Jasmine Curtis Smith will no longer play mermaid roles

Minsan nang gumanap na sirena si Jasmine Curtis Smith sa isang show ng TV5, pero ayaw na raw niya itong maulit. Paliwanag ng young actress, “Hindi po kasi ako marunong lumangoy. So, tinuruan lang din po nila ako habang nandun, ‘tapos salbabida agad pag-angat ng tubig!”


Napag-alaman namin mula sa young actress na si Jasmine Curtis Smith na huminto pala muna siya sa pag-aaral.

Sabi ng Kapatid star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I did not enroll. I took an LOA [leave of absence] for one semester sa Ateneo.”

Hindi pa raw niya alam kung kailan siya ulit papasok.

Saad ni Jasmine, “Hindi pa po sure, e.

“Kasi ang dami ng pumasok na projects and it’s so hard to say no.

“And it’s all coming in now, and what if later on, walang mangyari, ‘di ba?

“So if there are projects now, why not take it, grab it, and do your best.

“And if it works out, go, go, go!

“If it doesn’t, you have school to fall back on naman po.”

BATTLE OF THE MERMAIDS. Tinanong ng PEP si Jasmine kung wala bang plano ang TV5 na gawin siyang sirena sa isang teleserye.

Ang kapatid kasi niyang si Anne Curtis ay gaganap na Dyesebel sa ABS-CBN.

Ang GMA naman ay may sirena-serye rin, ang Kambal Sirena, na pagbibidahan ni Louise delos Reyes.

“Naku! Nag-sirena na po ako sa TV5 before. Sa Pidol’s Wonderland. ‘Dyesebilbil.’ Yes!” natawang sabi ni Jasmine.

Pero hindi raw niya na-enjoy maging sirena.

“Hindi po kasi ako marunong lumangoy.

“So, tinuruan lang din po nila ako habang nandun, ‘tapos salbabida agad pag-angat ng tubig!” natatawa pa rin niyang kuwento.

Kaya kapag may offer sa kanya ang TV5 na maging sirena ulit sa isang show ay ayaw na raw ni Jasmine.

“Hindi ko po kaya! Ano po, pag of age na po ako, ‘tsaka pag marunong na pong lumangoy.”

Kahit lumaki siyasa Australia, kung saan maraming bodies of water tulad ng dagat, ay hindi natutong lumangoy si Jasmine.

“I know! Well, dito po kasi ako nag-grade school, doon lang po ako nag-high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, malayo rin po kami sa beach sa Australia, so hindi rin ako na-expose to surfing and wakeboarding, yung mga ganyan,” paliwanag niya.

Ang sports daw ni Jasmine dati ay Muay Thai.

“Like last year, Muay Thai. Recently, wala po, kasi trabaho, trabaho, trabaho.

“I tried working out, pero mukhang hindi pa kaya ng katawan ko full-blast na mag-workout na routine talaga.

“So, ano muna ako, trying to get healthy ulit.”



SISTERLY ADVICE. Ano ang pinakamagandang advice na naibigay sa kanya ng Ate Anne niya?

Sagot ni Jasmine, “Well, of course, I think it will be just to do my best in each project that I do.

“Because considering that I am not enrolled sa school at the moment, and this is what my full-time schedule is about now, kailangan talagang focused and talagang all your attention and all your energy is on work and rest.”

Si Jasmine naman, ano na ang advice na ibinigay niya sa kapatid?

May nagbiro kay Jasmine kung hindi ba siya pinayuhan ng Ate Anne “not to buy anyone.”

Tumawa muna ang Kapatid Princess bago sumagot kung ano ang advice niya sa kapatid sa mga panahong may pinagdadaanan itong intriga.

“Well, actually I just kept quiet and I kept her company, because we all make mistakes, ‘di ba?” sabi niya.

Wala raw siyang ipinayo kay Anne.

“Alam niya na yun, I’m sure. I don’t have to say anything kay Ate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN