teresa Martinez, na wala umano silang suportang pinansiyal na nakukuha mula sa gobyerno para sana sa training at sa tuwing ipapadala ang kanyang anak sa international competitions.

Ang nasabing ulat ng Catholic News Service ay lumabas noong January 15, Miyerkules.

Nakapag-train daw para sa Winter Olympics si Michael dahil pinagkalooban siya ng $22,000—o halos P1 million—ng kanyang lone sponsor, isang Philippine retail and development corporation na nagmamay-ari ng skating rinks sa bansa.

Pinagkalooban din daw siya ng Philippine Skating Union ng $11,000 o halos kalahating milyong piso.

Ilang beses din daw sumulat si Mrs. Martinez sa opisina ng Pangulo para humingi ng tulong, ngunit wala raw silang nakuhang sagot.

Sinabi rin ni Mrs. Martinez sa report na nakasanla umano ang kanilang bahay.

“My house is mortgaged. It’s a crazy investment.

“I don’t even think anyone at the President’s Office knows there’s a Filipino skating in the Olympics.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa naman silang makapasok si Michael sa final 24 sa ginaganap na Sochi Winter Olympics upang ma-qualify ito sa 2018 Winter Olympics.



REACTION FROM MALACAÑANG. Minarapat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ng Malacañang tungkol isyung wala diumanong financial support ang gobyerno kay Michael.

May lumabas kasing balita na sinusuportahan naman daw ng Malacañang ang pagsali ni Michael sa Sochi Winter Olympics.

Pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa dzRB radio, noong February 8, Sabado:

"The lack of a natural resource like snow does not stop us... Our innate talent when given chance to perform shows we are truly capable of excelling.

"We hope the Filipino people are behind Christian and his quest for gold [in the] Sochi Olympics."

Kaninang umaga, February 11, nagpadala ng text message ang PEP kay Secretary Lacierda para hingin ang panig ng Palasyo sa pahayag ng ina ni Michael.

Sagot ng Presidential Spokesperson sa aming text message:

“During a briefing yesterday [February 10], I was asked about a letter written by his mom to the Office of the President asking for financial support for his son.

“I was not personally not [sic] aware of the letter…”

Pero sinabi raw niya sa reporter na ipa-follow up niya ito sa Office of the President.

Dugtong pa Secretary Lacierda sa text message: “Upon inquiry, I was informed that the Malacañang Records Office did not receive any letter from Mrs. Martinez.

“With respect to the PSC [Philippine Sports Commission], I am sorry I cannot speak for them.”

Iminungkahi rin ng Presidential Spokesperson na makipag-ugnayan kami sa PSC.


PSC REACTS. Kaninang hapon ay nagkaroon ng press conference sa PSC head office, sa pangunguna ni PSC Chairman Ricardo R. Garcia, na dinaluhan ng PEP at mga miyembro ng sports media.

Dito ay sinabi ni Garcia na walang katotohanan ang lumalabas na ulat na walang tulong pinansiyal ang pamahalaan kay Michael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang taon daw ay nakatanggap sila ng liham mula sa Philippine Olympic Committee (POC) na nagre-request ng financial assistance para sa Pinoy figure skater.

Saad ni Garcia, “Ang tseke inisyu namin sa POC, hindi NSA [National Sports Association], kasi POC ang nag-request nito para kay Michael.

“So that shows na hindi totoo yung wala kaming ibinibigay.”

Ayon sa PSC, December 20, 2013 nang matanggap ng POC ang $7,200 o P314,013.60 na financial assistance para kay Michael.

Pagkatapos ng presscon proper ay nagpaunlak ng eksklusibong panayam si Garcia sa PEP.

Paliwanag ng PSC chairman, ang NSA ay asosasyon na kumakatawan sa isang sport.

“We have 52 sports; may basketball, football…. each one has an NSA.

“The association [NSA] that takes care of all the athletes, trainings.

“The National Sports Association is a member of the International [Sports] Federation [IFs] na asosasyon.

“Parang a local skating union of the Philippines—the local NSA of skating—they are a member of the International Skating Union, which is based abroad.

“At ito is a member of the International Olympic Committee [IOC].

“Ang pinakataas no’n is IOC [at] IFs.

“In between International Federation and NSA is POC.

“Each country has its own NOC [National Olympic Committee].

“So ngayon, itong NSA, ang trabaho nito is they maintain an office, may staff…

“Their duty is to scout the country for athletes na may abilidad to compete in an international event.”

SPONSOR. Sinabi rin ni Garcia sa PEP na nag-commit ang business tycoon na si Hans Sy, president ng SM Prime, na siya na ang bahala sa gastusin ni Michael.

“Sila ang may-ari ng ShoeMart [SM].

"So, kung sila ang may-ari ng ShoeMart [SM], siguro pag sinabi sa ‘yo na, ’Ssagot ko na ‘yon,’ sagot ko na ‘yon,” ani Garcia.

Nakita umano umano ng Sy family ang potensiyal ni Michael kaya nag-invest sila dito at nagtayo ng NSA para sa skating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatagpuan ang ilang skating rinks sa ilang branches ng kilalang malls na pagmamay-ari ng mga Sy, kung saan nag-eensayo si Michael.

Kinausap daw ni Garcia si Hans Sy, at inutos daw nitong huwag nang sumulat ang NSA sa PSC para humingi ng pondo dahil siya na ang sasagot.

“So with that, the government is relieved of that funding kasi may sumagot na nga, e.”

Pero pakli ni Garcia, “In any situation when we disburse funds, there is accountability.

"If there is accountability, we need a formal request.”

LETTER FROM MRS. MARTINEZ. Sa ulat ng Catholic News Service ay sinabi ni Mrs. Martinez na makailang beses siyang sumulat sa gobyerno, pero wala umanong tugon.

Kinumpirma ni Garcia na may natanggap ngang sulat ang kanilang ahensiya mula sa ina ni Michael.

“There was a time the mother nagreklamo na malaki na ang gastos [at] kung makatulong ang gobyerno.”

Kalan ito nangyari?

“Matagal na. A year ago… like that.

“Sabi ko, ‘All you have to do is approach your NSA—your association—and tell them to write a letter para may accountability kami, may accountability din sila.

“Wala [dumating na sulat sa amin].”

Ani Garcia, maraming non-Olympic sports ang nabigyan nila ng pondo kaya walang dahilan para pagkaitan nila ng financial support si Michael.

Napagkalooban daw ng pondo ang mga sports na ito dahil sumunod ang kanilang NSA sa proseso at nagpadala ng request para mabigyan ng pondo.

Sabi pa ni Garcia, “I’m already spending P450 million for all the other NSAs, not another P2 to 3 million for an athlete na kailangan ng suporta for the Olympics, ’di ba?”

Ang tinutukoy niya ay ang puwedeng i-allot na budget kay Michael.

“It does not make sense na I will help other sports, they’re not even Olympic sports, but we are still supporting them."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtukoy niya sa panig ni Mrs. Mendoza, “Giving them a few millions is not going to make my job harder.

“I would like to, because hindi naman naubos P450 million [budget of PSC], may naiiwan ‘yan…

“So to help them, I would be more than willing, but give me the documents that I need, para masuportahan ang desisyon namin.”

Pahayag pa ni Garcia, oras na maaprubahan ang budget ng isang NSA, “They are accountable to liquidate the money to the government.

“But kung sa nanay ibibigay, di naman siya accountable.

"Sa amin dito, legal, legitimate.

“Yun lang naman ang amin in protecting the government.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN