Atty. Raymond Fortun says “kissing” CCTV footage of Cedric Lee and Deniece Cornejo is a “non-issue”

Atty. Raymond Fortun believes that the new CCTV footages, which includes the "kissing" video of Cedric Lee and Deniece Cornejo, will not affect the case of the two suspects in Vhong Navarro’s mauling incident.


Nagbigay ng personal na opinyon ang spokesperson ni Cedric Lee na si Atty. Raymond Fortun tungkol sa lumabas na bagong CCTV footage, kung saan nakitang hinalikan ni Cedric ang modelong si Deniece Cornejo habang nasa loob sila ng elevator.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ng dalawa na may namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkaibigan.

Para kay Atty. Fortun, maituturing na “non-issue” ang partikular na CCTV footage dahil, “it does not prove or disprove the parties’ version of events that night.”

Ang CCTV footage ay kuha sa loob ng elevator ng Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City, sa Taguig City, noong madaling-araw ng January 23.

Ito ay ilang oras pagkatapos mangyari ang pambubugbog sa aktor na si Vhong Navarro noong gabi ng January 22, at pagpapa-blotter sa aktor dahil diumano sa tangkang panghahalay kay Deniece.

Sina Deniece at Cedric ang dalawang kinilala ni Vhong na sangkot sa pambubugbog sa kanya.

Kasama nina Deniece at Cedric sa naturang CCTV footage ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee at isang di pa napapangalanang lalaki.

Sa dating post ni Atty. Fortun na “Tipping Point” sa kanyang Facebook account, marami ang humingi ng reaksiyon niya tungkol sa bagong CCTV footage, na ngayo’y hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI).

Read: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro

Watch: Deniece Cornejo and Cedric Lee new CCTV footage raise question on real relationship between them

Sa comment section ng naturang Facebook post niya kagabi, February 13, sabi ni Atty. Fortun, “Maybe it’s just me, but it looks like the girl didn’t even want to be kissed. Others will think otherwise.

“What matters is, again, what I PERSONALLY KNOW.

“I have met with DC [Deniece Cornejo] and CL [Cedric Lee] in a meeting and over dinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ko nakita nor naramdaman na close sila.

“For me, this is another non-issue because it does not prove or disprove the parties’ version of events that night.”

Sa kabila ng kanyang personal na opinyon, sinabi naman ni Atty. Fortun, “I will NOT say that the CCTV lies. We all saw what we saw.

“And yes, I’m glad that you noticed that the big group was so relaxed when they went inside the elevator.

“So... Doesn’t look like this group was heading for a fight, tama ba?”

Naniniwala rin si Atty. Fortun na hindi makakaapekto ang CCTV footage na ito sa kaso nina Deniece at Cedric.

Paliwanag niya, “First public statement of CL that they are just friends?

“As I said, it seemed that the girl didn’t even want to be kissed. CL didn’t even embrace her, nor did she embrace back.

“So... The kisses on the cheeks aside, it didn’t affect the case.”

Sa mga naunang panayam kay Cedric, itinanggi niyang may romantic relationship sila ni Deniece.

“PASSIONATE KISSING.” Samantala, kinuwestiyon din ni Atty. Fortun ang paggamit ng ABS-CBB News ng salitang “passionate” para ilarawan ang ginawang paghalik ni Cedric kay Deniece sa loob ng elevator.

Aniya, “This network considers 2 kisses on the cheek as ’passionate’? I wonder what a regular kiss to them is.”

Paliwanag pa niya sa isang nag-comment sa kanyang post: “I would object to the use of the word ‘passionately’ then I would pull out the definition from the dictionary.

“Then I would pull my wife and kiss her in a passionate manner to prove my point.

“I expect to be sustained by the judge.”

Bagamat patuloy pa rin ang pagpapaliwanag ni Atty. Fortun sa mga nagko-comment sa kanyang post, umiwas naman siya na magbigay pa ng karagdagang komento tungkol sa partikular na CCTV footage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng spokesperson ni Cedric bilang sagot sa isang nag-comment: “I will stop there, sir. Let’s wait for DC/CL to submit their counter-affidavits.

“But I am really happy that you have questions while others have already convicted.”

Sa ngayon ay sinusubukan pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuha ng official statement mula sa kampo nina Cedric at Deniece tungkol sa mga bagong labas na CCTV footage.

Mananatiling bukas ang PEP na ilathala ang anumang pahayag mula sa kampo nina Cedric, Deniece, at Vhong tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN