Tintin Bersola-Babao and husband Julius Babao fly to Hong Kong for Valentine escapade

Tintin Bersola-Babao on hosting Face The People: "Saan ba ako tumanda, ’di ba, sa morning show? Ibang-iba ang format ng morning show, nakangiti, happy stories. Biglang opposite na opposite, pagdating ko dito [Face The People], shock talaga ako. Natutulala ako, as in shock! Puro tanong ko lagi, ’Bakit?’ Pag-uwi ko sa bahay, pagkatapos ng


Espesyal pa rin ang Valentine’s Day para sa mag-asawang Christine “Tintin” Bersola-Babao at Julius Babao kahit na matagal na silang nagsasama.

Ito ang sinabi ni Tintin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press bago ang taping ng show nila ni Gelli de Belen, ang Face The People, sa TV5 Studio sa Reliance, Mandaluyong City, kagabi, Pebrero 13.

Sabi ni Tintin, “’Di ba, kaka-tenth wedding anniversary lang namin noong December 8? Nag-renew kami ng vows.

"Pero total of seventeen years na kami.

"Kami, seven years kaming mag-on, ’tapos ten years [nang kasal]."

Kuwento pa ng TV host, "Noong nasa London kami… hilig talaga naming mag-travel kahit noong binata at dalaga pa kami.

"Noong nasa London kami, pinag-usapan na namin yung next trip.

"Sabi ko kay Juls, ‘Alam mo, ang sarap talaga pag nagta-travel nang walang kids, yung tayong dalawa lang. Ano kaya sa Valentine’s? Uy, February 14, Friday, Valentine weekend. Saan mo ako idi-date?’

"Ganun lang ako. ’Tapos eto na siya… sa Hong Kong!"

So, silang dalawa lang ulit?

“Oo, kaming dalawa lang. Tinotoo niya.

"Biniro ko lang siya, ‘Dalhin mo naman ako somewhere.’ ’Tapos ayun.”

Pag-amin pa ni Tintin, kahit hindi Valentine, every week ay nagdi-date pa rin sila ni Julius.

“Oo, every week pa rin. After the taping [ng Face The People], ’Dali, may date pa kami ni Julius!’

"Kundi before Bandila, after Bandila.”

Ang Bandila ang late-night news program ng ABS-CBN kung saan isa sa anchors si Julius.



SUPPORTIVE HUSBAND. Kahit na magkaiba sila ng pinagtatrabahuhang istasyon—si Tintin ay nasa TV5 at si Julius naman ay nasa ABS-CBN—hindi raw ito sagabal sa masaya at matibay nilang pagsasama.

Ayon kay Tintin, very supportive si Julius sa lahat ng career moves niya.

Katulad nga ng pagtanggap niya sa trabaho para maging co-host ni Gelli sa Face The People ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago raw sa kanya ang paghu-host ng ganitong programa kaya noong umpisa, hindi maiwasang madala niya hanggang pag-uwi ang emotions at istorya sa taping ng programa.

Pero nandiyan lang daw si Julius para makinig sa kanyang mga kuwento.

“E, kasi, ’di ba, isa lang naman akong replacement ni Tiyang [Amy Perez]?

"Baguhan ako dito. Si Gelli, one year na niyang ginagawa. So, ako, nangangapa.

"Kasi, sa totoo lang, saan ba ako tumanda, ’di ba, sa morning show?

"Ibang-iba ang format ng morning show, nakangiti, happy stories.

"Biglang opposite na opposite, pagdating ko dito [Face The People], shock talaga ako. Natutulala ako, as in shock!

"Puro tanong ko lagi, ’Bakit?’

"Pag-uwi ko sa bahay, pagkatapos ng tatlong araw, nandoon pa siya sa system ko.

"Ikukuwento ko sa asawa ko, ‘Alam mo yung kanina…’ Kuwento-kuwento para lang mailabas ko.

"Buti na lang nandiyan ang asawa ko para makinig."

Pero ngayon daw ay nasasanay na si Tintin lalo na at pumapasok na sa Season 2 ang Face The People.



ENOUGH KIDS. Dalawa na ang anak nina Tintin at Julius, sina Antonia at Antonio. May balak pa ba silang dagdagan ang mga anak nila?

Sagot ni Tintin, “Hindi na, sarado na ang factory [bahay-bata].

"Pareho kami (ni Gelli) na sarado na ang factory. Basta sarado na ang tindahan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN