Secretary Ping Lacson says he did not expect to have part-Japanese grandchild

Secretary Ping Lacson on Joyce Bernal directing 10,000 Hours: “Well, maganda talaga pag ang gagawa si Direk Joyce. Hindi ko pa siya na-meet noon, naririnig ko na yung pangalan niya na talagang magaling siyang gumawa ng… Without offense to the other directors, pero talagang alam mo yung babae na yun, small but terrible."


Nagsilbing guest of honor at inducting officer si dating senador at ngayo’y Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo "Ping" Lacson sa oathtaking and induction ceremonies ng mga bagong halal na opisyal ng Philippine Movie Press Club (PMPC), sa pamumuno ng re-elected president na si Fernan de Guzman.

Ginanap ito kaninang umaga, Pebrero 13, sa Sir Boy’s Food Republique, sa Panay Avenue, Quezon City.

Ang iba pang elected officers ng PMPC ay sina Mell Navarro (Vice President), Mildred Bacud (Secretary), Rodel Fernando (Asst. Secretary), Boy Romero (Treasurer), John Fontanilla (Asst. Treasurer), Lourdes Fabian (Auditor), Sandy Es Mariano, at William Reyes (PROs); at Board of Directors na sina Eric Borromeo, Roldan Castro, Leony Garcia, Gerry Ocampo, Rommel Placente, at Veronica Samio.

Bilang bagong appointee ni Pangulong Noynoy Aquino, si Secretary Lacson ang namamahala sa rehabilitasyon at pagbangon muli ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

Bago ito ay nagsilbi siyang senador ng bansa mula June 30, 2001 hanggang June 30, 2013.

Dahil mas kilala siya bilang pulitiko, nagbiro si Secretary Lacson sa PMPC officers and members kung ano ba ang kinalaman niya sa showbiz at sa movie press.

Sabi niya, “Ako ang in-charge ng Yolanda rehabilitation, so haggang ngayon, kinakapa ko pa kung ano yung koneksiyon with my position now or my position, past and present, sa movie press club.

“Having said that, it’s been an honor to be with you today.

“Alam ninyo, basta binigyan kayo ng awtoridad, siyempre may kasamang authority ito, ang message ko lamang sa inyo, gamitin niyo nang buong husay at para sa kapakanan ng inyong mga miyembro ang authority na ibinibigay sa inyo.

“Dahil ito’y responsibilidad na iniatang sa inyong mga balikat.”

Pero siya na rin ang naghayag sa sumunod niyang mga sinabi ng kanyang koneksiyon sa mundo ng pelikula.

Pinuri niya rin ang kahalagahan ng entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nakikita ko lang koneksiyon ko sa movie press club o sa industriya ng pelikula ay yung tatlong beses na naisapelikula yung bahagi ng aking career at ng aking buhay.

“Yung una, yung Task Force Habagat [1993] na ginampanan ni Edu Manzano.

“Pangalawa, yung with the late Rudy Fernandez, Supercop [2000].

“At itong huli, yung 10,000 Hours [2013].

“Yun ay tinatanaw ko ring malaking utang na loob sa movie press, kasi alam niyo, kailangan din ng pelikula ng promotion at malaki ang nagampanang papel ng mga movie press patungkol dito.”



10,000 HOURS. Pagkatapos ng induction ceremonies, nakausap pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Secretary Lacson bago siya umalis.

Natanong siya ng PEP kung ano ang reaksiyon niya na ang pelikulang 10,000 Hours, na halaw sa kanyang buhay, ang most-awarded movie sanakaraang 2013 Metro Manila Film Festival Awards Night.

Tugon niya, “Well, maganda talaga pag ang gagawa si Direk Joyce [Bernal].

“Hindi ko pa siya na-meet noon, naririnig ko na yung pangalan niya na talagang magaling siyang gumawa ng…

“Without offense to the other directors, pero talagang alam mo yung babae na yun, small but terrible.

“And I was observing her at work, talagang nandiyan ang puso at saka nandoon ang kanyang…

“Buhos talaga ang kanyang nalalaman at yung kanyang kakayahan para mapaganda yung pelikula.”

Binati niya rin ba ang bida ng 10,000 Hours na si Robin Padilla noong manalo itong Best Actor?

“Yeah, of course, kinongratulate ko siya. Pati yung cast, kasi halos lahat nanalo, e.”



NEW GRANDCHILD. Samantala, nakahabol pa ng isang tanong ang press kay Secretary Lacson patungkol sa bago niyang apo sa anak na si Pampi Lacson, courtesy ng girlfriend nitong si Iwa Moto.

Pangalawang apo na niya ito kay Pampi, na ang unang anak ay si Thirdy sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Natawa muna ang dating senador dahil hindi niya inakala na maitatanong ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, showbiz na. Okay, hindi ko akalain na magkakaroon ako ng apo na Haponesa na twenty-five percent,” biro pa niya at pagkatapos ay malugod nang nagpaalam.

Si Iwa ay half-Filipino, half-Japanese.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN