Boy Abunda respects Atty. Raymond Fortun’s rants against Buzz Ng Bayan

Bago matapos ang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng media kay Boy Abunda ngayong araw, February 13, inusisa sa TV host kung ano ang masasabi nito sa patutsada ng spokesman ni Cedric Lee na si Atty. Raymond Fortun laban sa kanilang show. Sagot niya, “I respect him. He’s doing a good job.”


Nirerespeto raw ng King of Talk na si Boy Abunda ang naging pahayag ni Atty. Raymond Fortun laban sa Buzz Ng Bayan.

Ito ay kaugnay ng interview ng programa ng ABS-CBN, kung isa sa mga host si Boy, sa isang body-language expert na nag-analyze sa isang panayam kay Cedric Lee.

Si Atty. Fortun ang tumatayo ngayong spokesperson ni Cedric kaugnay ng mga reklamong inihain ng aktor na si Vhong Navarro laban sa negosyante.

Inakusahan ni Vhong si Cedric ng pambubugbog noong gabi ng January 22 sa condo unit na tinutuluyan ng modelong si Deniece Cornejo.

Read: PEP EXCLUSIVE. Atty. Raymond Fortun joins Cedric Lee camp as spokesperson, not as legal counsel

Sabi ni Boy tungkol kay Atty. Fortun, “I respect him. He’s doing a good job.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Boy kanina, February 13, sa formal presscon ng bagong civic organization na itinayo ng TV host at iba pang kasama, ang Make Your Nanay Proud Foundation.

Ginanap ito sa Tribeca Function Room ng Astoria Plaza Hotel, Ortigas, Mandaluyong City.



“NOT TO TWIST THE TRUTH.” Sa February 2 episode ng Buzz Ng Bayan, ang weekly showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN, nagsagawa sila ng panayam sa isang psychologist na nag-analisa ng mga galaw ni Cedric sa isang interview.

Bahagi ng pag-aanalisa ni Dra. Maricar Fajardo, isang cognitive and developmental psychologist, “Yung body posture niya, yung body niya, it’s leaning to one side.

"It signifies tension. He’s very tense. He’s not confident about what he’s saying.

"When it comes to the manner of speaking, he’s very continuous, although mapapansin mo, titingin siya sa ibang tao sa loob ng kuwarto as if to ask for confirmation.”

Dahil sa naturang segment, naglabas ng statement si Atty. Fortun sa kanyang Facebook account, na pinamagatan niyang “The Tipping Point,” upang tuligsain ang intensiyon ng naturang panayam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi ng pahayag ng tagapagsalita ni Cedric: “That The Buzz [Buzz Ng Bayan] episode made me realize how a powerful media entity can use its unlimited resources in order to sway public opinion to demonize a person.

“This, as a lawyer dedicated to bring out the truth, I cannot accept.”

Dagdag pa niya, “Because of what this powerful media network and the NBI have done way beyond their respective duties to the public, Cedric Lee is, in my eyes, an underdog.

“Justice must be served, but it must not be in accordance with the conductor’s beat of someone along Panay Avenue.

“So I contribute my voice into this dispute NOT TO TWIST THE TRUTH but to make sense of the madness.”

“I RESPECT HIM.” Sa panayam ng PEP at iba pang miyembro ng media kay Boy kanina, sinagot nito ang naging pahayag ni Atty. Fortun.

Simula nito, “You can be more specific.

"I’ve read that blog ba ni Archie [palayaw ni Atty. Fortun] na napamura siya nang napanood niya ang Buzz Ng Bayan.

"I think… I think, ha, na he was referring to the portion where there was a doctor/psychologist na nag-interpret doon sa actions… mga behavior, mga actions nung mga parties involved in this controversy."

Dagdag pa ni Boy, “You know my comment? I respect him. He’s doing a good job.

“My comment is I respect him, he’s doing a great job as spokesperson.

“It is incumbent upon him to defend his client... premised around his belief that they are innocent.

“I totally respect that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN