Allen Dizon revives screen image as a red-hot lover: "Definitely, hangga’t gusto pa nilang makita ang katawan ko, ready ako diyan."

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

Despite his acting awards, Allen Dizon will not refuse doing the kind of movies that earned him the loyalty of his fans: "Hangga’t gusto pa nilang makita ang katawan ko, ready ako… once in a while, gagawin ko. Kaya kahit medyo nagkakaedad na, hindi ko pa rin nakakalimutang mag-workout, i-maintain ang katawan ko."

Ang aktor na si Allen Dizon ang kapareha ni Charee Pineda sa pelikulang Sitio Cancam, na ididirek ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Nakilala si Allen bilang isa sa hottest sexy actors noong early 2000s dahil sa mga pelikulang nagpakita siya ng kanyang matikas na katawan, ’tulad ng Ang Gusto Ko Sa Lalaki (2000), Hayup Sa Sex Appeal (2002), at Xerex (2003).

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor bago pa ang presscon ng Sitio Camcam noong Linggo, February 9.

Dito ay nabanggit niya na siya ang "magbibinyag" kay Charee sa unang pagsabak ng aktres sa intimate love scenes.

Masayang bungad ni Allen, "Oo nga, first time ni Charee na magpa-sexy sa pelikula.

"Parang noong dati, ’di ba?

"Ako ang tagabinyag ng mga sexy star dati. Ngayon, ako ulit.

"Even Megan Young, ako yung partner niya sa first kissing scene niya sa movie."

Ang tinutukoy ni Allen ay ang pinagsamahan nilang pelikula ng Miss World 2013, ang Sigwa (2010).

Read: Megan Young on her kissing scene with Allen Dizon: "Sobrang nervous!"

DELICATE SITUATION. Marami ang gustong malaman kung paano iha-handle ni Allen ang love scenes nila ng konsehala ng Valenzuela na si Charee, na ngayon lang sasabak sa role na sexy.

Maiilang ba siya dahil hindi naman talaga sexy o bold star ang kanyang kapareha?

Paliwanag ng award-winning actor, "Okay lang naman. Si Direk Joel na ang magga-guide niyan.

"Ako naman bilang artista, professional.

"Kung ano ang ipagagawa sa akin ng director, yun din ang susundin ko.

"Kami naman ni Charee, bago magsmula ang shooting, mapapag-usapan naman namin ’yan.

"At saka si Direk Joel naman ’yan, sigurado naman akong maganda ang execution niya, pati lighting."

Inaasahan na raw ni Allen na marami siyang intimate love scenes sa pelikulang ito na kinasanayan na niya noong kasagsagan ng bold movies sa Pinoy cinema.

Nangingiting sambit niya, "A, oo, lalo na yung scenes namin ni Charee."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALPHA WOMEN. Sa istorya ng Sitio Camcam, tatlo ang magiging asawa ng karakter ni Allen.

Si Jean Garcia ang una. Susunod si Sunshine Dizon na ang karakter ay ayaw nang makipag-sex dahil naging maka-Diyos. At si Charee na nga.

Sa palagay ni Allen, "Iba’t ibang atake ang gagawin ni Direk Joel pagdating sa love scenes."

Suwerte nga raw ng morenong aktor dahil dalawang hot mommas—sina Jean at Sunshine—at ang dalagang si Charee na bumibilang ng admirers ang makakatambal niya.

Saan siya sa mas attracted, sa isang may edad na o sa mas bata pa?

Mabilis na tugon ni Allen, "Siyempre sa bagets.

"Pero depende din sa hot mommas.

"Like, ’yan nga si Jean, si Eula Valdes.

"Si Dawn Zulueta, napakaganda, ’di ba?

"Si Gretchen [Barretto]."

Sa mga dalagang aktres, sino para sa kanya ang malakas ang sex appeal?

Aniya, "Marami, nandiyan si Anne Curtis, si Shaina [Magdayao], si Maja [Salvador].

"Si Angel Locsin, siyempre, at yung kakabayan ko, si Ritz Azul.

"Ang seseksi nila."

Dugtong pa niya, "Mas alaga sila ngayon...

"Kasi alam mo noon, [ang mga baguhang aktres] galing sa ganitong probinsiya, sa ganun, hindi alaga ang mga balat, ang katawan.

"Pero ngayon, iba na, bago sila lilitaw, mas na-enhanced na, ’di ba?"

ALPHA MEN. Maging ang mga baguhang aktor daw ngayon bago magpapakita ng kanilang katawan at muscles sa pelikula ay mas naghahanda.

"Mas tight kasi ngayon ang competiton," sabi ni Allen.

"Kahit ang TV stars o kahit sinumang sikat na lalaki ngayon, mas health conscious sila at gusto nila ay maganda ang katawan nila.

"Kahit hindi sila lumalabas sa sexy roles, gusto nila ay handa sila ’pag dumating ang time na may offer sa kanila na ganung role.

"Ready sila at ganun din ang mentality ko, dapat ready ako palagi.

"Kung kinakailangan mong magpalaki ka [ng katawan], magpalaki ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung kailangan na mataba ka, magpataba ka."

Sabi pa niya, "Ang sexy genre kasi ngayon, lumilipas na rin kasi kokonti na rin lang ang gumagawa ng ganyang movies.

"Buti nga ay may independent film producers na willing mag-produce para mas malaya ang temang naisasapelikula.

"Ganun lang talaga... paikut-ikot lang."

Hindi raw matanggihan ni Allen ang paggawa ng mga klase ng pelikula kung saan ay minahal siya ng mga manonood kahit mayroon na siyang acting awards.

Nanalo siyang Best Supporting Actor sa Star Awards for Movies at FAMAS noong 2007 para sa pagganap niya sa Twilight Dancers.

Noong 2008 naman ay nanalo siyang Best Actor sa FAMAS para sa Paupahan.

Noong 2010 ay nagwagi siya muling Best Actor sa Gawad Tanglaw at FAMAS para sa Dukot.

At noong 2011 ay itinanghal siyang Best Supporting Actor sa FAMAS pa rin para sa Sigwa.

Nakangiting pahayag ni Allen, "Definitely, hangga’t gusto pa nilang makita ang katawan ko, ready ako diyan.

"Yun naman kasi ang minahal nila sa akin.

"Hangga’t meron sigurong may gusto, once in a while, gagawin ko pa rin.

"Kaya kahit medyo nagkakaedad na rin tayo, hindi ko pa rin nakakalimutang mag-workout, i-maintain ang katawan ko."

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42355/allen-dizon-revives-screen-image-as-a-red-hot-lover-definitely-hangga39t-gusto-pa-nilang-makita-ang-" data-desc="Allen Dizon recalls giving Miss World Megan Young her first onscreen kiss." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2e2fe3cd9.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN