Actor Mat Ranillo III named courier of PDAF kickback by Ruby Tuason

Ruby Tuason in her sworn statement to the National Bureau of Investigation cites Benhur Luy’s record alleging involvement of Mat Ranillo III with Janet Lim-Napoles and Senator Jinggoy Estrada: "Based on the accounting record of Benhur Luy, the aforesaid transaction was consummated through a certain Mr. Matt Ranillo showing the delivery of the sum of P11,970,00 to a house at…Dasmariñas Village Makati City."

Seen in photo: M


Muling nadawit ang aktor na si Mat Ranillo III sa pork-barrel scam dahil sa pakikipagtransaksiyon nito kay Janet Lim Napoles.

Ito ay base sa isinumiteng sinumpaang salaysay ni Ruby Tuason sa National Bureau of Investigation (NBI) noong February 4.

Dito ay inilahad ni Ruby na noong September 7, 2004, pumayag diumano si Senator Jinggoy Estrada na magbigay ng halagang P37.5 million mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) kay Napoles.

Si Napoles ang itinuturong mastermind sa pagtayo ng pekeng non-government organizations (NGOs), na tumatanggap diumano ng pondo mula sa mga sangkot na mambabatas.

Si Tuason, na dating social secretary ni ex-President Joseph Estrada, ang naging daan upang makilala ni Napoles si Senator Estrada.

Mula sa naturang transaksiyon ay nakatanggap umano si Tuason ng halagang P5.7 million bilang komisyon ni Senator Estrada.

Personal din daw niyang inabot ang pera kay Senator Estrada.

Ngunit sa ’di malamang dahilan, bigla raw kinansela ni Senator Estrada ang naturang transaksiyon at ipinabalik kay Tuason ang pera kay Napoles.

Tinanong ng NBI si Ruby kung natuloy pa rin ba ang P37.5 million PDAF transaction, matapos niyang ibalik ang halagang P5.7 million kay Napoles.

Sagot ni Tuason, “Based on the accounting record of Benhur Luy, the aforesaid transaction was consummated through a certain Mr. Matt Ranillo showing the delivery of the sum of P11,970,00 to a house at…Dasmariñas Village Makati City."

Tinukoy rin ni Tuason na ang may-ari ng nabanggit na bahay sa Dasmariñas Village, Makati City, ay si Justa Tantoco.

Sina Tuason at Tantoco ay kinilala bilang mga dating miyembro ng MARE (Masa Ang Riwasa ni Erap) Foundation na pinamunuan ni former Senator Loi Ejercito, asawa ni dating Pangulong Erap Estrada at ina ni Senator Jinggoy Estrada.

Bukod sa halagang P11,970,000, iginiit ni Tuason na diumano’y tumanggap ng iba pang kickback si Senator Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kadahilanang siya raw mismo ang nag-abot ng iba pang komisyon ng senador sa opisina nito sa Senado o kaya naman ay sa Greenhills, San Juan.

Nagsilbi umanong tagapamagitan nina Napoles at Senator Estrada si Tuason mula 2004 hanggang 2008.

MAT’S CASH VOUCHERS FROM NAPOLES. Kaugnay nito, nauna nang naiulat ang tungkol sa pagiging “middleman” ni Mat sa pagitan ni Napoles at ni Senator Estrada at ina nitong si Loi, na nanungkulan bilang senador mula 2001 hanggang 2007.

Noong December 24, ipinakita sa GMA Network news program na 24 Oras ang kopya ng tatlong disbursement vouchers na tinanggap ni Mat bilang komisyon mula sa JLN Corporation.

Sa JLN Corporation voucher No. 4289, na may petsang August 11, 2005, ang nakasulat ay “payment for 50% of 30M Rebate charge from Senator Jinggoy” na nagkakahalaga ng P1.14 million.

Sa JLN Corporation voucher No. 5787, na may petsang January 13, 2005, ang nakasulat ay “payment for 5% Commission charge to Sen. Loi Estrada PDAF-DA 10M” na nagkakahalaga ng P475,000.

Sa JLN Corporation voucher No. 5472, na may petsang December 12, 2005, ang nakasulat ay “50% Rebate/Commission of 71M 2004 Full Payment of the commission charge to Sen. Loi Proj.” na nagkakahalaga ng P1.2 million.

Ang mga naturang disbursement vouchers ay isinumite ni Mat sa Makati Regional Trial Court nang sampahan siya ng kaso ng JLN Corporation noong 2005.

Ito ay kaugnay ng diumano’y hindi pagbabayad ng aktor ng sasakyang nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso.

Ang JLN Corporation ang kumpanyang pag-aari ni Napoles at diumano’y sangkot din sa mga transaksiyong kaugnay ng pork-barrel scam.

Read: Mat Ranillo’s old legal case links Senator Jinggoy Estrada and Loi Ejercito to alleged PDAF scam mastermind Janet Lim Napoles

BAD BLOOD BETWEEN RANILLO AND NAPOLES. Samantala, ibinunyag ni Atty. Levito Baligod na ginamit ni Napoles ang koneksiyon ni Ranillo sa mga kilala nitong pulitiko, upang makakuha ng pondo para sa mga pekeng NGOs nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit matapos umano ipakilala ni Ranillo si Napoles sa mga kilala nitong mambabatas ay hindi na muling kinuha ng businesswoman ang serbisyo ng aktor.

Napag-alaman ni Atty. Baligod ang mga impormasyong ito mula sa kliyente niyang si Benhur Luy.

Sabi pa ng abugado sa panayam sa kanya ng dzMM na nailathala sa ABS-CBN News Online ngayong araw, February 12:

“Nung mga congressman pa lang ang kanyang [Napoles] kliyente, si Mat Ranillo na po ang nagpakilala.

“Ang unang mga kliyente ni Mrs. Napoles ay mga congressman.

“Nagkaroon sila ng alitan dahil nung nalaman na ni Mrs. Napoles yung congressman, siya ay dumidiretso na itsapuwera na si Mat Ranillo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN