Court junks Deniece Cornejo’s TPO petition against Vhong Navarro

The Taguig Metropolitan Trial Court dismissed Deniece Cornejo’s petition for Temporary Protection Order (TPO) against actor Vhong Navarro.

In the said petition, Deniece seeks order to refrain Vhong from stalking and sending text message to her. It also includes gag order for Vhong and the media.


Na-dismiss ang Temporary Protection Oder (TPO) petition ni Deniece Cornejo laban sa aktor na si Vhong Navarro.

Ang TPO ay inihain ni Deniece sa Taguig Metropolitan Trial Court (MTC) noong February 4.

Nakapaloob sa hiling na ito ang pagbabawal kay Vhong na lumapit o mag-text kay Deniece.

Kasama rin dito ang paghiling ng gag order para kay Vhong at sa media.

Dininig ang petisyon kaninang tanghali, February 14, sa Taguig MTC.

Dumalo sa nasabing hearing si Deniece at ang kanyang legal counsel na si Atty. Howard Calleja.

Naroon din ang abugado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, ngunit hindi nito kasama ang aktor.

Sa pagdinig ng petisyon, napagdesisyunan ni Judge Lorifel Pahimna ng Taguig MTC Branch 69 na ibasura ang hiling na TPO ni Deniece laban kay Vhong dahil wala raw itong basehan.

Sa kabila nito, sinabi ni Atty. Calleja, sa isang maiksing panayam pagkatapos ng hearing, na maghahain ang kampo nila ng motion for reconsideration para sa TPO petition ni Deniece.

Samantala, sa hiwalay na panayam naman ng media kay Atty. Mallonga, ipinaliwanag niya ang naging dahilan ng korte sa pagbasura sa hiling ni Deniece.

Saad niya, “The petition seeks relief that is not really within the powers of the court to grant, which is a gag order against all tv stations, all social media, any third persons.

“The court, however, eventually ruled to dismiss the case on another basis.

“Sabi niya, walang basehan sa petition to assume that there is a relationship between Vhong and Deniece, so as to put it within the ambit of the law."

Dagdag pang paliwanag ni Atty. Mallonga, “Ang TPO, sa ilalim ng probisyon ng VAWC [Violence Against Women and their Children Act], ay nagbibigay proteksiyon para sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang relasyon [mag-asawa o magkasintahan].

“Base sa inihaing TPO, ang tanging binanggit na relasyon umano ni Deniece kay Vhong ay ang kaharasan na ginawa ng actor-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ng korte, ‘Hindi ito ang relasyong pinag-uusapan dito. Walang relasyon na masasakop ng batas.’”

Kasabay ng pagdinig sa TPO petition ni Deniece sa Taguig MTC ay ang preliminary investigation naman ng Department of Justice (DOJ) sa kasong isinampa ni Vhong laban kina Deniece, Cedric at Bernice Lee, at iba pa.

Ang kasong ito ay kaugnay ng naganap na pambubugbog sa aktor sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City, Taguig, noong gabi ng January 22.

Sina Deniece at Cedric ang dalawa sa positibong kinilala ni Vhong na kasama sa insidente ng pambubugbog sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN