Celebrities reveal their plans on Valentine’s Day

“I think that Valentine’s Day o anniversary, extra birthday ng mga kababaihan ‘yon,” Jericho Rosales (third from left) on his thought about Valentine’s Day.

(From left) John Lloyd Cruz, Andi Eigenmann, and Solenn Heussaff also share their thoughts about Valentine’s Day.


Valentine’s Day ang isa sa mga pinakaespesyal na araw para sa mga magkasintahan.

Ano kaya plano ng local celebrities ngayong Araw ng mga Puso?

Para sa Home Sweetie Home actor na si John Lloyd Cruz, “Hindi ako ma-celebrate ng Valentine’s.”

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media si John Lloyd, wala pa raw silang naiisip na plano ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Paliwanag niya, “Unang-una, baka may trabaho, so baka kailangang i-prioritize ‘yon.

“Pangalawa, traffic, mahirap sumabay.

“Saka na lang ang celebration.”

Agad namang bawi ni John Lloyd, “At saka para sa amin naman, every day is a Valentine’s Day celebration.”

Samantala, hindi naman fan ng Valentine’s Day ang Kapuso singer-actress na si Solenn Heussaff.

Ang Valentine’s day para kay Solenn, “Hallmark Day ‘yan.

“Puro publicity, so never akong nagse-celebrate.

“Kapag may ano lang, pero I won’t go out of my way.”

Gayunman, sabi ni Solenn, madalas kapag Valentine’s Day, “‘Yong dad ko, binibigyan ko siya ng flowers.”

Malabo rin ang pakikipag-date ni Solenn sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Nico Bolzico ngayong araw.

Guest kasi siya sa three-day Valentine concert ni Ogie Alcasid na Samahang Walang Ka-Valentine sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Katulad ni Solenn, itinuturing ng ABNKKBSNPLAko?! actress na si Andi Eigenmann ang Valentine’s Day na isang “normal day” lamang.

Nakangiting sabi niya, noong press conference ng pelikula nila ni Jericho Rosales, “It’s not naman a holiday.

“May trabaho nga ang Valentine’s Day, dapat wala.”

Nabanggit din ni Andi, “Hindi po ako sure kung may taping ako sa araw na ‘yon, kasi Friday ‘yon.

“If ever wala po akong work, wala pa akong plans, kasi wala akong Valentine.”

Kasalukuyang nasa Singapore ang “close friend” ni Andi na si Jake Ejercito. Exam week daw ng binata ngayon kaya hindi sila magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, hindi pa alam ni Jericho Rosales ang kanyang gagawin para sa Araw ng mga Puso nang tanungin siya sa press conference ng ABNKKBSNPLAko?! kamakailan.

May trabaho raw kasi sila ng kanyang fiancée na si Kim Jones para sa isang endorsement.

Hindi naman daw palalampasin ni Jericho ang okasyong ito nang hindi sinusurpresa si Kim.

Katuwiran niya, “Siyempre, important ‘yon.

"I think that Valentine’s Day o anniversary, extra birthday ng mga kababaihan ‘yon.

“So, I have to come up with really something special.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN