Gwen Zamora feels she’s not skinny enough for a leading role

Hindi raw nagtatampo si Gwen Zamora sa Kapuso Network na hanggang ngayon ay hindi pa siya nabibigyan ng solo project sa telebisyon. Sabi niya, "Physically hindi pa talaga ako ready. I really want to lose ten pounds. And I feel like once I lose ten pounds everything will fall into place.”


Isang misteryosong babae mula sa nakalipas na panahon ang gagampanan ni Gwen Zamora sa Innamorata ng GMA.

“Yes, from the thirties,” sinabi ni Gwen.

Kaya tinanong namin siya kung paanong atake ang ginawa niya sa kanyang papel bilang si Alejandra.

“I researched the style of the women back then, the way they talk... They were very composed.

"That was the time when they were becoming more daring. But they still had that very composed, regal demeanor.

"Like every hand movement was calculated.

"And the clothes!” kuwento pa ni Gwen.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa presscon ng Innamorata sa 17th floor ng GMA Network Center nitong Biyernes, February 7.

Sa direksyon ni Don Michael Perez at ieere na sa Lunes, February 17, nasa cast ng Innamorata si Max Collins bilang si Esperanza, si Luis Alandy bilang si Edwin, at si Jackie Rice bilang si Gina.

Kasama rin dito si Michael de Mesa bilang si Lloyd, Dion Ignacio bilang si Dencio, Pinky Amador bilang si Delia, Juan Rodrigo bilang si Leandro, Leandro Baldemor bilang si Cenon, at si Rita Avila bilang si Alice.

WEIGHT ISSUE. Samantala, kahit konti ay wala raw tampo si Gwen sa Kapuso Network na hanggang ngayon ay hindi pa siya nabibigyan ng solo project sa telebisyon.

“To be honest, no. I guess everything happens for a reason, and physically, hindi pa talaga ako ready.

“Like I don’t feel like I’m skinny enough to portray different types of roles.

"This year talaga I’m really focusing on getting ready physically.

“I really want to lose ten pounds.

"And I feel like once I lose ten pounds, everything will fall into place.”

Ano ang launching project na gusto ni Gwen, if given the chance?

“I would like it to be a romantic-comedy, something light.

“Kasi lahat ng mga shows that I was part of, were in a sense, very heavy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I want something light, funny, and feel-good. Nothing too dramatic.”

At ang gusto sana raw niyang maging leading man kung sakali ay si Dennis Trillo: "He’s an amazing actor.”

Nakatrabaho na niya si Dennis sa Biritera pero hindi sila magkapareha.

MISSING ELLEN. Napapanood din si Gwen sa Bubble Gang at dati ring nasa show si Ellen Adarna na kaibigan ni Gwen.

Nasa ABS-CBN na si Ellen ngayon.

Kinausap ba ni Ellen si Gwen tungkol sa paglipat nito?

“It’s not a topic that I should be talking about, she should talk about it.”

Pero bilang kaibigan, ano ang ipinayo niya kay Ellen?

“She’s the one that gives me advise, e,” at natawa na lang si Gwen.

In-inform lang daw siya ni Ellen tungkol sa paglipat nito at hindi humingi ng advise.

Aniya “Si Ellen follows her own heart, naglalabas lang siya ng gusto niyang sabihin.

“But she gives me advise, like nung nag-start kami ng Bubble Gang, hindi ako marunong mag-make-up, siya ang nagturo sa akin kung papaano mag-make-up.

“What I like about our friendship, we watch each other’s back from the start ’till the end.

"We will always watch each other’s back even when we’re not in the same channel anymore.

"We’re still close, we chat maybe like every other day.”

Nalungkot daw siya sa paglipat ni Ellen.

“I was sad, I was really sad.

"Even the dynamics in Bubble Gang, the first couple of weeks na wala siya, it was sad.

"It was hard for me kasi, although close ako to everyone, siya yung buddy ko.

“We started together, e. Nag-Enteng [Kabisote] kami together, nag-Bubble Gang kami together.

"We were always together.”

Sinubukan ba niyang pigilan si Ellen na lumipat?

“Kind of, like I talk to the people from Bubble Gang, like ‘Oh, please, try to understand her.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero it’s out of our control, what happened was not in our control.

“But she’s very happy now, she’s really happy now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN