Kris Aquino’s realization on her 43rd birthday: “Kung ayaw mong pakialaman yung life mo, manahimik ka.”

Nagbitiw ng salita si Kris Aquino na mas magiging pribado na siya ngayon. Pagdating sa kanyang personal na buhay, ang pinagkakautangan lang daw niya ng paliwanag ay ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.


Privacy at maturity.

Ito raw ang dalawang bagay na natutunan ni Kris Aquino sa selebrasyon ng kanyang 43rd birthday ngayong araw, February 14, Valentine’s Day.

Sa episode ng daily morning program niya sa ABS-CBN, ang Kris TV, kaninang umaga, tinanong ng headwriter ng programa na si Darla Sauler si Kris kung aalis ba siya sa kanyang birthday.

Ngumiti lang at hindi ito sinagot ng TV host-actress.

Nang usisain pa si Kris kung ano ang balak niya sa kanyang kaarawan, nanatili siyang tahimik.

Sabi niya, “Regalo ko sa sarili ko ‘yon… privacy.

“At hindi kita sasagutin.”

Dugtong pa ni Kris, “Maturity teaches you na kung ayaw mong pakialaman yung life mo, manahimik ka.”

Ang pinagkakautangan lang daw niya ng paliwanag ay ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

“Ang utang ko lang sa dalawang tao na they should know what’s happening in my life… the only two people who deserve an explanation—si Kuya [Joshua] at si Bimb.”

ON LOVE. Nagbahagi rin ng kanyang realization si Kris pagdating sa pag-ibig.

“Meron akong nabasa at gusto kong i-share sa inyong lahat, it’s my new thinking… ‘Every girl deserves a boy who won’t make her mascara run, but will mess up her lipstick.’"

Nang sundutin ito ng tanong kung mayroon na ba siyang bagong pag-ibig, nagpaliwanag si Kris.

Sabi niya, “Kasi yun ang rule kay Bimb, ’di ba, no kissing on the lips, e, di wala [lovelife].”

Marami rin kasi ang nagkaroon ng espekulasyon na may bago na siyang pag-ibig dahil na rin sa mga makahulugang posts niya sa Instagram na tungkol sa pag-ibig.

MATURITY. Lubos naman ang pasasalamat ni Kris sa mga tagasubaybay ng kanyang morning show dahil patuloy ang pagsubaybay sa kanya ng mga ito.

“Thank you for allowing me to grow up, kasi parang hindi kayo nagsawa na subaybayan ako at hinintay niyo lang yung chance na mag-mature [ako].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And you know, finally, napi-feel ko na.

“I wanna say thank you to God kasi parang natanggal na lahat ng pinagdaanan ko nung 2013.

“Parang lahat ng bagyo do’n, it’s over, it’s finished na.

“Totoo naman ‘yon, there’s really a rainbow after that rain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN