Director Joyce Bernal worried about mauling scene in latest film with Vhong Navarro

Dahil sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro, tigil muna ang shooting ng ginagawa niyang pelikula kung saan si Joyce Bernal ang direktor. Sabi ni Direk Joyce, “Hindi ko alam kung kailan kami magre-resume. Hindi pa puwede si Vhong, siyempre.”


Isa sa mga dumalaw kay Vhong Navarro, noong naka-confine pa ito sa St. Luke’s Medical Center dahil sa pambubugbog, ay ang direktor na si Joyce Bernal.

Awang-awa raw si Direk Joyce kay Vhong nang nakita niya ang hitsura ng aktor.

Pero pinilit pa raw ng direktor na patawanin at pagaanin ang loob ni Vhong at sinabihan niya ito ng: “Para kang Kung Fu Panda!”

Ito ay dahil sa malaking black eye ni Vhong.

Malapit na kaibigan ni Direk Joyce si Vhong at nagkatrabaho na sila sa tatlong pelikula: Mr. Suave (2003), D’ Anothers (2005), at Agent X44 (2007).

Bukod dito, ang ginagawang pelikula ngayon ni Direk Joyce ay pinagbibidahan din ni Vhong—ang horror-comedy na The Possessed.

Katambal dito ni Vhong ang sexy star na si Ellen Adarna.

Sabi ng direktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tentative pa ang title niya, baka mapalitan pa.

“Nasa cast din si Sweet, si John Lapus. Siya yung multo na sasanib sa katawan ni Vhong.

“Tigil muna kami ng shooting, hindi ko alam kung kailan kami magre-resume.

“Hindi pa puwede si Vhong, siyempre.”

Sino ang pumili kay Ellen para maging leading lady ni Vhong?

Sagot ni Direk Joyce, “Kaming lahat ang pumili, yung mga involved sa movie.

“Okay naman siya, okay siyang artista.”

Kuwento pa ni Direk Joyce tungkol sa pelikula, “Ang nakakaloka, may eksena sa movie na bubugbugin si Vhong mula umaga hanggang gabi, kaya hindi ko alam kung paano namin gagawin yun.

“Baka ma-trauma siya lalo, kaya bahala na.”



MANG GERRY’S LAST NIGHT. Nakausap ng PEP si Direk Joyce noong Huwebes, February 7.

Nakisabay kami ng gabing iyon sa sasakyan ng direktor patungong Manila Memorial Park, sa Plaridel, Bulacan, para sa huling lamay ng namayapang ama ni Regine Velasquez na si Mang Gerry.

Pangalawang pagpunta na ni Joyce noong gabing iyon sa burol ng ama ng Asia’s Songbird.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi puwedeng hindi ako bumalik,” sabi pa ng direktora, na malapit na kaibigan din ni Regine.

Bukod sa magkaibigan ay maraming pelikula si Regine na si Joyce ang nagdirek: Dahil May Isang Ikaw (1999), Kailangan Ko’y Ikaw (2000), Pangako… Ikaw Lang (2001), Paano Kita Iibigin (2007), at Of All The Things (2012).



PARAISO KO’Y IKAW. Sa telebisyon naman, si Joyce ang direktor ng early primetime series ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw.

Bida rito ang young stars na sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin.

Ano ang masasabi niya sa mga kabataang artista na hawak niya ngayon bilang direktor?

Sagot ni Direk Joyce, “Maayos, mahuhusay silang umarte.

“Mabilis nilang naibibigay yung hinihingi ko sa kanila.”

Nakikitaan daw niya ng potensiyal na sisikat nang husto sina Kim at Kristoffer.

Hindi rin daw nagkakaroon ng problema o sakit ng ulo sa set si Direk Joyce dahil professional at magagaling daw ang lahat ng nasa cast ng Paraiso Ko’y Ikaw.

Kasama rin sa show sina Joey Marquez, Janno Gibbs, Gabby Eigenmann, Jessa Zaragoza, G Tongi, Neil Ryan Sese, Maricel Morales, Phytos Ramirez, at Joyce Ching.

Natatawa namang ikinuwento ni Direk Joyce na wala siyang kamalay-malay na dalawa sa mga artista niya ay nagkaroon ng relasyon at kabi-break lang—sina Kristoffer at Joyce.

Saad niya, “Nagulat nga ako, may nagsabi lang sa akin.

“Tinatanong ko nga yung dalawa, ngumingiti lang.

“Wala, hindi mo kasi mahahalata na kabi-break lang nila.

“Maayos silang magtrabaho, hindi nila isinasali ang personal nila sa trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN